CHAPTER 3 "Hello, Cy" </3

123 5 0
                                    

Alas tres na , kakatapos ko lang mag-impake , tinapos ko na lahat para bukas mabista ko ang Misty's tsaka si Royce, ewan ko ba, sobrang gaan ng loob ko sa batang yon eh… May something kasi sa kanya na di ko rin ma explain, pero napamahal na ko dun sa bata… Nagulat ako , nag ring yung phone ko , unregistered yung number , parang number ni Kuya pag tinatawagan ako, Baka sa Pilipinas galing tong tawag , kaya sinagot ko.

"Hello , Cy"

Siya ? Si Ethan , di ako pwedeng magkamali, siya to. Bakit ? Bakit nanaman niya ginugulo yung buhay ko ? Bakit may kirot pa rin, tsaka may epekto pa rin yung pagtawag niya sakin ng Cy… Sorba na to, dalawang salita niya lang, nawala na ko sa sarili ko, di ako nagsasalita, pinakinggan ko lang siya… At habang nakikinig, yan nanaman ang mga traydor kong luha, pumapatak nanaman sila...

"Cy , kamusta ka na kaya noh ? Naaalala mo pa kaya ako ? Ako to , si Thanthan mo, alam mo namimiss na kita. Kaya nung narinig kong uuwi ka, sobrang saya yung naramdaman ko...Sana di ka na galit sakin, sana napatawad mo na ko. Cy, pag uwi mo usap naman tayo oh, pakinggan mo lang ako, kahit na ganito lang. Kahit na di ka nagsasalita at di mo ko kinikibo, basta Cy pakinggan mo ko, please. I'm so sorry Cy, I still Lo-"

Pinutol ko na, di ko na kayang makinig sa panibagong kasinungalingan , sa mga salita niya. Ayoko na, sawa na kasi ako, pagod na pagod na ko, Ayoko na, bakit ba nandito nanaman siya ? Nanahimik na ko ng dalawang taon eh.Lumayo na ko, tapos  ano ? Eto nanaman siya… Pe-pero ? Pano niya naman nalaman na uuwi ako ? Eh di naman siya kilala nila Kuya, at di ko pa naman nasasabihan si Avery (bestfriend ko sa Pilipinas) na uuwi na ko.

Buong  gabi di ako nakatulog. Iniisip ko kung tutuloy pa ba ako , pag di kasi ako tumuloy , makakahalata sila… Kaya sige, tutuloy ako, pero paano ko siya haharapin pag nagkataon ? Kakayanin ko kaya na makasama siya sa iisang bansa… Hanggang sa nagbalik nanaman lahat ng ala-ala, yung kung gano kami kasaya, ay kung paano yun sinira ng walong salita niya lang. Ayoko na, iyak na ko ng iyak, mag aalas-singko na rin nung nakaramdam ako ng pagod sa kakaiyak kaya nakatulog na ko, nagising ako 12:00 na… Dumiretso ako sa Misty's at chineck iyon, ibinilin ko na rin lahat kay Celine , sabi ko kung may mabigat na problema at di na niya kaya eh itawag niya na lang sakin ,di ko pwedeng isama si Nani Sally kahit gusto ko, siya kasi ang mamamahala ng ampunan. Ibinilin ko rin na lagi nyang aalagaan si Royce at wag niyang ipapaampon, kasi makikita ko pa ang magulang niya, naniniwala ako dun , at kung di ko man mahanap, ako na mismo mag-aalaga sa kanya, gann ka gaan yng loob ko sa batang iyon . Kaya kahit mahirap na iwan siya dito sa U.S, sige kakayanin ko, mas mapapadali kasi ang paghahanap ko pag nandun ako sa Pinas, kasi nandun naman talaga yung mga magulang niya .

Pag-uwi ko halos wala nang gamit sa bahay, kaya naman pala wala yung bunganga ni Ate kanina bilang Alarm clock ko, kasi busy siya sa pagpapahakot ng mga gamit namin. Ok , ito na , tuloy na tuloy na talaga kami bukas. Di ko  pa pala ito naibabalita kay Avery :)

...calling Avery Iris…

"Uwahh T_T Bes . Miss na kita...Kelan ba kayo magbabakasyon dito sa Pinas, grabe, ikakamatay ko na to."-Avery

"Gaga! Patay agad ? Tss. Sunduin mo ko bukas ha :)"-Me

"Uuwi ka na ? San kita Susunduin?"-Avery

"Ayy hindi pa :3 Diyan mo ko sunduin sa banyo, dyan landing ng Eroplano"-Me

Kaloka. Sabihin niyo nga sakin kong bakit ko naging bestfriend tong baliw na to.

"Ok :3 maldita ka nanaman niyan. Ikaw talaga, nako pasalamat ka mahal kita. Email me your  flight infos."-Avery

"Ok bye. Thankee. BTW , we're not going there para magbakasyon, we're staying there for good :)"-Me

"Pero ? Pano si E-?"-Avery

"Don't you  dare mention someone's name especially when it's already dead. Baka dalawin ka niyan, sa impyerno pa naman galing yan"-M

"Bitter mo bes"-A

"Excuse me ? Iba ang bitter na natuto, bumangon at lumakas. Take note of that. Bye na, See you tomorrow"

I finalized my things , inayos ko na din yung iha-hand carry ko. Na-email ko na rin yung flight infos. Kay Bes. Hayy , namiss ko na talaga siya , Lalo na si Kuya… It's late na rin.. 1:00 am na, eh 6:00 ang alis namin ni Ate bukas, kaya matutulog na ko.

*beep

Unregistered  number  nanaman. I opened the message'

"Cy, I Miss You So Much, hope to see you soon"

At dahil sa inis ko, pinatay ko na lang yung phone ko. Sino pa ba ? Siya lang naman tumatawag sakin ng Cy eh. How dare he talk to me like that, ano ? Parang wala siyang nagawa ah, parang wala syang kasalanan, parang wala siyang iniwan kung makapagsalita siya… Ano yun ? Sa tingin niya ganun ko lang madaling makakalimutan lahat ? Di naman joke yung naganap diba ? Grabe, kaylangan ko nang itulog to. Atleast pag natulog ako, kahit papaano mapapahinga ako, makakalimot ako, mawawala muna tong sakit na iniinda ko.

Maybe... Maybe After All, It's Meant to Be... Maybe it's Really Destiny...Where stories live. Discover now