Busy na kaming Azure sa mga practice, tutugtog nga kasi kami sa Greenfield sa Sabado, today is Friday so last practice na namin today...
Yung mga nakaraang araw , normal naman, ata? Kami ni Ethan ang laging magkasama, lagi rin akong nahahatulan ng hinayupak na 30 seconds na yun, kainis kasi eh, parang nananadya yung dalawang yun na mag krus ang landas namin.. Lagi ring nasa practice namin si Alexa , at si Avery na rin, ewan ko ba kung ano na talagang status nila ni Troy, ayaw magsi-amin eh...
Busy na rin sa school, malapit nang mag finals kaya halos di rin kami nagkakausap ng mga kaibigan ko. Lunch lang talaga yung pahinga namin, at sa pahingang yun, na s-stress pa ko kay Ethan...
So back to present, naglalakad kami sa corridor ni FRIEND ngayon , tapos na ang klase/madugong review para sa nalalapit na finals kaya naisipan naming mag chill muna, treat niya daw eh, aba di uso ang tanggi sakin.
Speaking of Friend, naintriga na rin ako ng lahat ng nakakaalam sa storya namin, at naikwento ko na sakanila ang lahat yung sitwasyon , kay Kuya, Avery at Troy to be particular. After nung Tagaytay sht, di na rin ako gumamit ng Social Media Accounts ko, nakakainis kasi eh, puro kalandian nung dalawa ang nakikita ko, juskopooooo. Nagkakasala lang ako kay Lord sa daming beses kong tinorture sa isip ko yung dalawang yun,lalo na ang pa fall na si Bryce.
So ayun nga, promise balik na talaga sa present... Nasa Le Miel kami ngayon, grabe maka relax yung cake nila dito tas samahan mo pa ng double-choco frappe, HEAVEN... Plus! Yung fact na libre, aba bawi na rin after ng nakaka stress na review noh!
Pero hanggang dito naman, habang nagre-relax eh nagrereview pa rin kami, aba mahal ko future ko noh! Seryoso kami pareho ni Ethan nang may biglang pumasok din sa cafe, dalawang taong nagbubungisngisan at naglalandian, jusko po!
"babe, can you libre me my favorite cake and coffee, please" sabay puppy eyes, este landi eyes niya..
Nginitian naman siya ng matamis, este malandi ng kasama niya.
"Cyan, 30 seconds!" At ayun nanaman, nakatikim nanaman ako ng 30 seconds na yun. Naman kasi! Napakaraming cafe dito , bakit naman kung nasaan pa kami. At sa katapat na table pa namin sila pumwesto, nakakatuwa diba.
Nag earphones si Ethan, yun na lang din ginawa ko, para kahit papano eh humina yung landiang naririnig ko, juskopo nakakadiri, nakakasira ng mood mag aral.
Bryce's POV
Pareho silang naka earphones, parehong seryoso mag aral... At kami ni Alexa? eto daldal lang siya nang daldal, at wala akong pakielam sa mga sinasabi niya.
"Sht, lowbat na ko" sabi ni Cyan na di niya masyadong napansin na napalakas.
"Nagpaparinig ka pa eh, oh ayan na" sabay abot ni Ethan ng isa sa earplugs niya, so now, they're sharing the same earphone, the same music, ano kayang music ang tumutugtog? Do they relate to the song? Ano na ba sila ngayon? Sila na ba ulit? Naniwala ba si Cyan na sinuku---
*beep*
From: Azure Tristan
Dude, di pwede sa bahay today. Nakila Ethan yung mga kapatid natin at dun sila nag aaral so di rin pwede, inyong bahay na lang available. Pwede ba?
I replied "Okay, 4:30 sharp"
3:45 na , kaylangan na namin bumyahe kasi medyo malayo pa.
Nakita kong kinalabit ni Ethan si Cyan, tapos lumapit siya sa tenga nito.. Hudyat para mapangiti siya, ano kayang sinabi niya?
Lutang pa ko, nung napansin kong lumabas na sila, niyaya ko na rin umalis si Alexa, I have no choice kundi isama siya sa lahat ng lakad , practice o kung ano pa, basta nandun si Cyan..
YOU ARE READING
Maybe... Maybe After All, It's Meant to Be... Maybe it's Really Destiny...
Teen FictionSa mundong puno ng "Maybe" , "What if" , "Options" , at unexpected happenings, comebacks, heartaches and hindrances ... How can two hearts, or should I say three hearts, be able to surpass it ? In a world where lyrics speak louder than heartbeat...