SIXTEEN (16)
- Third Person's POV -
Tumunog na ang bell para maging hudyat na tapos na ang isang oras na klase ni Rhea sa NSTP.
"See you tomorrow, everyone." Pamamaalam ni Ma'am MC saka naglakad na ito papunta sa pinto at nauna na itong lumabas sa kanila.
"Kitakits sa English mamaya." Wika ni Almira at mahinang tinapik ang balikat ni Rhea.
Tumango lang ito habang nagliligpit ng gamit niya ng hindi nililingon si Almira. Nauna ng lumabas ang kaibigan nito ng room habang naguunahan naman ang mga kaklase niyang lumabas.
Dahan-dahan ang bawat hakbang niya papunta sa pinto habang nalulunod siya sa kakaisip tungkol sa naganap kanina. Hindi niya lubos maisip na muntik na siyang maging Fallen dahil sa sobrang kompyansa sa sarili at nakaligtaan niya ang tunay na misyon niya sa lupa.
Dahil sa sobrang nalulunod ang isip niya sa ibang bagay ay wala siyang kamalay-malay na dinala na umano siya ng mga paa niya sa ComLab 3. Natigilan siya sa paglalakad ng pakiramdam niya ay nasa kung saan siya at ginala ang kanyang paningin sa paligid.
Bumalik sa alala niya ang nangyari noong screening para sa Dota tournament na muntik na niyang ikapahamak. Sinuri niya ang bawat paligid at bawat sulok ng apat na kwadradong lugar upang masigurong ligtas ito at walang ano mang senyales ng hindi magandang elemento.
Alam naman niyang ligtas ang lahat sa mga oras na yun ngunit hindi parin siya komportableng naglakad papunta sa unit niya. Nasa mga wirings ang mga mata niya habang pasulyap-sulyap rin sa mga units.
"Hai Dota Girl."
Isang binata ang bumati sa kanya mula sa mga classmates niyang lalaking nagkukumpulan sa likod ng unit niya.
Lumingon naman ang dalaga ng may ngiti sa binatang bumati sa kanya, "Hello kuya Wolverine."
"Kayo na ba ni Gonzaga?" Tanong nito na kasabay ng paglingon ng mga binatang kasama nito kay Rhea.
Biglang nasamid ang paa ng dalaga sa paa ng upuan ng akmang uupo na ito sa kanyang unit. Marahan siyang napaungol sa sakit at itinaas ang paa para ilagay ito sa gilid ng upuan at marahang imasahe.
"Hindi pa naman." Maiksing sagot nito matapos masahiin ang paa ng dalaga saka binaba na nito ang kanyang paa at pinunasan ang upuan.
"Naku, Castino. Kung ako sayo magdalawang isip ka na." Pakikisawsaw pa ng isang classmate ng dalaga na kasama sa mga nagkukumpulan.
"Bakit naman? Perfect match kaya sila ni Gonzaga." Dugtong ng isa pa.
"May nakita kasi akong magandang chick na kausap ni Gonzaga kanina. At sexy pa." Kwento pa nung unang nakisawsaw at halos magkasabay silang nagbungisngisan.
Nagkasalubong naman ang kilay ni Rhea habang nakikinig sa kanila. Iisang pangalan ang biglang pumasok sa isip ng dalaga na mas sumira pa sa araw niya.
Tinalikuran niya na ang mga ito at dabog na umupo saka bahagyang hinagis ang bag nito sa ilalim ng computer table.
"Sexy nga ba talaga?" Nakangising pangungusisa pa ng isang binata na kasama sa mga nagkukumpulan.
"Ay sobra. Maputi. Bote ang katawan at ang iksi ng short." Kwento pa nung unang nakisawsaw sa mga kasama nito habang takam na takam.
Pinilit ng dalaga na dedmahin ang naririnig niya mula sa kanyang likod pero kalahati ng isip niya ang gustong pumatay ng linta dahil sa narinig niya. Nakasimangot siyang nakatitig sa keyboard habang kung anu-anong pwedeng posibilidad ang pumapasok sa utak niya.
BINABASA MO ANG
She's Back
Roman pour AdolescentsIsang di inaasahang insidente ang tumapos sa kanyang buhay. Dahilan ng panghihinayang niya sa isang bagay na di niya nagawa. At isang sinserong pagdarasal ang naging dahilan ng kanyang pagbabalik sa lupa. Sa kabila ng pagmamanipula ng isang Fallen s...