Sabihin mo lang na Mahal mo ko,Ititigil ko Lahat to

55 3 0
                                    


Nasa malaking table kami ngayong lahat, kakain ng dinner.

This is the perfect timing para masabi ko kay Kuya na aalis kami ng maaga at magte-take ako ng special test para sa Finals kasi kaylangan ko na ngang pumunta sa Laguna

Ang saeting arrangement

Si Kuya sa seat ng Padre de Pamilya XD Tapos

Ethan - Ako - Marco - Avery - Troy - Lavander tapos kaharap namin

Alexa - Bryce - Ellein - Lyle - Brynessa

Saya diba, kaharap ko yung 2 malandi,bwisit :3 Wag nilang sabihing magsusubuan sila sa harap ko?

Sinerve na yung dinner, yung mga tumutugtog kanina sa Shang ri-La, isang group yung nandito, they are playing and ugh, makakatulog na ko nito.

"Cyan oh, baked mac" sabay lagay ni Ethan sa plato ko

"Masarap steak dito, try it too" si Marco naman ang naglagay sa plato ko

"Their pesto is good" lagay nanaman ulit ni Ethan

"Bitay mo na ba mamaya bes?" sabat ni Avery, jusme, thanks for saving

"Masyado siyang nangangayayat since the last time I saw her in US, she needs to eat.. Eto crispy pata" sabay lagay niya nanaman ulit

Nakatingin na lahat ng nasa table na to sa dalawang katabi ko, jusme :3

"Masarap sinigang nila dito Cy, try it" sabay lagay naman sa mangkok ng sinigang nung isa.. Bitay na nga talaga to

"Hey, you two, di pa baldado kapatid ko" THANKYOU KUYA!

"Puro pampa-bata pinapakain niyo sa stick na yan.. Eto gulay, isda, lasagna... You need a balanced diet, di purket payat ka ipapakain na sayo lahat ng gusto nilang ipakain" sabat nung isa sabay tabi nung plato na nilagyan ni Ethan at Marco...

"Seriously, Bryce?" reklamo ni Alexa sa BOYFRIEND niya

"What? Wag mo kong simulan Alexa, Im just doing a favor for you but you'll never have the rights to control me ,you'll never own my life"

Natahimik sa buong table, may LQ ba sila? well, walang forever, magbe-break din kayo!

"Hmm, Kuya... Ate Ame called me a while ago"

"What did she said?"

"Kaylangan niya daw kami ni Avery sa Laguna branch ng clothing line natin... The demand increased after my Shang ri-La scene."

"Ohh~ ganun ba. Yeah sure"

"And we need to take special final exam... Lyle must come too"

"Ha? bakit daw? miss ako ni Ame?" the fu Lyle? :3

"Tungaw, hindi.. We need male designers at magaling ka daw mag draw so she needs you... speaking of~~ Hmm, Kuya, may kilala ka bang male designers? Yung magaling mag drawing at mag conceptualize? We need a new collection soon"

"Bryce draw" ohh~ oo nga pala, I saw his sketchpad

Tiningnan ko si Bryce, at mukang nagulat siya sa ginawa ko.. ehh?

"Pwede ka?" I asked

"Bawal, he will spend more time on me" sabat ni Alexa

"Edi magsama kayo, may pumipigil? bitch" syempre binulong ko lang yung bitch

Lumapit si Ethan sa tenga ko

"30 seconds, mamaya ko na sisingilin"

Aysh, nagsisisi akong katabi ko siya at kaharap ko ang dalawang to

Maybe... Maybe After All, It's Meant to Be... Maybe it's Really Destiny...Where stories live. Discover now