Prologue

22 10 1
                                    

Prologue

"Ate...." Napayakap siya ng mahigpit sa akin habang patuloy ang kaba na nararamdaman niya na tila sasabog na ang kanyang dibdib.

Malungkot na tumingin ito sa kanya habang pinipigilan nitong tumulo ang kanyang luha, "Wag kang magalala di tayo pababayaan ng Diyos." Niyakap niya rin ito ng mahigpit saka pumikit, "Magdasal tayo."

Inabot niya ang kamay nito at hinawakan ng mahigpit habang binaon niya ang mukha niya sa dibdib ng kanyang kayakap, "Wag muna ngayon. Hinihintay niya ang pagbabalik ko." Maluha nitong bulong sa kanyang sarili.

Tahimik ang kasama nitong nagdasal. Kabado man ngunit pinaubaya niya na sa Panginoon ang magiging kapalaran ng kanilang buhay.

================================================================

"Jc.. Jc. Gumising ka na. Magsisimula na."

Isang boses ang bumulong sa tenga ko para maging dahilan ng unti-unting pagdilat ng aking mga mata. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at napatingin sa kung saan galing ang boses.

"Magsisimula na.." Tugon ng isang babaeng may suot na reading glass at may dalang ilang papel sa kanyang kamay.

Matamlay na tumango ako saka tumayo at nilagay sa tenga ang headphones na kanina pa na nasa aking leeg habang ako'y naiidlip.

Nauna nang umalis ang babaeng gumising sakin habang ako naman ay walang kabuhay-buhay na sumunod sa kanya.

Pinagmamasdan ko ang bawat hakbang ng aking mga paa habang nalulunod sa alala ng aking napanaginipan kanina lang.

Hindi ko maintindihan kung bakit nagkaroon ako ng ganung panaginip. Hindi ko man lang makilala ang mukha ng mga taong napanaginipan ko. Ni hindi ko masabi kung ito ba'y lalaki o babae.

Ngunit ramdam ko ang takot na kanilang nararamdaman. Tila may isang nakakatakot na mangyayari na tila ayaw nilang maganap. Pilit nilang hinahanda ang kanilang sarili sa maaaring mangyari ngunit andon parin ang pag-asa sa kanilang luha na sana, may milagrong mangyari kahit alam nilang ito'y malabo na.

She's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon