ELEVEN (11)
Di ako nakailag sa kinanta niya sa akin. Sa sobrang sakit ay nagkusang tumulo ang luha sa pisngi ko. Kahit ilang beses pa akong lumunok, umabot talaga sa punto na sobrang hapdi na ng mata ko at di ko na kayang pigilan. Sobrang bigat na sa pakiramdam. Kahit nageenjoy ako sa ginagawa namin ni Rhea, ang sakit-sakit parin kapag napaguusapan si Jaycille. Ang hirap pa lang magmove on pero sobrang dali lang mainlove. Unfair di ba? May mas madali bang paraan para makamove on?
Bago pa niya makita ang hitsura ko ay binaon ko ang mukha ko sa balikat niya. At gumawa ng paraan para mabaling ang atensyon niya.
Jc: 🎼 Natapos na ang lahat
Nandito pa rin ako
Hetong nakatulala sa mundo
Sa mundo🎼 Di mo maiisip
Di mo makikita
Mga pangarap ko para sayo
Para sayo🎼 Hoh Oh Oh Hoh
Hindi ko maisip kung wala ka
Hoh Oh Oh Hoh
Sa buhay ko🎼 Nariyan ka pa ba?
Di ka na matanaw
Kung merong madaraanang pasulong
Pasulong🎼 Hoh Oh Oh Hoh
Hindi ko maisip kung wala ka
Hoh Oh Oh Hoh
Sa buhay ko 🎼Effective ang malambot na pagtapik niya sa likod ko habang kumakanta dahil hindi na ako makapagsalita at hindi ko na nagawang taposin ang kanta. Kahit ibuka ko pa ang bibig ko ay walang lumalabas na salita. Hinayaan kong tumulo ang luha ko sa balikat.
Makalipas ang ilang minuto ay akmang hihiwalay na siya sa pagkakayakap ng pinulupot ko ang mga braso ko sa bewang niya. Ayaw kasing tumigil sa pagluha ng mga mata ko at ayokong makita niya.
Kaya talagang palabasin ng inumin ang kahit anong emosyon na nakatago sa puso mo kapag tinamaan ka na.
"Hindi naman nakakabawas sa paglalaki ang umiyak." Mahinang pagkakasabi niya habang marahan na tinatapik ang likod ko.
Nagpumilit pa rin akong magsmirk kahit nanginginig ang labi ko, "Sinong umiiyak?"
"Patingin nga ng mukha mo." Sagot nito.
Bago pa man siya makadistansya para tignan ang mukha ko ay hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Hindi naman siya nagreact. Patuloy niya lang tinatapik ang likod ko ng dahan-dahan.
Jc: 🎼 Ngayo'y aking inuunawang pilit
Mga pagkukulang kong iyong ginigiit
Sana'y malaman mo na tanging ikaw lamang ang aking iniintindi🎼 Nakatanim pa sa'king alaala
Pangako mong mananatili ka
Kaya paglisan mo'y naiwan ang pusong ito na ngayo'y bitin na bitin🎼 Di mo na mababawi
Iniwang sakit sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw narin ang nagpasya, nagtakda at siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako iyong pinaasa?🎼 Na sa'kin guni-guni lang Malamig mong tinig
Kasabay ng hangin na dumarampi
Na para bang ika'y nariyan sa aking paligid
Tahimik na nagmamasid🎼 Di mo na mababawi
Iniwang sakit sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda at siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako iyong pinaasa?
BINABASA MO ANG
She's Back
Teen FictionIsang di inaasahang insidente ang tumapos sa kanyang buhay. Dahilan ng panghihinayang niya sa isang bagay na di niya nagawa. At isang sinserong pagdarasal ang naging dahilan ng kanyang pagbabalik sa lupa. Sa kabila ng pagmamanipula ng isang Fallen s...