Three

9 9 1
                                    

THREE (3)

- 3rd person POV -

"Rhea, may bisita ka." Sigaw ni Cyrel mula sa sala habang binubuksan ng malaki ang pinto.

"Sandali lang." Pasigaw namang sagot ni Rhea mula sa kanyang kwarto.

"Tuloy ka muna. naglalaro pa ata si Rhea ng Dota." Wika naman ni Cyrel sa binatang nasa harapan nito.

"Salamat po pero dito ko nalang hihintayin si Rhea." Sagot naman nung binata.

Maya-maya ay lumabas na si Rhea mula sa kanyang kwarto at naglalakad ito papunta sa main door, "Sino ba yan ate?"

"Ceejay Gonzaga daw ang pangalan niya." Sagot naman ni Cyrel ng makalapit ito sa kanya.

Nagulat si Rhea nang marinig niya ang pangalan ng binatang nakatayo sa harap ng kanilang pinto, kaya mahinang tinulak niya si Cyrel papalayo sa pinto at nakita niyang nakatayong nakangiti si Ceejay sa harap ng pinto.

"At anong ginagawa mo dito?" Pagtataray na tanong ni Rhea.

"Kakagaling ko lang sa school at kanina pa nagsimula ang final practice para sa tournament mamaya. At sinabihan ako ni Sir na daanan ka baka malate ka na naman mamaya." Paliwanag ni Ceejay.

Bumuntong-hinga si Rhea, "Sige, magbibihis muna ako."

Tumango lang si Ceejay at nagtungo na si Rhea sa kanyang kwarto. Iniwan lang ng dalagang nakabukas ang pinto.

Habang naglalakad si Rhea papunta sa kwarto niya, nakita niyang nakatayo si Cyrel sa tabi ng pinto nito habang titig na titig sa mukha ni Rhea. Halatang inoobserbahan niya ang reaksyon ng kanyang kapatid.

Minabuti nalang ni Rhea na ituon ang atensyon nito sa doorknob upang maiwasan ang nagtatanong na tingin ni Cyrel.

"Papasokin mo naman ang bisita mo." Simula pa ni Cyrel.

"Hindi siya bampira ate kaya hindi siya masusunog ng araw." pilosopong sagot ni Rhea na nakaiwas sa tingin ng kanyang ate.

Akmang bubuksan na sana ni Rhea ang pinto ng kanyang kwarto nang biglang hinawakan ni Cyrel ang kamay niyang nakahawak sa doorknob.

"Ikaw dota girl, kakasimula pa lang ng semester, may manliligaw ka na." Sabi pa ni Cyrel.

Sandaling napatingin si Rhea sa kamay ni Cyrel na nakahawak sa kanya, saka sumagot na nakatingin sa kanyang ate, "Hindi ko siya manliligaw. At kung meron man, ikaw ang unang makakaalam."

"Inuulit ko, Rhea. Hindi madali magpaaral ng college kaya umayos ka." Paalala ng kanyang ate.

"Tinuon ko na nga ang atensyon ko sa dota di ba? Para hindi ako magkaroon ng interest sa mga lalaki." Paliwanag naman nito, "At tsaka, di ba may trabaho ka ngayong 9 am? Pasado alas 9 na."

"9 pm po yun, dota girl." Sagot ni Cyrel saka binitawan ang kanyang kamay.

Nang binitawan na ni Cyrel ang kamay ni Rhea, agad namang binuksan niya ang kanyang kwarto. Agad na pumasok at sinara ang pinto.

"Napasobra ata ang laro ko at nakalimotan kong dadaanan pala ako ni Ceejay." Bulong pa nito sa kanyang sarili habang pinapatay ang computer.

Pagkatapos niyang patayin ang computer, nagtungo na siya sa kanyang closet upang maghanap ng maisusuot. Makaraan ang ilang minutong pamimili ay nakahanap na siya ng komportableng maisusuot saka nagpalit ng damit.

Nagsuot ang dalaga ng white polo shirt, blue jeans with brown doll shoes. Nilugay niya ang kanyang straight at hanggang dibdib na buhok at naka-one sided ito. Pagkatapos ng ilang minutong pagsusuklay sa harap ng salamin ay lumabas na ito ng kwarto.

She's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon