Two

11 9 2
                                    

TWO (2)

Kinakaladkad ako ni Almira papasok sa isang park, ilang oras pagkatapos ng klase namin. EB kasi ng clan namin at walang akong planong pumunta pero eto ako ngayon, kinakaladkad niya.

"Wag ka na kasing KJ, crushmate. Sumama ka na." Pagpupumilit pa nito.

"May magagawa pa ba ako ei hinihila mo na nga ang kamay ko." Sagot kong napipilitan.

"Wag mo ngang dibdibin. Ngayong gabi ka lang naman absent sa dota." Nakangiting sagot naman niya.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad, huminto kami sa isang kubong gawa sa kawayan. Halos occupied na ng mga binata at dalaga ang kubong yun. Masaya silang nagkukwentohan sa bawat isa. Halos halakhak ng kahit sinong andon ang maririnig mo. Lahat sila ay panay ang usapan at iilan lang ang tahimik na nakaupo. Mukhang masayahin ang clan na napasokan ko at hindi mga isnaberra ang mga members. Bawat may darating ay kung sinu-sino lang ang lumalapit at nakikipagkamay. Di na rin ako magtataka kung bakit marami nang members ang andon. Isang oras lang naman kaming late ni Almira. Sana wala pa si Uno, yung founder ng clan.

"Crushmate, may kilala ka jan sa kanila?" Bulong ko kay Almira.

Tumango lang siya saka sumagot, "Halos lahat kasi mga old members. Kunting mukha lang ang nakikita kong bago."

Pumasok na rin kami sa loob ng kubo. Nakakatuwa tignan ang mga members parang ilang dekada na silang magkakilala sa sobrang close nilang lahat. Yung iba naghaharotan at nagbibiroan. Yung iba naman ay kinukulit yung ibang tahimik lang para magsalita at sumali sa kulitan. Kaya panay ang pangungumbinsi ni Almira sa akin na umattend ng kahit isang EB lang dahil ganito pala kasaya.

Nakasandal lang ako sa isang poste ng kawayan kasama si Almira. Pinagmamasdan ko ang bawat galaw ng members. At sa nakikita ko, kahit newbie ka pa lang mabilis mong magiging close ang lahat dahil sa ugali nilang magaling makisama at makipagusap. Kahit ngayon mo lang sila nakilala ay parang ilang dekada na kayong mgakaibigan.

"Mads, newbie ba yang kasama mo?" Tanong ng isang binatang naglalakad papunta sa dereksyon namin habang nakatingin sa akin.

"Hindi, oldies to. Ngayon lang nagkatime magEB." Sagot naman ni Almira.

Si Almira pala yung tinatanong pero sa akin nakatingin??

"Four." Sabay inabot ng binata ang kanyang kamay sa akin.

"Primera." Sagot ko naman at nakipagkamay sa kanya.

"Primera?" Sandali siyang napaisip, "Ikaw ba yung Dota player sa clan?"

"Parang ganun na nga." Nakangiti kong sagot.

"Rhea!" Sigaw ng isang boses mula sa likod ni Four.

May nakakakilala ba sa akin dito para tawagin ako sa totoo kong pangalan?

Pareho kaming napalingon ni Four sa kanyang likod at nakita ko ang kaunaunahang lalaki na tumalo sa akin sa dota. Nakangiti itong naglalakad papunta sa amin.

Mapunit sana mukha mo sa sobrang laki ng ngiti mo.

"Sabi ko nga ba, ikaw si Primera." Dugtong pa nito ng makarating ito sa aming harapan.

Pinagtaasan ko lang siya ng kilay saka tumingin sa ibang dereksyon.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Four sa akin.

"Schoolmate ko kasi siya." Mahinang sagot ko na hindi tumitingin sa kanya.

"Mads, meeting daw muna ang mga officers." Sabi ni Almira kay Four.

Tumango lang si Four kay Almira at magkasabay na silang lumabas ng kubo.

"Princebeybe nga pala." Pagpapakilala ni Ceejay nang mapansin niyang wala sa kanya ang atensyon ko.

She's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon