Seven

4 7 0
                                    

SEVEN (7)

- Jc's POV -

Pagdating ko sa bahay, sobrang dilim at nakakabingi sa sobrang tahimik. Pinindot ko ang switch ng ilaw na nasa tabi lang ng pinto at nagkaroon na rin ng liwanag ang loob. Nakakapanibago lang dahil kadalasan kapag umuuwi ako ng hating-gabi o madaling araw ay lage akong sinesermonan ni tita Lyca, pero ngayon mukhang wala ata siya o may lakad.

Dumeretso na ako sa hagdan at umakyat papunta sa kwarto ko. Pagdating ko sa taas i-non ko rin ang ilaw sa hallway at tahimik na naglakad. Sa sobrang tahimik ng paligid ay nabibingi na ako sa nageecho na tunog ng paa kong naglalakad. Pero atleast, naka-day off rin ako sa walang katapusang pakikipagtalo ko kay tita.

Maingat kong binuksan ang pinto ng kwarto ko. Naka-on naman yung ilaw at natutulog na ang kapatid kong si Cesha.

Nakangiti akong lumapit sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Hinawi ko ang buhok niyang nakatakip sa kanyang noo. Bigla akong kinilabotan ng maramdaman kong sobrang init ng noo niya.

"Cesha..?" Mahinang tawag ko sa kanya na halatang nagaalala habang hawak ang magkabilang pisngi niya.

"Kuya...." Matamlay at mahinang sagot niya na halatang inaantok pa.

"Anong nangyari sayo at bakit sobrang init mo?" Pagaalalang tanong ko habang inalis ang makapal niyang kumot at hinubad ang napakakapal niyang suot na jacket.

Hindi siya sumagot. Matamlay na pinagmasdan niya lang ako habang abala ako sa paghubad ng suot niyang jacket habang tumatango ang ulo niya sa sobrang antok.

Nang mahubad ko na ang jacket niya ay biglang nanginig ang buong katawan niya at sunod naman ay may dugong lumabas sa ilong niya.

"Cesha!" Bigla akong kinabahan. Mahinang inalog ko ang katawan niya pero kusang pumikit ang mata niya at tuluyang nawalan ng lakas ang katawan niya.

Nanginginig ang braso ko ng nilagay ko sa balikat ko ang ulo niya at binuhat siya. Nagtatakbo akong bumaba sa hagdan at deretso sa pinto.

Sobrang tahimik ng kalsada ng makalabas ako. Ni isang sasakyan, walang dumadaan. Hating gabi na rin kasi kaya wala nang bumabyahe. Kahit medyo malayo ay naglakad-takbo ako papuntang hospital. Hindi na kasi ako makapaghintay ng jeep baka mas lalo pang lumala ang kalagayan ng kapatid ko. Kahit wala siyang malay, ramdam kong nanginginig ang buong katawan niya. Kaya mas binilisan ko.

Maya-maya, lumiwanag ang kalsada. Automatikong napalingon ako sa likod at may nakita akong isang puti na Hilux na paparating. Sa bilis ng takbo nito ay halatang nagmamadali ito. Hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataong yun at dumiskarte na ako para mapabilis ang pagdating ko sa hospital. Tumayo na ako sa gitna ng kalsada. Kahit gaano pa man kabilis ang takbo nito, hihinto pa rin ito kapag may nakaharang sa kalsada.

Sa awa naman ng Diyos ay unti-unting humihina ang takbo ng Hilux hanggang sa tuluyan itong huminto sa harap ko. Bumaba mula sa driver's seat ang isang maputi at matangkad na babae, may suot itong reading eye glasses at white long jacket. Sa tingin pa lang niya sa akin, mukhang papatayin niya na ako.

"Magpapakamatay ka ba?" Galit na sigaw nito sa akin.

"Pasensya na po pero kelangang kelangan ko lang talaga ng masasakayan. Inaapoy po kasi ng lagnat ang kapatid ko." Pagmamakaawang paliwanag ko.

Kumalma naman ang mala-tigre sa galit na mukha ng babae at lumapit ito sa akin. Tumayo siya sa kanan ko kung saan nakapwesto ang ulo ni Cesha. Walang salita na nilagay niya ang kanyang palad sa noo ni Cesha at duoy muling nagkasalubong ang kilay niya. Mahinang hinimas niya ang braso ng kapatid ko habang inoobserbahan ang mukha niya.

Pagkatapos ay sumulyap ito sa relong suot nito sa kamay at naglakad pabalik sa Hilux niya, "Sumabay ka na sa akin. Kelangang madala agad sa hospital ang kapatid mo."

She's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon