Nineteen

3 3 0
                                    

NINETEEN (19)

-Rhea's POV –

Muling kinuha ni Boss Ganda ang walang laman na bote ng beer at muli itong pinaikot.

Niyanig ng tilian ng mga kababaihang kasama ko sa balcony ng huminto ang bote na nakaturo ang bibig nito kay Almira. Sabay-sabay nilang kinukutya ang nakabungisngis kong kaibigan habang tinuro siya. Habang ako naman ay nakangiting nakatingin sa kanya.

“Ikaw magbigay ng dare, Sais.” Aniya Otso dahil nakaturo ang pwet ng bote kay Sais.

“Sige.” Nakatitig si Sais sa bote habang nagiisip.

Pandaliang natahimik ang lahat habang nagiisip si Sais ng dare para kay Almira ngunit nakangiti parin ang lahat na halatang sobrang excited.

Ako naman ay medyo sinuswerte sa bawat ikot ng bote. Dahil ubos na ang tagay, di pa ako natuturo ng bote. Pero kinakabahan pa rin ako baka maubos ang swerte ko bago matapos ang gabing ito.

Biglang ngumiti si Sais na halatang may pumasok na sa isip niya, “Isigaw mo sa labas, ‘Bumalik ka na, Lorenz'.”

Muling nabuhay ang tilian ng maibigay na ni Sais ang dare niya na halatang game na game silang gawin ito ni Almira.

Pero maliban lang kay Almira na kahit nagkasalubong ang kilay niya ay nakangiti parin siya, parang nagpipigil na kiligin.

Wag lang sana  marinig ni Uno. Aakyat talaga yun dito.

“Ayoko!!” Sigaw ni Almira sa gitna ng tilian nila.

“Sige na, crushmate. Di naman siguro maririnig ni Uno.” Pangungumbinsi ko na nakangiti habang tinutulak siya para tumayo.

Lahat ay nagyaya para sa kanya na gawin ang dare. Yung iba nga sobrang excited, parang gusto talaga nilang magfling sila Uno at Almira. Mukhang nakalimutan talaga nila na bahay ito ni Otso at andito siya sa harap namin ngayon.

“Sige na nga!”  Bumigay na talaga siya sa pangungulit ng lahat.

“Hooo!! Bi-bi-gurl! Bi-bi-gurl! Bi-bi-gurl!” Malakas at naghihikayat na sigaw ng lahat habang tumayo na si Almira at naglakad papunta sa railings na nakangiti.

Parang gusto rin niya, pakipot pa. Halata naman sa mukha niya.

Biglang umiral ang katahimikan ng nasa railings na siya at attentive talagang nagaabang sa lalabas sa bibig niya.

Pinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim saka tumayo sa kanyang mga tip toes.

“Bumalik ka na, Lorenz!” Sigaw ni Almira.

Nakangiti naman ang lahat ng sa wakas ay nagawa ni Almira ang dare. Lahat sila tuwang-tuwa maliban lang kay Otso.

Sumulyap ako sa kanya at nakakita ako ng maliit na ngiti sa kanyang mukha na parang napipilitan siyang ngumiti. Para di mahalata na naapektuhan  siya. Ilang members na nakakaalam tungkol sa nakaraan nila Uno, Otso at Almira ay tumingin rin sa kanya na may kasamang maliit na ngiti.

“Okay lang ako.” Wika ni Otso ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.

Tumango nalang ako at binalik ang atensyon sa laro.

Matalik kong kaibigan si Otso. Kaya nagaalala ako sa kung anong nararamdaman niya. Magaling kasi siyang magtago ng feelings kahit nasasaktan na siya.

“Hoy! Ubos na ang swerte mo!!” Sigaw ni Princess sa akin habang tinuturo ang bote.

Muntik ng mahulog ang mga mata ko nang makita kong nakaturo ang bote sa akin.

Tapos na ang maliligayang araw ko 😨

She's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon