Six

5 8 0
                                    

SIX (6)

- Jc's POV -

[ Flashback ]

"In the count of Five!" Simula ko at sumabay naman ang buong crowd sa countdown.

"Five!"

"Four!"

"Three!"

"Two!"

"One!"

Pagkapatay na pagkapatay ng ilaw, hinatak ko ang bewang ni Primera papunta sa akin at hinalikan siya sa labi.

Pagkadampi ng mga labi namin, biglang lumiwanag ang mukha niya at unti-unti itong lumalabo. Lumitaw ang mukha ng isang babaeng pinagdarasal kong sana muling mabuhay. Kahit malabo itong titigan dahil sa liwanag, buong ang kutob ko sa aking nakita.

Pagbalik ng ilaw, napaatras ako sa gulat. Bakit ko ba siya nakita? Sa mga sandaling yun, wala naman akong iniisip na kahit anong tungkol sa kanya.

[ End of Flashback ]

Ano kayang ibigsabihin nun? Parang wala na atang akong maintindihan sa mga nangyayari nitong mga nakaraan na araw. Dagdag pa tong weird na nararamdaman ko kay Rhea. Pakiramdam ko ba ay matagal ko na siyang kilala at magaan na agad ang loob ko sa kanya.

"Kamusta na po ba ang lagay niya?" Tanong ko ng makita kong lumabas na ng kwarto niya si Cyrel, ang ate niya.

"Natutulog na siya." Sagot ni Cyrel habang naglalakad ito papunta sa akin, "Kelangan niya lang matulog at magpahinga. Magiging okay rin siya." Saka umupo siya sa harap ko.

"Hindi ba delikado ang lagay niya? Baka kelangan niya na ng doctor?" Panguusisa ko.

"Ginawa ko na yan noon at sa kung saan-saang hospital ko na siya dinala. Pero walang maayos na diagnosis ang mga doctor sa kalagayan niya." Paliwanag naman niya.

"Matagal na ba yang sakit niya?"

"In-born ang sakit niya." Sagot niya at tinitigan niya ako sa mata ng sobrang sama, "Ano ba kasi ang nangyari at biglang sumikip ang dibdib niya?"

Bigla akong naging bato sa kinauupuan ko. Nawala talaga sa isip ko ang tungkol don. Di tuloy ako nakapaghanda ng idadahilan.

Tumingin nalang ako sa kape na nasa harap ko para iwasan ang nakakatindig balahibo niyang tingin sakin, at nang makapagisip ako ng maayos.

Sasabihin ko kaya sa kanya ang totoo? Ei sa tingin pa lang niya siguradong gugulpihin niya ako.

"P-Pinagtripan kasi siya ng mga clanmate namin." Pagdadahilan ko habang iniiwasan ang tingin niya.

"Talaga? Ano naman ang ginagawa nila sa kanya?" Pangungusisa niya.

Patay. Dead end na ako.

Wala na akong maisagot. As in wala talaga. Mukhang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Di ko pa gaanong kilala si Primera para malaman kung anong ayaw niya at mga kinatatakotan niya.

Muli akong tumingin kay Cyrel. Nakatitig siya sa akin at halatang nagaabang ng sagot. Para tuloy akong piniprito sa kinauupuan ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng bumukas ang pinto sa kwarto ni Primera at lumabas ang Sleeping Beauty sa loob. Magkasabay kaming lumingon ni Cyrel at nakita naming naglalakad si Primera papalapit sa amin.

Sa wakas, lumuwag din ang dibdib kong naninikip sa nerbyos. Natuyo pa ang utak ko sa kakaisip ng isasagot, buti nalang nagising na si Sleeping Beauty 😀

"Ano na naman bang nangyari sayo at sumikip na naman ang dibdib mo?" Tanong ni Cyrel kay Primera na medyo naiinis, nang makalapit ito sa amin.

Sumulyap si Primera sa akin na halatang nagtatanong ang tingin nito kung may sinabi ba ako. Umiling naman ako ng konti para ipahayag sa kanya na wala akong sinabi.

She's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon