Twelve

3 5 0
                                    

TWELVE (12)

- Rhea's POV -

"Crushmate!!" Naririnig kong tinatawag ako ni Almira habang nagtatakbong papunta sa akin.

Ako naman ay kunwari walang narinig at nagmamadaling lumabas ng classroom. Makikichismis naman kasi tong babaeng to tungkol sa nangyari kagabi.

Kakatapos lang ng 3 subjects ko sa umaga at vacant time ko ang kasunod. Kaya ng magbell hudyat ng pagtatapos ng subject ay nagmamadali akong lumabasa ng room. Ako nga yung pinakaunang lumabas ng pinto. Dahil kapag naabotan ako ni Almira, uupo na naman ako sa hotseat ng kachismisan at gigisahin ng kaechosan niya.

"Hoy, crushmate!" Patuloy parin na sigaw ni Almira habang nakasunod siya sa akin.

Naririnig ko na ang mga hakbang niya mula sa aking likuran at sigurado akong maaabotan niya na ako.

Binilisan ko ang aking mga hakbang at nagmamadaling kinuha ang earphones ko sa bag. Agad ko namang sinaksak ang dulo sa cellphone ko at nilagay sa tenga ko ang earpiece. Para pagnaabotan niya ako may idadahilan ako.

At eksaktong nakapagplay ako ng isang kanta ay bumulaga sa harap ko si Almira Antopina na nakacrossed arms at mataray na tumingin sa akin.

Tinanggal ko ang isang earphones ko sa kaliwang tenga saka siya sinita, "Crushmate, hindi ako makadaan."

"Kanina pa ako sumisigaw. Hindi mo ba ako naririnig?" Pagtataray nito.

Binandera ko sa harap niya ang isang earphone na tinanggal ko mula sa aking tenga, "Sorry po. Busy yung tenga ko."

Nagsmirk lang siya tapos ginapos niya ang kanyang kamay sa braso ko saka hinila ako para maglakad, "Magkwento ka naman."

Nagsimula na siyang makichismis..

"Tungkol saan ba?" Kunwari hindi ko alam.

"Tungkol kagabi sa Party House." Pabulong na tonog excited niyang sabi.

Inabot ako ng ilang minuto bago pa man makaisip ng maayos na isasagot. Iniipon ko pa kasi ang mga piraso ng alaala na naaalala ko sa mga nangyari.

"Ano na?" Pangaapora pa niya.

Itong babaeng to. Hindi makapaghintay.

"Ayun.. Nagshot kami ng Scotch tapos nagkwentuhan ng kahit anong kalokohan. Tapos natulog kami sa guest room." Kwento ko.

Patay. May sabit yata ang sinabi ko.

Nanlaki naman ang mga mata niya na halos malaglag na habang nakanganga ang bibig niyang tumingin sa akin, "Natulog kayo sa iisang guest room?"

Wow. Grabe yung reaksyon niya. OA much.

"Ang OA mo naman. Natulog lang." Kunot noo kong sagot.

"Tapos anong nangyari?" Biglang bumungisngis ang mukha niya na halos mapunit na.

Naku! Hindi ko gusto ang ngiti nito.

"Natulog kami." Sagot ko.

Yun naman talaga ang nangyari.

"Ang bitin mo naman magkwento, crushmate." Nakanguso nitong sagot habang magkasalubong ang kilay.

"Ano ba dapat kasi ang mangyayari?" naiirita kong sabi.

"Love making." Kinikilig pa siya nang binulong niya sa akin, "expecting na yun kasi pareho kayong lasing."

Pervert!

"Nakakalasing ba ang isang bote?" Irita kong sagot.

"Oo. Malakas kaya ang tama ng Scotch." Paliwanag naman niya.

She's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon