One

16 10 4
                                    

ONE (1)

Naglalakad ako sa path walk  ng biglang nakita ko si Sir Villaflor na lumabas mula sa classroom. Siya ang first subject Instructor namin sa umaga at malamang tapos  na siyang magturo sa section namin.

Napansin kong pareho kami ng path walk na dinadaan ni Sir. Madalas iniiwasan ko siya pero  sa sitwasyong ito, alam kong nakikita niya rin ako kaya di na ako lumihis ng daan. Deretso lang ang lakad ko hanggang sa magkasalubong kami.

“Good morning, Sir.” Bati ko ng magkalapit na kami.

“Kung palaging ganitong oras ka nang pumapasok, Ms. Castino, magiging irregular ka talaga next sem.” Wika ni sir.

“Aagahan ko na po sa susunod.” Tugon ko.

Tumango lang si sir saka nagpatuloy sa paglalakad. Dumeretso na rin ako sa classroom.

Pagpasok ko ng pinto, naabotan kong nagsasalita sa harap si sir Jeff. Instructor namin sa major. Pero nakapagtataka lang, mamayang hapon pa ang klase niya sa amin.

“Castino.” Malakas na bangit niya sa apelyedo ko na nagpalingon sa lahat ng classmates ko sa pinto, “Akala ko maghapon ka na naman maglalaro ng dota.”

“Yun sana ang plano ko sir kaso hindi pala ako pwedeng umabsent ngayon.” Paliwanag ko.

“Buti naman at naalala mo kung anong meron ngayon.” Wika naman ni sir. “ Okay, you can go to your next classes. And Castino, Narcilla and Cadenas, maiiwan.”

Pagkatapos, nagunahan na sa paglabas ng classroom ang mga classmates ko, at naiwan kaming apat sa room. Si Andrei Narcilla na nasa harapan nakaupo na nakaheadset habang nakikinig ng music, si Marlyn Navarro, ang lesbian classmate namin na di masyadong nagsasalita, na nakaupo sa harap, dalawang upuan mula kay Andrei, si Sir Jeff na nakaupo sa Intructor's table habang may ginagawa sa box size na laptop niya, at ako na si Rhea Castino na kilalang dota player sa school namin, na nagtungo sa pinakalikuran para umupo.

“May hinihintay pa po ba tayo Sir?” Naiinip na tanong ni Andrei kay Sir.

“Yes, Narcilla. Maya-maya andito na ang mga taga-ibang section.” Sagot ni Sir sa kanya na nakatutok sa kanyang laptop.

Ilang minuto pa ay narinig kong bumukas ang pinto. Pumasok ang tatlong lalaki at isang lesbian. Magkakatabi silang lahat na umupo sa second row mula sa harap.

“Nasan si Gonzaga?” Tanong ni Sir sa mga binatang kakadating lang nang mapasulyap ito sa kanila.

“Nasa room pa sir, mat tinatapos pa.” sagot nung lesbian.

Tumango lang si sir at nagpatuloy sa kanyang pinagkakaabalahan.

Naghintay pa kami ng ilan pang minuto. Nakakabagot na nga. Nakakapagod din pa lang maghintay kahit nakaupo lang.

Di nagtagal, muling bumukas ang pinto at may ilang mga kalalakihang nagsipasok. Hanggang sa sunod-sunod na silang nagdatingan at unti-unti nang napupuno ang classroom. Tanging upuan na lamang na nasa aking tabi ang walang nakaupo.

Maya-maya, nagsimula ng magsalita si sir. Tungkol sa nalalapit na dota tournament ang sinsabi ni sir at alam naming lahat na bukas ng hapon yun.

Mga mechanics ng tournament ang kanyang mga binanggit at kung anu-ano pang mga konting detalye at paalala. Dun natapos ang kung tawagin niyang meeting at ang mananalo bukas ay ilalaban sa by school tournament.

Nagsilabasan na ang lahat ng mga estudyante sa room at ako naman ang huling lumabas. Paglabas ko, nakita ko si sir Jeff sa labas habang kinakausap ang isang binata. Hindi ko sila pinansin at dumaan lang ako sa likuran ng binatang kausap ni sir.

“Castino, lapit ka muna.” Tinawag ako ni sir nang mapansin niya akong dumaan sa likuran ng binata.

Dapat pala hindi ako dun dumaan.

Lumapit nalang ako sa kanila at habang papalapit ako, panay naman ang tingin ng binata sa akin. Titig na titig siya sa akin mula ulo hanggang paa. Suplado yung dating niya ha, gwapo pa naman siya. Bagay yung blonde niyang buhok sa maputi niyang kutis.

“Siya si Rhea Castino. Ang pinagmamalaki ng section C-2. Magaling din to.” Pagpapakilala pa ni sir, “Kung may kailangan ka, sa kanya ka lang lumapit.”

Muling tinignan ako ng binata mula ulo hanggang paa tsaka tumingin uli kay sir.

Pinagtaasan ko lang siya ng kilay tsaka nagsalita, “Parang ayaw ata nito ng tutor sir.”

“Wag ka nang magreklamo, Castino. Ibabagsak talaga kita.” Pabirong bilin ni sir saka nagpaalam sa amin.

“Magaling ka nga ba talaga?” pagdududang tanong ng binata at tumingin sa akin.

“Wala akong kelangang patunayan sayo.” Pagtataray kung sagot, “Atsaka wag kang feeling close.” Tinalikuran ko siya at naglakad na.

“Hindi nga pero hindi kita kailangang maging close para hamunin ng isang game.” Sagot pa nung binata at sinundan ako sa paglalakad.

“Manlilibre ka?” sagot ko naman habang patuloy pa rin sa paglalakad.

“Kapag natalo ako, ako magbabayad ng time mo, pero kapag ikaw ang natalo ibibigay mo ang number mo.” Hamon pa nito habang may kasamang pilyong ngiti.

Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya, “San tayo maglalaro?”

Pinagbigyan ko ng isang matinding game si mr. yabang. Naglaro kami sa pinakamalapit na internet café mula sa school. Doon kung saan ako madalas naglalaro.

Kaso nga lang, di ko inaasahan ang nangyari. PAK PAK PAK talo ang sentinel at CLAP CLAP CLAP panalo ang scourge. Hindi ko ata araw ngayon.

“Pambihira.” Pagmamaktol ko ko ng magflash sa screen ang score board. Lamang siya ng dalawang puntos sa akin.

Di ko na hinintay na bumalik sa simula ang game. Nang makita ko na ang score, agad akong tumayo at tahimik na pumunta sa counter para magbayad. Sumunod naman agad siya sakin nang makita niyang tumayo ako at nagtungo sa counter. Halos magkasabay kaming nagbayad saka lumabas na ng net café.

“Teka lang….” Tawag pa nito sa akin habang hinahabol ako at hawak ang cellphone niya. “Number mo.”

“09xxxxxxxxx” Mabilis na sagot ko ng hindi lumilingon  sa kanya habang patuloy lang sa paglalakad.

Nagmamadali naman siya sa pagtype ng number ko sa  cellphone niya at sinave.

“Ceejay Gonzaga nga pala.” Wika nito na automatikong  nagpahinto sa aking mga paa mula sa paglalakad at mahinang lumingon sa kanya.

Isang maliit na ngiti ang nabuo sa aking mukha na hindi ko namamalayan saka sumagot, “Nice meeting you.” Saka tinalikuran ko na siya at nagpatuloy sa paglalakad.

“Teka, di mo pa sinasabi ang pangalan mo.” Sigaw niya. At mukhang hindi na siya nakasunod sakin dahil hindi ko na naririnig ang mga hakbang niya.

“Di mo naman tinanong.” Pasigaw ko namang sagot na hindi siya nililingon.

Loko ka talagang lalaki ka.
Binanggit na nga ni sir kanina, tinatanong mo pa.

She's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon