Eight

4 8 0
                                    

EIGHT (8)

Pagdilat na pagdilat ko ay nilingon ko si Jc at maingat na hinawakan siya. Tama nga ang hinala ko. Nilingon ko ang lahat ng taong nasa chapel at lahat sila'y huminto sa paggalaw. Nilapag ko rin ang kamay ko sa lupa para kumpirmahin ang nangyayari at huminto talaga ang panahon at oras.

May bababa kayang anghel? Sino naman kaya? Wala naman akong nilabag sa mga bilin sa akin. Maliban lang sa paggamit ng salamin ng panahon at oras.. Pero isang beses lang naman..

Maya-maya ay unti-unting nababalotan ng liwanag ang buong chapel. Sa sobrang liwanag ay di ko na makita si Jc pati ang mga taong andon. As in plain white lang talaga ang nakikita ko. Napatayo ako habang inaabangan kung sino ang lilitaw mula sa liwanag. Pagkatapos ay umulan ng mga puting balahibo mula sa himpapawid sa bumalot sa puting kapaligirin. Lumitaw ang isang anghel mula sa liwanag na nakabuka ang napakakintab at maputing pakpak. At unti-unti itong tumitiklop habang siya naman ay naglalakad papalapit sa akin. Hanggang sa tuluyan nang tumiklop ang pakpak niya ng makalapit na siya sa akin.

Automatikong napaluhod ang isa kong paa at yumuko sa kanyang pagdating.

"Batid ko ang nasa isip mo kaya ako'y naparito." Maamong wika niya.

"Pahintulutan sana ako ng aking kamahalan na gamotin ang sakit ni Cesha Laporre." Paghingi ko ng kanyang pagsang-ayon sa pinakakagalang-galang kong paraan.

"Pinahihintulutan ko ang dalisay na ninanais ng aking anghel. Sa isang kondisyon," Bigla kong naingat ang ulo ko upang mapakinggan ng mabuti ang kondisyon na sasabihin niya at nagtama ang aming mga mata, "Tatlong beses ka lang maaaring gumamot ng mortal at wag na wag mo na ulit gagamitin ang salamin ng panahon at oras."

Pagkatapos niyang sabihin ang kanyang kondisyon ay muling bumuka ang kanyang pakpak at tinakpan ang buong katawan niya habang unti-unting naglalaho sa puting liwanag. Ako naman ay napapatitig sa kanyang paglaho at nang masiguro ko namang tuluyan na siyang naglaho ay tumayo na ako at umupo sa upuan habang hinihintay ang paglaho ng puting liwanag na bumabalot sa buong lugar.

Nang tuluyan ng maglaho ang liwanag ay napahiga ako sa upuan at napabuntong-hinga ng napakalalim na tila isang lantang halaman.

Akala ko talaga sesermonan ako ni Saint Gabrielle.. Buti nalang pinalampas niya.

"Okay ka lang, Rhea?"

Bigla akong napabangon at umupo saka lumingon kay Jc. Oh nga pala, bumalik na pala sa normal ang lahat.

"Medyo nahihilo kasi ako." Pagsisinungaling ko sabay hawak sa noo ko habang totoong nagaalala ang mga tingin niya sa akin.

Tumayo naman siya habang nakatingin parin sa madrama kong mukha, "Bumalik muna tayo sa ICU. Parang di ka pa ata kumakain."

Di na ako nagsalita. Tumayo na rin ako at sabay na kaming naglakad pabalik sa ICU.

Pano ko naman kaya magagamot si Cesha ng hindi niya nalalaman? Kung idaan ko kaya kay Jc? Magkapatid naman sila ei. Konektado ang puso nila sa isa't isa.

Nasa harap kami ng elevator ng bigla kong hinila ang kamay niya, "Maghagdan nalang tayo. Masyado na akong gutom para hintayin ang elevator."

Bahagyang bumuka ang bibig niya para sumagot pero mukhang itinikom niya ulit ito at at sumunod na lang sa akin. Chance ko na 'to para gamutin si Cesha.

Umaakyat kami sa hagdan papuntang ICU habang hawak ko ang kamay ni Jc. At habang on process kong ginagamot si Cesha ay kanina ko pa talaga napapansin mula sa gilid ng aking nga mata na kanina pa nakatitig si Jc sa akin ng sobrang seryoso. Para bang sinusubukan niyang pumasok sa isip ko at alamin kung bakit biglang hinawakan ko ang kamay niya. Malamang nagtataka siya kasi hindi pa kami ganun kaclose.

She's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon