TEN (10)
- Jc's POV -
"Sumulat ka ng sampung tanong na gusto mong itanong sakin at ganun din ako. Tapos ilagay natin sa baso. Kukuha tayo ng isa tapos sasagotin yung tanong." Paliwanag ni Rhea.
"Kapag hindi sumagot?" Tanong ko.
"Syempre may punishment." Isang makulit na ngiti at nangaasar na mukha ang nakikita ko sa mukha niya, "Magtatanggal ng isang bagay na nasa katawan kapag hindi nakasagot."
Naitaas ko ang aking dalawang kilay saka tumingin sa ibang dereksyon, "Parang ang init ata."
Pakiramdam ko uminit ang paligid ko.. O ako lang itong pinagpapawisan..
Kinuha ko nalang yung baso saka uminom.
"Pumayag ka na." Pangungumbinsi pa niya with matching puppy eyes with pout.
Lumingon ako sa kanya at nilagay ang baso sa harap ko, "Pagsisisihan mo talaga itong kalokohan mo."
"Katuwaan lang naman." Sagot nito na halatang nagpapacute. Hindi niya yata naintindihan ang tinutukoy ko.
Tumagal ng ilang minutong nakatingin ako sa kanya. Inoobserbahan ko ang mukha niyang cute na nangungumbinsi.
Ang kulit talaga ng isang ito. Parang naguguilty ako kapag tinangihan ko.
"Sige na nga."
Basta Jc, relax ka lang. Wag kang magisip ng kung anu-ano. Kontrolin mo ang sarili mo. Wag mong hayaan na kontrolin ka ng sarili mo. Baka pagsisihan mo ang sunod na mangyari.
Nakangiting ininom niya ang nasa baso niya saka nagsimula itong magsulat ng tanong. Ganun din ako.
Ilang minuto ay sinimulan na naming tupiin ang mga sinulat namin at inilagay sa baso. Habang hinahalo niya ang mga tanong, ako naman ay nagsasalin sa mga baso namin.
"Tapos na." Sabi niya.
"Lady's first." Sagot ko naman.
Mukhang magrereklamo pa sana siya ngunit pinalampas niya nalang ito at kumuha na siya ng isa.
"Pinakaclose mo sa clan." Binasa niya ang nabunot niya.
"Sagot mo."
Nagisip siya saglit habang nakatingin sa baso niya, "Si Almira, Princess, Musaii at.." Huminto siya at tumingin sakin, "Si Jc."
"Close pala tayo?" Pagbibiro ko habang nakangiti.
"Ay hindi pala. Sorry po." Kunwari ay nagtatampo siya.
"Joke nga lang." 😀
"Kumuha na ng sayo."
Habang bumubunot ako ay ininom na niya ang kanya na nakatingin sa akin.
"First Ex na iniyakan mo." Naitaas ko ang dalawang kilay ko pagkatapos kong basahin ang tanong saka kinuha ang baso ko at ininom. "Si Gwen Dela Cerna. Schoolmate niyo ni Almira."
"Kilala ko siya pero di kami close."
"Mabuti." 🙂
Pagkatapos ay bumunot na ulit siya ng isa at binasa ito, "Unang Ex mong sineryoso."
"Sagot?"
"Si..." Ininom niya ang sa kanya habang nagiisip siya ng isasagot, "Si Angelo De Asis."
Tumango lang ako at sinalinan muna ang baso namin saka bumunot ako.
Tumawa ako ng sobrang lakas pagkatapos kong basahin ang tanong, "Ikaw ba sumulat nito?" Nakabungisngis ako ng pinakita ko ang tanong sa kanya.
"May experience ka na ba sa sex?" Mahinang binasa niya ang tanong tapos humalakhak din siya ng sobrang lakas na halos magechoe sa buong party house.
BINABASA MO ANG
She's Back
Teen FictionIsang di inaasahang insidente ang tumapos sa kanyang buhay. Dahilan ng panghihinayang niya sa isang bagay na di niya nagawa. At isang sinserong pagdarasal ang naging dahilan ng kanyang pagbabalik sa lupa. Sa kabila ng pagmamanipula ng isang Fallen s...