SEVENTEEN (17)
- Third Person's POV –
Rhuji, Akinka: 🎼 Penge naman ako niyan
Ang pangit ng araw ko
Parang biglang napuno ng kamalasan
Rhuji: 🎼 Kailangang malimutan
Ang araw na dumaan
Libangin mo ako kasi kailangan
Rhuji, Akinka, Nono, Uno: 🎼 Kung ano man yang iniinom mo
Ipasa mo naiingit ako
Bilisan mo at buksan mo na yan
At gaganda ang ating samahan
Akinka, Rhuji, Nono, Uno, Jhunz, Juviler, Dos: 🎼 Penge naman ako niyan
Penge naman ako niyan
Penge naman ako niyan
Penge naman ako niyan
“Hoy! Ang ingay!” Malakas na sita ni Almira sa mga binatang nagkakantahan habang napadaan ito sa kanila.
Halos lahat sa mga binata ay nakabungisngis na lumingon sa kinaroroonan ni Almira na naglalakad papunta sa long table kasama sila Rhea, Ceejay at Otso.
“Ang tagal niyo.” Pahayag naman ni Nono, “Gutom na kami dito.”
“Eh di kumain na tayo.” Aniya ni Otso habang isa-isang tinanggalan ng takip ang stainless na pinaglagyan ng ulam na nakahelera sa long table.
Tumulong naman si Rhea para mapabilis at nilagay nila ang lahat ng ng takip sa isang bakanteng mesa na nasa dulo ng long table. Si Almira naman ang nag.ayos ng disposable na kutsara at paper plates na nasa pinakaunahan ng long table.
“Kain na mga tol.” Pangunguna ni Nono bago pa man sila imbitahin nila Otso.
Sumunod naman sa likod ni Nono ang mga binatang kanina na nagkakantahan at takam na takam na pumunta sa unahan ng long table para kumuha ng kubyertos.
“Kain na tayo.” Anyaya pa ni Otso sa ibang members na nakaupo lang na nakatingin sa ibang members na nasa long table na. Tila nahihiya pang lumapit.
Ang ilan ay nahihiyang tumango at nagkusa na ring tumayo saka sumali na sa ibang members na nasa long table.
“Ano? Kakantahan pa ba natin to?” Biro pa ni Lil_ ron habang kumukuha ng kanin.
Nakabungisngis naman si Uno na nasa tabi lang ni Lil_ron, “Happy birthday, Otso. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday, happy birthday, Otso.”
“Tayo’y mag-Otso, Otso, Otso, Otso, Otso, Otso, Mag-Otso, Otso pa..” Pabirong dugtong ni Nono habang nakabungisngis na tinataas ang balikat nito kasabay ng kanyang pagkanta. Habang abala ang kamay nitong kumukuha ng ulam sa mesa.
Napasapak naman si Otso sa kanyang noo, “Utang na loob, Uno at Nono. Kung hindi itong bahay ang sasabog, baka mabutas ang eardrums namin.”
Nakangusong humarap si Uno kay Otso nang matapos na itong kumuha sa mesa, “Bakit? Sintunado naman ah?”
Nag-half smile naman si Otso sa kanya, “Kumain ka nalang, Boss. Sa sobrang gutom mo, di mo na naririnig ang sarili mo.”
“Oo nga eh. Boses mo lang ang naririnig ko.” Nakangisi pa nitong sagot saka kinindatan ang dalaga.
Naghiyaway naman ang lahat na may halong pangungutya habang si Otso ay nakataas ang isang kilay na nakatingin kay Uno na umaalis sa long table.
“Shit. Nilalanggam yung pagkain.” Pangungutya pa ni Juviler.
“Bilisan niyo! Gutom na ako!” Sigaw pa ni Rhea sa gitna ng maingay na nagkukumpulan sa harap ng long table habang pilit na tinataas ang kamay para kumuha ng kubyertos.
“Si Princebeybe kainin mo!” Sigaw naman ni Lil_ron habang palabas sa nagkukumpulan na puno ang paper plate ng pagkain.
“Hindi ako karnibal.” Nakasimangot naman na sagot ng dalaga habang masamang nakatingin kay Lil_ron.
“Pero kinain ang puso niya.” Pangaasar pang dugtong ni Nono habang napadaan sa harap ng dalaga.
Mas lalong umingay pa ang mga members dahil sa pangungutya nila kay Rhea at tawa sa pangaasar ni Nono.
“Anong tingin mo sa'kin? Aswang?” Halos matawa na may halong inis na sagot ng dalaga.
“Hindi nga. Pero mukhang batang paslit.” Natatawang dugtong pa ni Juviler ng matapos itong kumuha ng pagkain at lumabas mula sa nagkukumpulang members.
Humalakhak naman ang dalaga, “Bata pa ba sayo ang 20 years old?”
“Oo. Dahil mahilig kang kumain ng dalawang itlog at isang hotdog na may kasamang nestle cream.” Halos mapunit na ang mukha ni Juviler sa bungisngis nito nang inasar niya ang dalaga.
Umalingawngaw sa buong bahay ang malakas na halakhakan ng members lalong lalo na ang mga lalaking nakarinig. Hindi rin naman naiwasang humagalpak sa tawa ang dalaga.
“Hoy! Bata pa ako para sa ganyan.” Halos matawang sagot naman ni Rhea.
“Bata pa nga. Pero marunong gumawa ng bata. Alright!” Dugtong pang biro ni Juviler saka ngumiti na halos ikapunit ng bibig niya sa sobrang laki.
Muling yumanig ang bahay dahil sa malakas na halakhakan at asaran ng members. Bahagyang hinabol ni Rhea si Juviler para sapakin pero nakangisi lang itong mahinang tumakbo papalayo sa kanya.
“Ang sagwa niyo!” Natatawang sita ni Otso.
“Gutom ka na di ba?” Biglang sumabat si Ceejay at bumulaga sa harap ng dalaga na nakangisi.
Nakasimangot naman ang dalagang tumingin sa kanya, “Ano na naman ba?”
“Parang hindi ka naman nagugutom sa sungit mong yan.” Aniya ng binata na bahagyang nakanguso.
Tinaas ng dalaga ang isa nitong kilay habang mariin na pinagsalubong ang kilay, “Syempre. Hindi ba obvious?”
“Sagutin mo na kasi ako para araw-araw kang busog sa pagmamahal ko.” Wika naman ng binata habang nakangisi at kumikinang ang mga mata nito.
Nag-half smile lang ang dalaga na lumiit ang mata sa inis, “Pagkain ang kailangan ko para araw-araw akong mabusog.” Pagdidiin niya.
“Eto.” Agad namang inabot ng binata kay Rhea ang paper plate na puno ng pagkain na kinuha niya kanina sa long table.
Ngumisi naman ang dalaga at agad na kinuha ito sa kamay ng binata at dala-dala itong naglakad papunta sa kinaroonan ng ibang members na kumakain.
“Nasan ang ‘oo’ ko?” Tanong ng binata ng walang salita ang dalaga na umalis ito sa kanyang harap.
Sumubo muna ang dalaga saka umupo sa tabi ni Boss Ganda na kumakain, “Nagtanong ka ba?”
Lumapit naman ang binata sa kinaroroonan ng dalaga at umupo mismo sa bakanteng upuan na nasa harap ng dalaga. Seryosong nakatingin ito sa dalagang kumakain habang ang dalaga naman ay binabalewala ang tingin ng binata sa kanya at abala sa bawat subo nito sa bibig.
“Nasan na yung sagot mong ‘oo’ sa tanong kong ‘tayo na ba?’” Mahina at seryosong tanong ng binata.
Lumingon naman si Boss Ganda kay Ceejay ng marinig niya ang boses nito at sumulyap din kay Rhea. Nagtama ang tingin nila Ceejay at Rhea habang ngumunguya ang dalaga at pilit na binabasa ang nasa isip ng binata. Binaba ng dalaga ang paper plate na hawak nito at nilapag ito sa kanyang legs habang nilulunok ang nasa loob ng bibig nito.
Tahimik lang ang binata at patient na naghihintay sa isasagot ng dalaga habang nagpapalitan sila ng seryosong tingin. Tahimik namang sinusuri ni Boss Ganda ang mukha ng dalawa kung may nababago ba sa walang emosyong mukha ng dalawa.
“Hanapin mo sa dictionary.” Mahina pero sarcastic na sagot ng dalaga na hindi pinuputol ang eye contact nila ng binata.
Isang mapanuksong smirk ang naging reaksyon ng mukha ng binata saka nilapit niya ang kanyang mukha sa dalaga, “Hahalayin na talaga kita kung hindi kita makuha sa santong dasalan.”
Nang may kasamang seryoso at poker face, nilapit rin ng dalaga ang mukha niya sa binata na halos magkadikit na ang kanilang ilong pero may konting gap parin na namamagitan sa kanila.
“Eh di idaan natin sa malademonyong paspasan.” Mahinang sagot ni Rhea sa tono na tila hinahamon niya na panindigan ng binata ang binitawan nitong salita.
Nanlaki ang mata ni Boss Ganda at naitakip niya sa kanyang bibig ang kamay nito. Habang ang dalawa naman ay seryosong nagkatitigan at parehong nakikiramdam.
Kalaonan ay hinatak ni Ceejay ang braso ni Rhea para tumayo kasabay rin ng pagtayo nito, dahilan para matapon ang pagkain ng dalaga na nasa legs niya.
Pwersahang hinatak ni Ceejay ang dalaga papalapit sa kanya at walang nagawa ang dalaga sa biglaang ginawa ng binata kundi ang bumagsak sa dibdib nito na nanlaki ang mata. Binaluktot niya ang kanyang tuhod at ginapos nito ang kanyang braso sa legs ng dalaga at binuhat siya.
“AAHH!!.” Tanging malakas na tili ang lumabas sa bibig ng dalaga ng maramdaman niyang umangat siya.
Automatikong natigilan ang lahat at lumingon sa kanilang dereksyon. Bakas sa mukha ng bawat isa ang pagtataka at pagkagulat. Yung iba ay nakangisi habang inaasar sila saka yung iba naman ay natutuwa habang nageenjoy na panoorin sila.
“Oo na, oo na.” Bulalas ni Rhea na tila kinakabahan, “I-Ibaba mo na ako.”
“Anong ‘oo na'?” Pangaasar pa ni Ceejay na may nakakalokong ngiti.
“T-Tayo na. Basta ibaba mo na ako.” Nanginginig ang boses ng dalaga ng lumabas ito sa bibig niya. Kinakabahan siya sa kung anong posibleng patutunguhan ng pagbuhat ni Ceejay sa kanya.
Biglang lumuwag ang pagkakagapos ng binata sa legs ni Rhea at nadulas siya pababa sa harap ng binata. Nakapatong ang dalawang kamay ng dalaga sa magkabilang balikat ng binata habang ngising-ngisi naman ang binata na nakatingin kay Rhea. Namumula naman ang mukha ng dalaga habang nakasimangot itong tinagpo ang kumikinang na mata ng binata.
“Tayo na? Seryoso?” Hindi makapaniwalang sambit ng binata habang nakalabas ang mapuputing ngipin nito.
Nakasimangot parin ang dalaga nang tumingin ito sa baba, “Kailangan ko pa bang ulitin?”
“Hindi ko kasi narinig ng maayos eh. Ano nga yun?” Pagkukunwari pa ng binata na may halong pangaasar.
Bahagyang sumulyap ang dalaga sa kanya, “Ilapit mo nga yung tenga mo.”
Agad namang nakangising nilapit ng binata ang tenga niya sa bibig ng dalaga saka nilagay ng dalaga ang dalawang kamay niya sa magkabilang bibig niya.
“Bingi ka ba?” Sigaw ng dalaga sa tenga ni Ceejay.
Humagalpak sa tawa ang lahat habang nakatingin sa kanila. Yung iba ay kinukutya si Ceejay habang yung iba naman ay tuwang-tuwa sa kanila.
Humakbang paatras si Ceejay sa inis habang nakabungisngis naman na nakatingin si Rhea sa kanya. Tila tuwang-tuwa ang dalaga sa kanyang ginawa.
Muling hinatak ni Ceejay ang dalaga papalapit sa kanya. At bago pa man dumikit ang dalaga sa dibdib niya agad niyang isinandal ang kanyang mga kamay sa dibdib nito.
“O-oo na nga. T-Tayo na kasi. Basta wag mo na akong bubuhatin.” Kinakabahan na bulalas ng dalaga habang nakatingin sa baba.
Iniiwasan ang tingin ng binata para di makitang namumula ang pisngi nito.
“Talaga?” Hindi makapaniwalang sambit naman ng binata habang ngising ngisi ang mukha nito.
Nakasalubong ang kilay ng dalaga na pinilit naiinis kahit hiyang-hiya siya sa sinabi nito. Parang gusto niyang bawiin ang sinabi niya pero lumabas na sa bibig niya kaya kailangan niyang panindigan.
Bahagyang sumulyap ang dalaga sa mukha ni Ceejay at nakita niyang tuwang-tuwa ang binata sa sobrang laki ng ngiti nito sa mukha.
Kinakabahang pinagdikit ng dalaga ang kanyang kamay habang inalis nito ang tingin sa binata at tumitig sa kamay niya, “Oo nga.”
“Yes!!” Sigaw ng binata at biglang niyakap ang dalaga ng sobrang higpit, “I love you, Rhea.” Bulong nito sa dalaga.
Biglang umingay ang buong bahay sa pangungutya at pabirong pangaasar ng ilang members. Yung iba naman ay nakangisi lang habang natutuwang pinagmamasdan ang dalawa saka yung iba ay panay ang pangaasar sa kanila.
Binaon naman ng dalaga ang kanyang mukha sa kanyang mga kamay dahil sa kahihiyan at pamumula ng mukha niya. Habang kilig na kilig naman ang binatang nakayakap sa dalaga.
Ngunit sa gitna ng ingay na namamayagpag sa buong bahay, isang kaskas ng guitara ang dahan-dahang nagpatahimik sa lahat dahilan para unti-unting humiwalay ang dalawa sa isa't isa. Lahat ng atensyon ay natungo sa kung saan galing ang kaskas ng guitara, saka naman inalis ng dalaga ang kamay nito sa mukha at tumingin rin.
Jc: 🎼 Wag kang maniwala jan
Hindi ka niya mahal talaga
Sayang lang ang buhay mo
Kung mapupunta ka lang sa kanya
Rhuji, Jc, Akinka: 🎼 Iiwanan ka lang niyan mag-ingat ka
Dagdag ka lang
Jc, Rhuji, Akinka, Juviler, Jhunz: 🎼 Sa milyon-milyong babae niyan
Akinka, Jc, Rhuji: 🎼 Akin ka nalang
Juviler, Jhunz: 🎼 (Akin ka nalang)
Akinka, Rhuji, Jc: 🎼 Iingatan ko ang puso mo
Akin ka nalang
Juviler, Jhunz: 🎼 (Akin ka nalang)
Akinka, Rhuji, Jc: 🎼 Wala nang hihigit pa sayo
Jc: 🎼 Hindi naman ako bolero katulad ng ibang tao
Ang totoo'y pag nanjan ka medyo nauutal pa nga ako
Akinka, Rhuji, Jc: 🎼 Malangis lang dila niyan wag kang padala
Dahan- dahan ka lang
Baka pati ika'y mabiktima
Jhunz, Juviler: 🎼 (wag naman sana)
Akinka, Jc, Rhuji: 🎼 Akin ka nalang
Juviler, Jhunz: 🎼 (Akin ka nalang)
Akinka, Rhuji, Jc: 🎼 Iingatan ko ang puso mo
Akin ka nalang
Juviler, Jhunz: 🎼 (Akin ka nalang)
Akinka, Rhuji, Jc: 🎼 Wala nang hihigit pa sayo
Tuwang tuwa naman ang lahat habang pinapakinggan ang grupo ni Jc na kumakanta habang sila Rhuji at Jc ang nag-guitara. Nageenjoy silang lahat lalong lalo na si Rhea na nakangising nakatuon lang ang mata kay Jc.
Jc: 🎼 Hindi naman sa sinisiraan ko ang pangit na yan
Wag ka dapat sa akin magduda
Hinding-hindi kita pababayaan
Jc, Rhuji, Akinka: 🎼 Akin ka nalang
Jhunz, Juviler: 🎼 (Akin ka nalang)
Jc, Rhuji, Akinka: 🎼 Iingatan ko ang puso mo
Akin ka nalang
Jhunz, Juviler: 🎼 (Akin ka nalang)
Jc, Rhuji, Akinka: 🎼 Wala nang hihigit pa sayo
Akin ka nalang
Jhunz, Juviler: 🎼 (Akin ka nalang)
Jc, Rhuji, Akinka: 🎼 Liligaya ka sa pag-ibig ko/niya
Sabay-sabay nilang turo kay Jc na may kasamang nangaasar na ngiti.
“Hoy! Anong niya?” Halos matawang sita ni Jc sa kanila.
“Hindi kaya pwedeng sa amin.” Biro pa ni Juviler.
Humalakhak naman ang mga binatang nagkakantahan sa sarili nila na mukhang tangang ewan.
“Kalokohan nga naman ng mga lalaking ito.” Nakangiti naman na dugtong ni Otso.
“Nasan na ba kasi ang pulang kabayo? Ilabas na!” Pangaapura pa ni Rhuji.
“Nasa probinsya tol. Hanapin mo.” Pangaasar pa ni Akinka.
Pabirong binatukan naman ni Rhuji si Akinka na kanina pa nakangiti.
“Sige na nga. Sa mga girls na tapos ng kumain,pwede na kayong umakyat sa balcony. Ipapahatid ko nalang sa mga boys yung kabayo natin. Tapos boys sa living room, walang kaakyat sa taas.” Mahabang paliwanag ni Otso sa gitna ng maingay at nagaasarang paligid.
BINABASA MO ANG
She's Back
Teen FictionIsang di inaasahang insidente ang tumapos sa kanyang buhay. Dahilan ng panghihinayang niya sa isang bagay na di niya nagawa. At isang sinserong pagdarasal ang naging dahilan ng kanyang pagbabalik sa lupa. Sa kabila ng pagmamanipula ng isang Fallen s...