Thirteen

3 5 0
                                    

THIRTEEN (13)

- Third Person's POV -

Naglalakad si Ceejay sa isang park papunta sa kubo kung saan ang EB place ng kanilang clan pagkatapos ng kanilang klase. Dala-dala ng kaniyang isipan na sana ay pumunta rin si Rhea kahit alam niyang malabo dahil sa naging tampuhan nila kanina. Pero bawat hakbang ng binata papalapit sa kubo ay umaasa siyang makikita niya ang presensya ng dalaga. Dahilan ng kanyang pag.attend ng EB.

Pagpasok niya sa kubo ay agad niyang inikot ang kanyang tingin sa loob. Hindi naman siya nabigo at nakita niya ang kanyang inaasahang pupunta.

Mula sa kinatatayuan niya, kitang-kita niyang masaya at nakikipagkulitan si Rhea kasama si Boss Ganda sa mga clanmates niya. Walang bakas sa mukha ng dalaga na apektado siya sa tampuhan nila ng binata kanina. Nakangiti naman ang binata habang nakamasid ito sa dalaga. Ngunit parang lubong pumutok na naglaho ang ngiti ng binata ng mapansin niya si Jc sa tabi ni Rhea. Nakangiti ito at nageenjoy ring nakikipagkulitan kasama si Rhea.

"Rhea, magaling ka sa Englishan di ba? Translate mo nga yung 'Mahal kita.' " Halos natatawang sabi ni Jc.

"Piece of cupcake." Pagmamayabang pa ni Rhea, "I love you."

"I love you too." Sagot niya sabay ngiti na nang-aasar at kumindat.

"Hoy. Ang landi mo." Nakabungisngis pang sita ni Boss ganda kay Jc at natatawang hinampas ang balikat nito.

Ngumisi lang si Jc na kitang-kita ang mapuputi niyang ngipin.

"English kaya ng mahal ko." Biglang sumingit si Juviler sa usapan katabi lang ni Boss Ganda.

Nakangisi parin si Rhea ng tumingin ito sa kanya, "My love?"

"Yes?" Isang mapaglarong ngiti ang tinugon ni Juviler kay Rhea at maya-maya, humagikgik siya.

Humagalpak silang lahat sa tawa na umalingawngaw sa buong kubo.

"Wala bang masakit sayo, Prim?" Dumagdag si AkinKa sa kulitan.

"Wala naman. Bakit ba?" Halos matawang sagot ni Rhea.

"Nasagasaan ka kasi ng pagibig ko ng tumawid ka sa buhay ko at nahulog sa puso ko." Hirit pa ni Akinka saka humagikgik.

Humagalpak naman si Rhea sa tawa habang hawak ang tiyan niya.

"May your soul rest in his heart." Nakangising dugtong ni Jc habang hawak ang dibdib niya.

"NakaEnglish yung Dj oh." Pangungutya pa ni Boss Ganda.

"Ang sakit kasi ng dibdib ko." Mahinang tugon ni Jc habang nakangiti parin.

"Bakit naman?" Pagtatakang tanong ni Boss Ganda pero hindi nawala ang ngiti niya.

"Andito kasi si Rhea sa loob ng puso ko." Nakabungisngis si Jc na halos mapunit na ang bibig niya sa sobrang laki.

Nagbigay ng kalahating pigil na tawa si Rhea ng sumagot, "Sinadya ko yan para matuluyan ka."

Tumawa ng marahan si Jc, "Ang sama nito."

"Kasing sama ng banat mo." Pangungutya pa ni Juviler kay Jc.

"Pero aminin, kinilig." Pangaasar pa ni Boss Ganda kay Rhea na halos tumawa.

Habang nakangiti si Rhea na nakatingin kay Jc ay inabot ni Akinka ang mukha ng dalaga saka kinurot at hinila.

Halos magkasabay naman silang lahat na tumawa maliban lang kay Rhea.

"Mashakit." Pinilit ni Rhea na tanggalin ang kamay ni AkinKa sa pisngi niya.

"Ay sorry. Akala ko kasi lasing ka sa sobrang pula ng mukha mo." Halos matawang paliwanag ni Akinka.

She's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon