Five

6 10 0
                                    

FIVE (5)

- Rhea's POV -

Dahil bored sa bahay, natagpuan ko ang aking sarili na umattend ng EB. Ayoko naman talaga. Pero dahil sa pagpupumilit nila Four, Almira at Ceejay andito na ako ngayon. Pinagtulungan ba naman ako. Sa puntong, pumunta pa sa bahay si Almira para ipagpaalam ako kay ate.

"Kanina ka pa ba, madz?" Tanong ni Almira kay Four ng makarating kami sa labas ng kubo.

"Hindi naman." Maiksing sagot niya.

"Nasan si Ceejay?" Tanong ulit ni Almira.

"Ayun oh. Nakikipaglandian sa malanding yun." Agad kong sagot ng makita kong nakipagkamayan si Ceejay sa isang babaeng nakamaong shorts at spaghetti shirt, bago pa makasagot si Four.

Sabay namang napalingon ang dalawa sa dereksyon nila Ceejay at nung babae habang ako naman ay tahimik na pinagmamasdan sila.

Maya-maya ay binalik na ni Almira ang tingin niya sa akin.

"Kakarating mo lang, yan agad ang nakita mo." Sita ni Almira.

"Ei nasa likod lang ni Four. Makikita ko agad." Katwiran ko habang don parin nakatingin sa kanila.

Nakahalf smile naman na sumbat ni Four, "Ganyan talaga yan si Anonymous. Halos lahat ng lalaki dito sa clan naging bf na niya."

Nakasimangot naman akong napatingin sa kanya, "So naging gf mo na rin?"

"May gf na ako pagpasok niya sa clan." Halatang naiinis na sagot naman ni Four.

"At kung wala, papatulan mo?" Sunod kong pangiinis.

Nakasimangot na siyang sumagot, "Ano bang problema mo, Prim?"

"Grabe siya oh," Biglang sumbat ni Almira sa usapan habang nakamasid kina Ceejay at Anonymous, "Kakakilala pa lang nila, nakakapit na siya sa braso ni Ceejay."

Nakakainis na talaga silang tignan. Ang landi talaga ni Anonymous habang kitang kita sa mukha ni Ceejay na gusto niya ang ginagawa ng babaeng yun sa kanya. At mukhang enjoy na enjoy sila sa kanilang harutan.

Akmang hahakbang na sana ako ng nahinto ang aking mga paa ng marinig ko si Four na nagsalita.

"Wag mo nang disturbohin. Masisira mo lang ang moment nila." Wika ni Four na halatang nangaasar.

"Mabuti nga yun at mailagay sa eksaktong lugar ang landian nila." Inis na sagot ko at tumuloy na sa paghakbang.

Bago pa man ako makalapit sa kanila, hinatak ni Four pabalik ang kamay ko.

"Ei di wag kang tumingin." Pangaasar pang ngiti niya ng siya ay sumagot.

Nakakunot ang noo kong kinalas ang kamay ni Four sa kamay ko at inis na tumingin sa ibang dereksyon. Dapat kasi hindi ako pumunta dito. Nakakasira ng araw.

"Si Lucy ba yun?" Bulong ko sa sarili nang makilala ko ang member na nakikita ko sa dereksyon na tinitignan ko.

May kausap itong lalaki at sobrang sweet pa nila sa kanilang harutan.

Sweet? Ei di ba girlfriend nga siya ni Four?? Ang dami atang newbie na malalandi ngayon.

"Saan?"

Napalingon ako sa aking tabi at nakita kong nakatayo malapit sa akin si Four. Hindi ko naman sinasadya na marinig niya. Kaya binulong ko lang sa sarili ko di ba? Pero mukhang napalakas lang ata ang boses ko.

Kaya tinuro ko nalang ang dereksyon nila Lucy, "Yun oh. Sino ba yang kausap niya?"

"Ex niya." Si Almira na ang sumagot ng tanong ko. Mukhang napansin ata ni Almira na seryosong nakatingin si Four sa kanila at hindi ako narinig nito.

She's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon