FOURTEEN (14)
"Late na nga ako ng 15 minutes tapos ito pa ang aabotan ko." Panimulang sermon ng nagiisang Founder ng clan na si Uno habang palipat-lipat ang tingin sa mga officers na nasa harap niya, "Nono, Otso, hindi niyo ba talaga kayang controlin ang mga members ng wala ako? O napapagod na kayo sa mga posisyon niyo?"
"Wag mo talaga kaming mapagsalitaan ng ganyan, Uno." Inis sa sagot ni Otso, "Fresh from airport pa nga ako, galing Manila. Dumeretso na ako dito dahil malalate ka."
"Ginagampanan po namin ng maayos ang mga posisyon namin, Boss. Sadyang magagaspang lang talaga ang ugali ng mga newbie ngayon." Pangangatwiran pa ni Nono.
"Bakit? Newbie ba yang nasa harap niyo?" Mababa pero naiinis na tugon ni Uno at sandaling nagkapalitan ng tingin sila Nono at Otso saka nagpatuloy ito, "Dalawang taon na si Primera sa clan habang 3 months na rin si Anonymous sa clan. Yan ba yung newbie niyo?"
Nanaig ang katahimikan sa buong kubo at muling nangibabaw ang tensyon. Walang gustong magsalita at halos lahat ng members ay nakayuko upang iwasan ang naiinis na tingin ni Uno.
Bumuntong hinga naman si Rhea habang nakayuko rin habang nang.gigilaiti parin si Marjorie habang nakakatitig kay Rhea. Para bang gusto nitong sunggaban muli.
“Team Leaders! Sais at Juviler! Wala man lang ba kayong aksyon na gagawin? Lumalaki na ang ulo ng mga alaga niyo!” Galit na pagpapatuloy ni Uno ng walang kumibong officer sa mataas na tono.
Nakatuon man ang ulo nila sa sahig, saglit namang nagpalitan ng tingin sila Sais at Juviler. Akmang magsasalita na sana si Sais ng biglang siniko siya ni Juviler. Kumonot ang noo ng dalaga at aksidenteng naiangat niya ang kanyang tingin kay Uno na kanina pa matulis na nakatingin sa kanilang dalawa.
Napakurap ang dalaga ng hindi sinasadya at muling yumuko.
“Boss Uno, pwedeng magsalita?” Sinubukang maging kalmado ni Sais ngunit nanaig ang kaba na kanyang nararamdaman, “Gusto sana naming tapusin ang problemang ito sa pamamagitan ng pagterminate ng isa sa kanila.”
Pagkatapos niyang bigkasin ang salitang terminate ay lahat ng tingin ay napunta sa kanya, lalong lalo na sila Almira at Jc na halatang hindi sangayon dahil sa nakakunot nitong noo.
Nakaramdam ang dalaga ng malamig na kamay na mahigpit na hinawakan ang braso niya kaya napalingon ito sa kanyang likuran at nakita niyang nakasimangot ang mukha ni Jc na tumingin sa kanya. Pagpapakita ng hindi pagsang-ayon ng binata.
“Wag kang mag-alala. Hindi mateterminate si Primera.” Bulong ni Sais sa binata na may nakakatiyak na ngiti at mapaglarong kindat.
“Ano, Lil_ron? Kelangan pa ba ng espesyal na utos mula sa akin?” Sarkastikong tugon ni Uno.
“Magteterminate nalang ba tayo ng walang maayos na paglilitis?” Naglakas loob na sumagot si Lil_ron na nakatingin kay Uno.
“Idaan naman kaya natin sa counseling para maging patas naman.” Dugtong pa ni Juviler na halatang nagdadalawang isip saka sumulyap kay Uno para makita ang magiging reaksyon nito.
“Lahat ng officers, labas.” Utos ni Uno, “Princebeybe, Primera, Four at Anonymous, labas.”
Isa-isang lumabas ang mga officers ng kubo kasunod ang pangalang nabanggit ni Uno. Ngunit nakaagaw ng atensyon nito ang walang reaksyon nila Almira at Jc na pinagmamasdan lang ang paglabas nila.
“Four.” Sita ni Uno.
“Para maging patas ang counseling, magpapaiwan ako. Baka sabihin pang may pinapaburan.” Defensive na paliwanag ni Four.
BINABASA MO ANG
She's Back
Teen FictionIsang di inaasahang insidente ang tumapos sa kanyang buhay. Dahilan ng panghihinayang niya sa isang bagay na di niya nagawa. At isang sinserong pagdarasal ang naging dahilan ng kanyang pagbabalik sa lupa. Sa kabila ng pagmamanipula ng isang Fallen s...