Fifteen

3 5 0
                                    

FIFTEEN (15)






- Rhea's POV –


Tilian ng mga classmates ko ang unang nambwisit sa umaga ko, pagpasok ko ng room. Halos mabutas ang eardrums ko sa sobrang lakas ng kanilang tilian.

“Ano bang meron?” Nakataas ang isa kong kilay habang nakacrossed arms nang sitahin ang maiingay kong classmates.

Kunti nalang at mapupunit na ang bibig ni Almira sa sobrang laki ng ngiti niya nang naglakad ito papalapit sa akin na may dalang tatlong rosas.

“Dumaan kasi dito si Ceejay tapos pinapaabot niya ito sayo.” Nakikiliting pahayag pa niya saka inabot sa akin ang rosas.

“Sayo na. Di ko naman yan makakain.” Sarcastic kong sagot saka naglakad patungo sa upuan ko.

“Ang sama nito.” Dinig kong sabi niya at sinundan niya ako hanggang sa upuan ko.

Lahat ng tingin ng nakangiti kong classmates ay nasa akin pero pinalampas ko nalang yun kahit yung iba ay naririnig kong nagbubulungan tungkol sa akin. Wala silang dapat malaman at wala akong dapat ipaliwanag sa kanila.

“Crushmate, kayo na?” Pangungusisa niya ng tahimik lang akong umupo sa upuan ko. Siya naman ay hinila ang upuan na nasa likod ko palapit sa aking likod at umupo.

“Hindi pa.” Maiksi kong sagot ng hindi lumilingon sa kanya.

“Sagutin mo na kasi.” Pangungumbinsi pa nito.

Kahit hindi ko siya tignan ay alam kong nakabungisngis naman ang hitsura niya. Halata sa tono ng pagkakasabi niya.

“Depende kung….” Bigla akong natigilan ng bahagyang bumilis ang kabog ng puso ko.

Iginala ko ang aking mga mata sa paligid kasabay na nakikiramdam. Literal na bumaliktad ang daloy ng hangin ng aircon sa room at naging bato ang lahat ng mga classmates ko. Hindi ko na kailangan ng ano pang kompermasyon dahil sigurado na ako sa nangyayari sa paligid ko.

Nakasimangot akong nagdabog na tumayo at tumingin sa buong paligid, “Ano na naman ba ang meron?” Pagrereklamo ko na nagechoe sa buong classroom.

“Ako.”

Isang pamilyar na boses ang nagpalingon sa akin sa kung saan man ito nanggaling. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata ng isa sa aking mga classmates ang nasaksihan ng aking mga mata na pumasok sa loob ng classroom.

Si Andrei Narcilla gumagalaw habang ang mundong ibabaw ay natutulog? Kalokohan.

Bawat hakbang niya ay nagpapatindig ng balahibo ko na naghahatid ng kilabot sa buong katawan ko.

“Andrei..?” Mahinang sambit ko habang hindi makapaniwalang nakakatitig sa kanya, “B-Bakit ka nakakagalaw?”

Isang nakakatakot na ngiti ang lumutang sa mukha niya saka tumingin ng deretso sa akin, “Bakit ka rin ba nakakagalaw, Rhea?”

Kinakabahan akong napalunok habang pinagmamasdan siyang papalapit sa akin. Gustohin ko mang umatras pero hindi ko maiangat ang paa ko para hunakbang.

“A-Ano ka nga ba talaga, Andrei?” Nanginginig ang labi ko nang makatayo na siya mismo sa harap ko.

Kahit nagdududa na ako sa kung anong nilalang siya, ayaw paring maniwala ng aking isipan.

“Sino ka rin ba talaga, Rhea Castino?” Ang nakakatakot niyang boses ang nagpakaba sa akin. Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog.

Malalim niya akong tinitigan sa mata na parang takam na takam siya sa kaluluwa ko. Iniangat niya ang kanyang kamay at sinugod sa akin.

Buti nalang at nasa pangangalaga ako ng Panginoon kaya nang nilapit niya ang kanyang kamay sa mukha ko ay nakuryente ang kamay niya sa puting transparent na harang sa harap ko, sanhi ng agaran niyang pagbawi sa kanyang kamay.

“Buo ang pananampalataya ko sa Panginoon kaya hindi mo ako mamamarkahan.” Pagmamayabang ko.

Isang nakakatakot na smirk ang lumutang sa mukha niya para magmukhang demonyo ang kanyang mortal na mukha, “Talaga ba, Crista Segovia?”

Naging kamao ang kamay niyang kanina ay nakuryente at sinugod muli sa akin. Laking gulat ko nang magawa niyang basagin ang harang. Nanlaki ang mata ko at napanganga dahil sa di makapaniwalang nagawa niya. Dumeretso ang kamay niya sa leeg ko at agad na hinigpitan ang pagkakasakal nito.

Automatikong napunta ang kamay ko sa kamay niyang sumasakal sa akin at pilit na inaalis ito. Ngunit masyado siyang malakas at mahigpit ang pagkakasal niya para matanggal ko.

“Nakakaamoy ako ng alinlangan sa puso mo.” Lumabas ang malalim at nakakatakot niyang boses habang hinihigpitan ang pagkakasakal sa akin, “Akin ang kaluluwa mo, Crista.”

Unti-unting sumisikip ang dibdib ko at wala na rin akong hangin na masagap dahilan para mahirapan akong huminga. Lumalabo na ang paningin ko dahilan ng aking panghihina.

Hanggang dito nalang ba talaga ako? At tuluyan ng maging Fallen? Masyado akong nagpabaya at nagpaanod sa agos kaya ngayon pagbabayaran ko habangbuhay.

Dahan-dahan kong pinikit ang aking mata at unti-unting namuo ang maliliit na luha sa gilid ng mata ko nang biglang lumiwanag ang langit.

Naidilat ko ang aking mga mata at isang tuwid na liwanag na napapalibotan ng mga letra at salita ang deretsong tumama kay Andrei. Dahilan para mabitawan niya ang leeg ko ang tumilapon siya sa malayo.

Bumagsak ang katawan ko sa sahig at nanginginig ang kamay kong hinihimas ang leeg ko habang nakatingin ako sa katawan niyang namumula at umuusok.

Lagot. Ang kapangyarihang yun. Alam na alam ko kung sino ang nagmamay-ari nun. Kailangan ko nang ihanda ang tenga at buong atensyon ko dahil siguradong mapapagalitan talaga ako x_x

Inaasahan ko na talaga ang bababa ngunit sila Propeta Jona at Propeta Micah ang biglang bumaba sa harap ko.

Akala ko talaga si Saint Gabrielle.

Kung mas nakakatakot maging Fallen, mas nakakatakot magalit si Saint Gabrielle. Parang mas gugustuhin mo pang maging Fallen kesa makita siyang magliyab sa galit.

“Namarkahan ka ba niya?” Agad na tanong ni Jona pagkalapag niya sa lupa saka hinaplos ang magkabilang pisngi ko.

“Hindi naman ata.” Sagot ko habang kinakapa ang katawan ko, “Hindi naman namumula ang katawan ko.”

“Jona at Micah.” Sambit ni Andrei habang nagpupumilit itong tumayo sa kabila ng panginginig at namumula nitong katawan, “Buong akala ko talaga na si Garbielle na naman ang makakaharap ko.”

Magkasabay na lumingon sila Propeta Jona at Propeta Micah habang nakaposisyon sila sa harap ko. Upang maitago nila ako sa kanilang likod.

“Nakakasuka talaga ang amoy ng dugong may itim na budhi.” Pandidiri pa ni Propeta Jona.

Nagawa pang bumitaw ng masamang ngiti ni Andrei sa kabila ng kanyang kalagayan, “Napakagtataka talaga kung paano naging isang propeta ang katulad mong mapanginsulto.”

Akmang sasagot sana si Propeta Jona nang hinawakan ni Propeta Micah ang kamay niya, “Wag mo ng patulan. Iligtas mo nalang ang batang sinaniban niya.”

Tumango naman si Propeta Jona bilang pagsunod sa sinabi ni Propeta Micah.

Iniangat ni Propeta Jona ang kanyang kamay at itinutok ito kay Andrei. Unti-unting lumiwanag ang kanyang kamay at dahan-dahan namang naging usok ang katawan ni Andrei at nilipad ito ng hangin papalabas ng pinto.

Bago pa man makabigkas ng salita si Propeta Jona ay tuluyan ng naging usok ang buong katawan ni Andrei at naglaho na ito sa harapan niya.

“Nakatakas siya.” Bulong nito saka binaba na niya ang kanyang kamay.

Nilingon nila ang paligid at ginala ang kanilang mga mata para suriin ang bawat sulok ng classroom at mga classmates ko habang nakadepensang nakikiramdam.

Maya-maya, ay halos magkasabay silang lumingon sa akin at tinulungan ako ni Propeta Jona para ibalik ang mga paa ko sa lupa.

“Maraming salamat, Propeta Jona at Propeta Micah.” Nakayuko kong pagpapasalamat.

“Wag kang masyadong maging masaya, Crista.” Panimula ni Propeta Micah sa seryosong tingin at tono, “Ito ang una at huling pagkakataon na makakatanggap ka ng tulong mula sa mga anghel ng kalangitan.”

Pagkarinig ko sa sinabi niya ay gulat na naiangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya.  Bago pa man ako makapagbitaw ng salita ay nagpatuloy siya.

“Simula sa araw na ito, magisa mong haharapin ang pagsubok sa mundo.” Mariing dugtong niya.

Bakas sa mukha ko na gusto kong magprotesta at magreklamo pero hindi ko parin nakakalimutan na propeta ang kaharap ko kaya nilunok ko nalang ang kung ano mang reklamong nasa utak ko.

“Dasal at pananampalataya ang pinakamatibay mong sandata, Crista.” Dugtong pa ni Propeta Jona, “Pagtibayin mo ang iyong pananampalataya sa pamamagitan ng pagdarasal. Anghel ka ng Panginoon ng buong kalawakan.”

Isang ngiti na puno ng pag-asa ang binigay sa akin ni Propeta Micah at mahinang tinapik ang aking balikat, “Magpakatatag ka, Crista. Ikaw ang mas nakakaalam sa buhay mo.”

Maya-maya ay nakakita ako ng puting balahibo na lumutang sa ere. Magkasabay naming inangat ang aming mga ulo upang tumingala sa langit. Pareho naming nakita ang napakaraming balahibo na bumabagsak mula sa langit.

“Kailangan na nating bumalik.” Tugon ni Propeta Micah.

Tumango naman si Propeta Jona at tumingin sa akin sa huling pagkakataon, “Palagi kang mag-iingat. Nasa Panginoon lang ang tunay na kaligayahan at kapayapaan.”

Hindi ko na nagawang makapagsalita. Pinanood ko lamang ang dalawang Propeta na ibuka nila ang kanilang mapuputi at makikintab na pakpak saka lumipad papunta sa taas at tuluyan nang naglaho sa liwanag, kasabay ng paglaho ng putting balahibo sa paligid.

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, napabuntong hinga ako. Natatangay na ba talaga ako sa agos ng mundo? Napayuko ako habang nakasandal ang likod ko sa likod ng upuan na nasa likod ko.

Hindi ito ang mga nangyari sa buhay ko noong nabubuhay pa ako at lubos na alam ko yun. Bunga lang ang lahat ng ito ng pagmamanipula ng Fallen na nasa katauhan ni Andrei. Pero bakit hindi ko kayang kontrahin at baliktarin ang mga nangyayari? Nanghihina na ba talaga ako?

“Castino.”

Nakarinig ako ng boses na tumawag sa apelyedo ko na nagpabalik sa aking presensya.

Inangat ko ang aking ulo at tumingin sa paligid. Nakatayo na si Ma'am MC sa Instructor's table habang nakatingin sa akin at pati lahat ng classmates ko ay nagtatakang nakatingin sa akin.

“Sit down.” Mahinang utos ni Ma'am nang magtagpo ang tingin namin.

“Y-Yes ma'am.” Halos pabulong kong sagot at nakayukong umupo.

“Okay ka lang, crushmate?” Bulong ni Almira sa likod ko nang makaupo ako.

“Wag mo nalang ako pansinin.” Mahinang sagot ko na hindi siya nililingon.

Maya-maya ay nagsimula nang magsalita si Ma'am MC, ang NSTP Instructor namin.

Tungkol sa tree planting ang pinapaliwanag niya na magiging Prelim. Exam. namin. Attentive na nakikinig ang mga classmates ko pero lumilipad naman ang isip ko.

Pero di ko rin maipagkakaila na hindi maganda ang kutob ko sa tree planting na magaganap.

She's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon