Bryce POV
"Uy mga Pare, baka last day na natin makapag jamming dito."-Tristan
"Bakit naman Tol?"- Ethan
"Uuwi kasi yung dalawang Prinsesa ko, baka ayaw nila ng maingay. Tsaka tong music room, kay Cyan talaga to, halata naman sa kulay diba? Purple, hahaha!"
"Uy! Leche ka Tristan ! Bakit di mo agad sinabi sakin na Uuwi si Cyan my Loves? "-Lyle
"Pare! Kadiri ka ha! Wag mo ngang matawag na love si Cyan, Tsaka wag ka ngang plastik! Alam kong si Amethyst ang hanap mo, wag mo kong pinaglololoko ha!"-Tristan
Ahahaha. Wala pa ring pinagbago si Lyle, Loyal pa rin sa pagpapakatanga niya kay Amethyst na di naman siya pinapansin, kasi tingin lang sa kanya batang kapatid, pano ba naman kasi, 5 years older si Ame sakanya...Wait, Cyan ? Naaalala ko yung pangalan na yun ah. Sa pagkakatanda ko, sila yung Bunso ng mga Cardovan. Yung pinaka nasaktan sa nangyari, siya kasi nakasaksi lahat. Tsaka siya yung nasa picture sa baba. Yung picture na nadaanan lang ng mata ko, di ko na maalis. Inasar pa nga ako nila Lyle at Tristan eh, kaya lang ang ipinagtaka ko, ang tahimik ni Ethan. Ewan ko, pero parang may iba eh , parang matagal na niyang kilala si Cyan, pero wala naman siyang nababanggit. Ano ba yan, bakit ko ba iniisip yung ugok na yun ? Tss. Oo nga pala, Ako si Bryce Raiden Clifford Clemente , male vocalist ng Azure. At mga kabanda ko sina Tristan, Ethan at Lyle. Brothers simula nung umalis yung sinasabi nilang Cyan at Amethyst.Alam ko di rin alam nung magkapatid na may Banda na ang Kuya nila, yan kasi si Tristan , makapal man ang muka kakasabi na gwapo siya, mahiyain naman yan sa ibang tao. Kaya nga di namin akalain na masasama yan sa banda eh. Di ko kilala yung magkapatid, kasi lately lang din naman kami naging magkakaibigan, tsaka di naman masyadong nag o-open samin si Tristan , kasi daw nababading siya pag mga kapatid niya ang pinag-uusapan. Nakakadiri, parang bading, ang drama. Haha, pero di naman namin siya masisi , sila na lang kasi Pamilya niya eh, kaya sobrang mahal niya yung dalawang yon... At dahil sa ganyan siya kabait na kuya, crush siya ng kapatid ko :3 nako, isa pa yon, kabata-bata eh, napakalandi.Pero mahal ko din yun noh, nag-iisang babae sa Pamilya eh, She's Brynessa Tiffany Venice Clemente, alam ko magkasing edad lang ata sila nung Cyan na bunso nila Tristan.... My Mom passed away na kasi nung ipinanganak niya si Royce , at isa pa , si Royce nawawala and it's all my fault. And still, hanggang ngayon galit pa rin sakin si Dad , di ko naman sinasadya yung pagkawala niya sa US eh, kaya andito ako sa mga kabanda ko, nagpapalamig.
"Ah! Takte! Di na ko makapaghintay , ang bagal naman ng lecheng eroplano na sinakyan nila Cyan at Ame"-Tristan
Odiba ? Sabi ko sainyo eh, nabato niya tuloy yung wallet niya , may nalaglag pero di ko na lang pinansin. Nagsimula ulit yung kantahan kaya pumunta na sila sa Mini-stage nitong Music room, ako ayun nakaupo pa rin. Pagtingin ko sa lapag, napangiti nanaman ako , yung nalaglag pala sa wallet ni Tristan is yung picture ni Cyan, at ewan ko , kusang gumalaw yung kamay ko ay ibinulsa ko yun. Tapos di na nawala yung ngiti ko , tinawag na nga akong baliw ni Lyle eh pero wala akong pake, eh sa masaya ako eh.
-BAHAY-
Nagbihis na ko ng pantulog ko, tapos nalaglag sa pantalon ko yung picture ni Cyan, nakabaligtad kaya nabasa ko yung nasa likod , "Uyy Kuya, panget mo kasi eh. Bakit mo kami ipapadala sa US ? Yan tuloy, mawawalan ka ng Prinsesa, pero okay lang yan , Love pa rin naman kita eh. Ma mi-miss kita Kuya Love, CMMA <3"
Natuwa ako, ang sweet niyang kapatid, siguro sweet din siyang Girlfriend ? Ayy! Ano ba yan, pagod lang to, kung anu-ano na iniisip ko. Pero di pa rin ako makatlog, kaya ang ginawa ko, inisketch ko yung picture niya , oo magaling ako mag drawing, I'm taking up Engineering eh , pagkatapos ko gawin yun, nakatulog na rin ako.
YOU ARE READING
Maybe... Maybe After All, It's Meant to Be... Maybe it's Really Destiny...
Teen FictionSa mundong puno ng "Maybe" , "What if" , "Options" , at unexpected happenings, comebacks, heartaches and hindrances ... How can two hearts, or should I say three hearts, be able to surpass it ? In a world where lyrics speak louder than heartbeat...