Four

10 11 0
                                    

FOUR (4)

- Rhea's POV -

🎼"Madaming nangyari taon ang binilang
Ka-jamming kumpare napapangti lang
Ngayon naalala maulit yun sana (nakakamiss lang kase)
Hindi ko mapigil ang mga ngiti ko kapag naalala mga bagay na 'to
Kay sarap balikan tamis na'ng nagdaan nakakamiss lang kase........."🎼

Habang hinihintay kong matapos ang loading ng Dota para sa game na create ko, nilakasan ko ang volume ng speaker hanggang sa umabot ito sa maximum nitong lakas. Magisa lang kasi ako sa bahay. Nasa trabaho si ate habang dalawang linggo naman kaming walang pasok dahil sa nangyari sa ComLab. At dahil dun, postponed ang dota tournament. Nakakaiyak...

Napalingon ako sa maliit na rectangular stainless sa tabi ng laptop at wala na itong laman. Tutal, sobrang tagal nitong magloading, tumayo na muna ako at nagpunta sa ref, dala yung rectangular stainless para kumuha ng cookies.

Pagbukas ko ng ref, may dalawang paper bag pang natitira. Akala ko ubos na, kaya kinuha ko na yung dalawa at sinara ang ref. Bunuksan ko yung dalawang paper bag at sabay na binuhos ang laman sa stainless na dala ko at hinagis ang paper sa trash bin na katabi ng ref.

Nagkakanta ako habang naglalakad pabalik sa sofa kung saan ko iniwan ang laptop ko. Paborito ko kasi ang kantang nakaplay kaya napapakanta na rin ako kahit hindi ako magaling magrap.

🎼"Nakulayang ganda kay sarap pagmasdan
Nakulayang ganda ng mga nagdaan
Sa likod nang nilakaran ko na dala nang kapalaran ko
Bakas sa mga araw sa aking mga karanasan ay natutunan ko....."

"Bukod sa magaling kang magdota at magrap, saan ka pa kaya magaling?"

"Sa maraming ba----"

Nakaupo at nakaharap ako sa laptop ng may narinig akong boses na tila kinausap ako. Automatiko naman akong napalingon sa kung saan ito nanggaling at nanlaki ang aking mga mata sa di inaasahang tao na nakita kong nakatayo sa aking harapan, habang nakangiti ito sa akin.

"Anong ginagawa mo dito!? At pano ka nakapasok?!" Pasigaw kong tanong.

".................."

Narinig kong sumisigaw siya sa pagsagot habang tinuturo niya ang speaker ngunit wala akong maintindihan dahil sa lakas ng volume ng speaker. At dahil hindi ko siya marinig, napilitan akong patayin ang speaker. Nilagay ko ang stainless na hawak ko sa tabi ng laptop saka tumayo at nakakunot-noong tinitigan siya.

"Anong ginagawa mo dito? At pano ka nakapasok?" Tinanong ko ulit siya sa iritableng tono.

"Kanina pa kasi ako nagdodorbell pero halata namang di mo naririnig dahil sa sobrang lakas ng music mo, kaya ng makita kong nakabukas ng konti ang pinto ay pumasok na ako." Nakangiting paliwanag ni Ceejay.

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay habang nakacrossed arms, "Yung isang tanong di mo pa sinasagot."

Napasulyap muna siya sa ibang dereksyon habang nakangiti saka muling humarap sakin, "Dumaan lang ako para kamustahin ka at ibigay 'to." Sabay abot niya ng bulaklak sa'kin na halatang nakaabang sa magiging reaction ko.

Sandaling napatitig ako sa bulaklak. Matutuwa na sana ako ng malaman ko kung anong klaseng bulaklak ang dala niya.

"Ano yan?" Inis na tanong ko.

"Pasasalamat ko." Maiksing sagot niya.

"Pasasalamat o pangaasar!?" Sagot ko naman habang magkadikit ang ngipin dahil sa inis na pinipigilan ko.

Naiiritang binaba niya ang bulaklak na inabot niya sa akin at nakasimangot na sumagot, "Ganyan ka ba talaga kahirap pakisamahan? Pasasalamat ko ang bulaklak na to para sa pagligtas mo sa buhay ko."

She's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon