Eighteen

1 3 0
                                    

EIGHTEEN (18)


- Third Person's POV –



Umalingawngaw sa buong bahay ang malakas na tawanan ng mga binatang nasa living room. Sa sobrang gulo ng paligid ay mahihilo kang intindihin kung ano man ang kababalaghang ginawa ng mga ito.

“Huling shot nalang ‘to.” Binandera ni Lil_ron ang bote ng alak na hawak niya habang inaalog ito. Upang maipakita sa kanila ang laman nito.

“Itagay mo na lahat yan sa bashoo.” Yumayango ang ulo ni Juviler habang sinasabihan si Lil_ron.

Nakangiting sinalin naman ni Lil_ron ang huling laman ng bote sa baso at tama lang ito para mapuno ang isang baso.

“Kung kaya mo lang namang ubusin.” Natatawang pang-aasar pa ni Juviler habang sinisinok.

Nagsitawanan ulit ang mga binatilyo na nagbigay ingay sa tahimik na living room habang nakasimangot naman si Lil_ron na parang nahihirapang ibuka ang mga mata.

“Kaya mo yan tol. Yan na rin naman ang huli.” Panghihikayat pa ni Akinka.

“Hindi. Meron pa.” Singit pa ni Nono na sumisingkit na ang mata.

“Saan?” Lumingon naman si Lil_ron sa nagkalat na bote ng alak sa sahig kahit payango-yango ang ulo nito, “Wala ng laman ang mga ito.”

“Andito tol.” Sabay turo ni Nono sa tiyan niya, “Ilalabas ko muna sa banyo.”

“Gago!” Nakangiting bulalas ni Lil_ron.

Humagalpak naman sa tawa ang mga binatilyo habang nakayuko ang mga ulo na yumayango.

Madaling araw na at pilit paring dinilat ng mga binatilyo ang kanilang mga mata kahit gustong gusto na ng kanilang katawan na gumulong sa sahig para matulog. Pulang-pula na ng kanilang mga mukha at wala na silang pwersa kahit iangat ang kanilang ulo. Yung iba nga ay sa sahig na nawalan ng malay sa sobrang kalasingan.

Tulad ng napagusapan, nasa living room lahat ng boys at nasa balcony ang lahat ng girls.

“Matulog na nga lang tayo.” Wika ni Jc saka maingat na tumayo habang nakayuko ang ulo, “Pipikit na talaga mata ko.”

Akmang hahakbang na sana siya ng biglang tumayo si Nono sa kanyang likuran at pinulupot ang braso nito sa leeg niya.

At bago pa man makapagprotesta si Jc ay agad namang kinurot ni Nono ang pisngi nito.

“Tshang ina!” Bulalas ni Jc saka pwersahang tinangal niya ang kamay ni Nono sa pisngi niya.

“Hindi na pipikit ang mata mo niyan.” Nakangiting biro naman ni Nono.

“Hindi.. Pa.. Tayo taposh.” Pahinto-hintong sabi ni Uno na pilit inaangat ang ulo nito para tignan si Jc.

“Tapos na.. Dahil tinapos ko na.” Sagot naman ni Jc saka inalis ang kamay ni Nono mula sa leeg niya.

Walang pwersang bumagsak ang katawan ni Nono sa malambot na couch habang nakayuko ang ulo.

“Tulad ng relasyon niyo.” Pangaasar pa ni Jhunz.

Sabay-sabay namang kinutya ng mga binatilyo si Jc na naging malaking ingay sa living room habang nakabungingis naman ang binata.

“Wag mong ipasok sa usapan.” Pabirong banta ni Jc habang tinuturo ng matamlay niyang kamay si Jhunz.

“Pano ba mag.move on ng isang gabi lang? Kwento ka naman.” Pangungulit pa ni Juviler.

Humalakhak naman si Jc, “Humanap ka ng babaeng makakainuman mo tapos gapangin mo kapag lasing na.”

Sabay nilang pinagaasar si Jc habang nakatingin lang ito sa kanila na may kasamang nakakalokong ngiti.

“Yun ba ang plano mo nung niyaya mo si Rhea?” Dinig ni Jc ang seryosong boses ni Ceejay sa tenga niya kaya lumingon ito.

Nagtama ang tingin nila at sobrang lapit ng kanilang mukha na halos magkadikit na ang ilong. Seryosong tinitigan siya ni Ceejay habang humakbang paatras si Jc para matitigan ng maayos ang naiinis na mukha ni Ceejay.

“Kahit itanong mo pa sa girlfriend mo, walang nangyari sa amin.” Mariin na pagkakasabi ni Jc na may kasamang pilyong ngiti.

Tinalasan ni Ceejay ang tingin niya sa binata na tila ba ito'y nagbabanta ng kung ano man ngunit hindi natinag ang binata. Nanatili ang pilyong ngiti nito sa mukha na tila ba'y inaasar niya si Ceejay.

“Andicho tayo… Para magshaya… Birthday ni Otso.” Sita pa ni Uno sa kanila kahit sinisinok ito.

“Tangina! Wala na bang makakain dito?” Biglang bulalas ni Rhuji baka pahupain ang nagsisimulang tensyon sa pagitan ng dalawang binata.

“Ngayong nabanggit. Ang sharap… magkape..” Sagot naman ni Uno na pilit tinutuwid ang kanyang pananalita.

“Attack sa kusina.” Sigaw pa ni Nono at nangunang kumaripas sa pagtakbo papunta sa kusina kahit pa ito'y nagpagewang-gewang.

Kahit hindi na kaya ng ilan ay nag-unahan parin ang mga binatilyo sa pagpunta sa kusina kahit pagewang-gewang ang lakad ng mga ito. Ang ilan ay nakasandal sa pader upang alalayan ang katawan nila para hindi bumagsak sa sahig. Yung iba din naman ay hindi na nagpumilit na tumayo at nagpaiwan na sa living room. Nakayukong nakaupo habang nakapikit ang mata na parang walang malay.

“Ang daming makakain dito sa ref oh.” Pahayag ni Jhunz habang nakatayo sa bukas na ref.

Habang abala si Jhunz sa pamimili ng kakainin ay lumapit si Akinka sa likod niya at kinuha ang isang bag ng chocolate bar na unang nakita ng kanyang mga mata.

“Akin ‘to.” Sabi pa ni Akinka habang yakap-yakap ang isang bag ng chocolate bar.

Sumunod namang lumapit sa likod niya si Tagj. At agad na sinunggaban ang isang basket na may laman na pagkain.

“Hoy, anong gagawin mo jan?” Pagtataka ni Jhunz habang sinundan niya ng tingin ito hanggang sa mesa na nasa gitna ng kusina.

Hindi kumibo si Tagj nang nilagay niya ang basket sa mesa. Agad na kumuha siya ng isa at kinain ito ng walang alinlangan.

Lahat sila ay napako ang tingin kay Tagj na puno ng gulat at pagtataka sa mukha. Hindi ito binigyan ng pansin ng binata at patuloy lang sa pagnguya.

“Ang tamis nitong mansanas. Subukan niyo kaya habang malamig pa.” Nakabungisngis na paanyaya ni Tagj ng mapansin niya ang di makapaniwalang tingin ng mga kasama nito sa kanya.

A moment of silence…….

Tanging pagnguya lang ni Tagj ang nagbibigay ingay sa awkward na katahimikan sa kusina habang nakatangang nakatingin ang lahat sa kanya.

“Ba't hindi niyo sinabing may mansanas dito?” Usal pa ni Seven at lumapit kay Tagj saka kumuha ng isa sa basket na nasa mesa at deretsong kinagat ito.

“Patatas yan, hindi mansanas! Gong-gong!” Pangungutya pa ni Jhunz saka humagalpak sa tawa.

Nagkatitigan sila Tagj at Seven habang umalingawngaw sa buong bahay ang halakhak ng mga binatilyo.

Muling sinuri ng dalawang binata ang hawak nila at ganun din sa laman ng basket. Napabungisngis ang dalawa ng napagtanto ng lasing nilang pagiisip na patatas pala ang kanina'y sarap na sarap nilang kinakain.

“Tae!” Padabog na binalik ni Seven ang hawak nito sa basket na halos matawa sa kanyang katangahan.

“Pula naman kasi sa paningin ko.” Natatawa pang katwiran ni Tagj.

“Ano yun? Kamoteng pula?” Natatawang pangungutya ni Akinka, “Magchocolates nalang kasi kayo.”

Nauna ng umalis si Akinka sa kusina at nagpagewang-gewang pabalik sa living room. Deretsong umupo siya sa couch at sinandal niya ang kanyang likod dito.

Biglang inagaw naman ni Dope ang chocolates na yakap-yakap ng binata saka bunuksan ang bag at kumuha ng isa. Matapos kumuha ni Dope ay pinasa agad niya ito kay Jc na katabi lang niya bago pa man mabawi ni Akinka sa kanya.

Agad namang kumuha si Jc ng isa, at bago pa man maipasa niya ito sa kanyang katabi ay bahagyang tumayo si Akinka, nakasandal ang braso sa couch at inabot ang chocolate.

Nakasimangot ang mukha ng binata nang hinayaan niyang bumagsak ang katawan niya sa couch at muli niyang sinandal ang kanyang likod dito. Kumuha siya ng isa at nagsimulang kumain.

Sa sobrang tahimik ng gabi ay tanging pagnguya lamang ng kanilang mga bibig ang tanging maririnig, nang biglang basagin ito ng kung ano mang nagriring.

Hindi nila ito binigyan ng pansin at nagpatuloy sa pagkain ng chocolates habang nakayuko ang mga ulo. Hindi rin tumigil ang pagriring hanggang sa makabalik sa living room ang grupo nila Nono mula sa kusina.

“Kaninong cellphone yan? Ang ingay.” Reklamo pa ni Nono habang kinakapa ang kanyang pantalon.

Kinapa naman ng mga binatilyo ang kani-kanilang pantalon habang ang ilan ay hinahanap sa nagkalat na sahig ang cellphone na nagriring.

“Shete! Cellphone ko pala.” Bulalas ni Akinka ng makita niya ang cellphone niyang nagriring habang nakakalat sa sahig na natabunan ng ilang mga tsenelas nila.

Nahihilo man ang kanyang ulo at dumadalawa ang kanyang paningin ay pilit niya paring inaabot ang kanyang cellphone para patahimikin ito.

Nang mapasakamay na niya ito ay umupo ito sa sahig at pinagpipindot niya ito para lang tumigil sa pagriring.

“Ba't ayaw mong tumahimik?” Kontroladong inis na sambit pa nito habang patuloy sa pagpindot sa kanyang cellphone.

Kahit ilang beses pa niyang pindotin ito ay hindi parin tumitigil ang pagring nito.

“Hindi ko na nga mapatay, ang dumi-dumi mo pa.” Pagrereklamo pa nito at mas diniinan ang pagpindot.

“Kashe nga…. Tsenelash yang… pinipindotch mo… Lasheeng…” Pahinto-hintong sabi ni Rhuji na pilit tinutuwid ang kanyang pananalita.

Habang panay ang tawanan ng mga binatilyo na may kasamang pangungutya, nilapit naman ni Akinka ang mukha niya sa kanyang hinahawakan na akala niya'y cellphone upang masuri ito ng maayos.

“Gong-gong.” Bulalas pa ni Jhunz at sinapak ang ulo ni Akinka dahilan para dumikit ang mukha nito sa tsenelas na akala niya'y cellphone.

Dahil sa inis nito ay tinapon niya sa kung saan ang tsenelas saka pinagpagan ang mukha niya.

“Bweshet…” Mura pa nito habang kumakapa sa sahig para hanapin ulit ang cellphone niyang hindi parin tumitigil sa pag.ring.

“Cellphone na talaga ‘to.” Inabot ni Jc kay Akinka ang hinahanap nitong cellphone habang nakangiti parin.

Eksaktong nadampi ni Akinka ang mga kamay niya dito ay huminto na sa pagring ang cellphone niya bago pa niya mapindot ang screen.

“Tsskk. Charge ko na nga lang to.” Usal niya habang pinilit niyang tumayo ng matuwid at gumegewang na nagtungo sa gilid ng T.V. na nasa harap ng couch para icharge ang hawak nitong cellphone.

“Matutulog na rin ako.” Pahayag pa ni Jc.

Hindi na niya hinintay ang magiging pambara ng kanyang mga kasama kaya agad na itong tumayo at maingat na naglakad papunta sa kwarto ng mga boys sa second floor.

Kahit dumadalawa na ang kanyang paningin na parang umiikot ay siniguri niya paring tuwid ang bawat hakbang ng kanyang mga paa. Kahit sa totoo ay ekis ang naging lakad niya.

Dinig na dinig ng kanyang mga tenga ang masayang biruan at tawanan ng mga dalagita sa balcony habang binabaybay niya ang hagdan na umagaw sa kanyang atensyon.

Nagtataka tuloy ang malikot niyang isipan kung ano ang pinagkakatuwaan nila at tinutulak ng impluwensya ng alak ang kanyang mga paa para magtungo sa kanila.

She's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon