Nine

3 7 0
                                    

NINE (9)

- Third Person's POV -

2 weeks later...

"Rhea, may kasabay ka bang manananghalian?" Tanong ni Ceejay habang nakasunod ito kay Rhea.

"Si Almira sana kaso may ginagawa pa kasi siya sa CLab3." Katwiran naman ni Rhea habang naglalakad papalabas ng campus, ng hindi ito tumitingin sa kanya.

"Sabay na tayo. Manlilibre ako." Sagot naman ng binata habang patuloy na pumapantay sa bilis ng paglalakad ng dalaga.

Tumango lang si Rhea habang nakatuon ang tingin sa daan. Tahimik na magkasabay sila Ceejay at Rhea papunta sa pinakamalapit na karenderya para magtanghalian.

Pagkarating nila doon ay limitado nalang ang maaring pumasok sa sobrang dami ng tao sa loob. Naunang pumasok si Ceejay at nakipagsiksikan sa loob. At habang nagiisip si Rhea ng paraan kung paano sumiksik sa loob, may narinig siyang boses na tila mahinang umiiyak. Nagkasalubong ang kilay niyang lumingon sa kanyang likod, at ginala niya rin ang mata niya sa daan. Lahat ng dumadaan ay nakafocus sa kung saan sila papunta at ang ilan ay inis na nakikisiksikan sa masikip na karenderya kung saan siya. Wala naman siyang nakikitang kakaiba sa paligid niya ngunit patuloy parin niyang naririnig ang mahinang iyak.

Pinagmasdan niya ang mukha ng bawat taong malapit sa kanya ngunit wala siyang nakikitang reaksyon sa mukha nila na may naririnig sila.

Bago pa man isipin ni Rhea na sundan ang mahinang iyak na naririnig niya, sinubukan niya munang silipin si Ceejay sa loob at mukhang abala ito sa pamimili ng ulam. Hindi na siya nagabalang tawagin ito kaya lumabas muna ang dalaga ang hinanap kung saan galing ang naririnig niya.

Gulat na gulat siya ng makita niya ang dalawang taong kilala niya na naguusap sa likod ng karenderyang pinasokan niya. Naitakip niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig at sinandal ang kanyang likod sa haliging malapit sa entrance ng karenderya.

Ayaw niya sanang makinig at pumasok nalang sa loob ngunit pinapatay siya ng kanyang curiosity, kaya nagpaiwan ito.

"Patawarin mo na ako, Jc. Nagmamakaawa ako sayo." Mangiyak-iyak na pagmamakaawa ng dalaga sa binatang kausap nito. Presko pa ang bakas ng luhang pumatak mula sa mga mata nito.

Namumula ang mga mata ng binata sa kakapigil niya ng kanyang mga luha na maaring tumulo ano mang oras. Napalunok ito upang itago ang nasasaktan nitong damdamin at maging buo ang boses nito. "Ilang beses na ba kitang pinatawad? Sinayang mo lang ang lahat ng chances na binigay ko sayo."

Patuloy ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata ng abotin niya ang kamay ng binata ay mahigpit itong hinawakan, "Sabihin mong mahal mo pa ako."

Panandaliang tinignan ng binata ang mga mata ng dalaga at yumuko ito upang hayaang tumulo ang luhang kanina niya pa pinipigilan.

"Alam kong mahal mo ako. Nararamdaman ko." Pagpapatuloy ng dalaga habang nakayuko pa rin ang binata, "Patawarin mo ako. Magbabago na talaga ako. Promise."

Iniangat ng binata ang kanyang mukha at deretsong tumingin sa mga mata ng dalaga.

Nanginginig ang labi ng dalaga ng ito'y ngumiti sa binata ngunit napilitan lamang ngumiti ang binata sa kanya.

Nang dahil nagkatitigan ng ilang minuto ang dalawa at wala nang naririnig na boses si Rhea, maingat na sumilip ito mula sa haligi kung saan siya nakasandal at pinagmasdan ang galaw ng dalawa.

"Oo. Hanggang ngayon mahal pa rin kita, Jaycille. Nasasaktan ako sa pinaggagawa mo." Binuka ni Jc ang kanyang bibig ng malaki ngunit lumabas ang salita sa kanyang bibig na parang ito'y isang bulong.

She's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon