A/N: Daming ganap dito xD Labyu :P <3
Tyler/TROY's POV
Bakit kaya 2 araw wala sa School si Cyan? Napaka-corny kaya ng araw ko :3 pano ba naman, maghapon kaming pinagkaguluhan ni Ethan nung mga fangirls ng Azure :3 Kakaasar...Lakas ng loob nilang guluhin kami, kasi wala daw ANG BATAS , na si Cyan naman yung tinutkoy nila...
Dalawang araw ding wala si Bryce, baka may namumuo na sa dalawang yun?
Pero bakit ganun? Kahit thought lang, parang may something, may makirot, may masakit? Hays :3
Pangalawang araw na to na wala si Cyan, at aaminin kong di kumpleto yung araw ko, may kulang...Siguro na-miss ko yung kadaldalan niya, kakulitan niya, katarayan niya, kabaliwan niya...LAHAT, basta Lahat... At nitong mga nakaraang araw, lagi ding si Avery yung kasama ko, kasi sa buong Azure, si Ethan yung di ko ganun ka close kaya di naman kami madalas magkasama o kahit mag-usap, sa asaran lang kami magaling...
Tapos nagulat na lang ako, isang gabi may lumabas na babae sa bahay nila Bryce...At sigurado naman akong di yun si Tita o kaya si Venice...Kaya tinry ko na medyo lumapit... At habang papalapit ako, naririnig ko sila, at nakikilala ko na yung babaeng umiiyak, ay si Cy... TANGINA! Sino nanamang nagpa-iyak diyan?
"So-sorry kanina.."-Bryce
Narinig kong sabi niya, at nung panahong yun eh pinipigilan ko na lang yung sarili ko, kasi alam ko na any moment eh makakasapak na talaga ako! Alam niya ba kung gaano ko ibinibigay lahat ng effort ko makita ko lang na kahit papano, maging totoo na yung ngiti ni Cyan, tapos yang Gag*ng yan, PAIIYAKIN NIYA LANG!
"Wa-*huk* la yun. *huk*"-Cyan
"Eh bakit ka umiiyak?"-Bryce
Eh adik pala talaga tong hayup na to eh! Malamang babae yan, sasabihin na okay lang, pero wag naman siyang tanga...Malamang nasasaktan yan, at siya pa ang dahilan? Eh di lang pala manhid to! Gago pa!
"Hey. Hush now.."-Bryce
Tapos bigla niyang niyakap si Cyan...Ano yun? Isang yakap lang, yung kagaguhang ginawa niya OK NA? Aba! At bigla na lang nagdilim yung paningin ko, kaya napasugod na ko!
*BOGSH!
"Anong ginawa mo kay Cyan? Bakit yan umiiyak?!"-Ako
"N-NO! Wala siyang gina—-!"-Cyan
Di ko siya pinakinggan...Ano? Ipagtatanggol niya? Eh siya na nga tong sinaktan...Sa ginagawang to ni Cyan, naiisip ko na baka si Bryce yung lalaking kinwento niya sakin sa rooftop..Yung nang-iwan sa kanya, yung lalaking ginawa lang laruan yung puso niya...At Sobrang nakakatangina!SOBRA!
*bogsh!
"Gago ka Pare!"-Ako
Di na ko makapag-pigil...Kasi bumabalik lahat ng kinwento ni Cyan sakin, pati kung gano kalungkot yung mata niya at kung pano mag-unahan sa pag-agos yung luha niya nung mga panahong yun!
*bogsh!
Gago ka Bryce, yan lang ang tumatakbo sa isip ko...At ang alam ko lang, kaylangan kong iganti ng kahit konti yung naramdamang sakit ni Cyan....
Susuntok pa sana ako—-kaya lang.
*PAK!*
"Ano bang ginagawa mo ha? Nasisiraan ka na ba ng ulo Troy? HINDI IKAW YAN EH! HINDI IKAW YUNG TROY NA BESTFRIEND KO! "-Cyan
YOU ARE READING
Maybe... Maybe After All, It's Meant to Be... Maybe it's Really Destiny...
Teen FictionSa mundong puno ng "Maybe" , "What if" , "Options" , at unexpected happenings, comebacks, heartaches and hindrances ... How can two hearts, or should I say three hearts, be able to surpass it ? In a world where lyrics speak louder than heartbeat...