Limot mo na diba

26 1 0
                                    


 Bryce's POV

Simula nung narinig ko yung boses ng babaeng yun habang kausap namin si Tristan kahapon,di na talaga siya mawala sa isip ko, sigurado akong yun yung boses ng babae sa alaala ko... Sabi niya si Amethyst yun, pero hindi eh,matagal ko nang kilala si Ate Amethyst at hindi ganun yung boses niya...

Nag online ako to contact him,somehow ... Nag pm ako sakanya

Me: Tris. tol. Naalala mo nung magkausap tayo nung nakaraan habang pauwi kami galing tagaytay ? Tol,sino yung babae? Kaboses niya kasi yung babae na lagi kong naaalala lalo na nung pumunta kami ng Azure sa Tagaytay

*seen 4:27 pm*

Me: Tol,alam mo namang pilit ko pang inaalala kung sino talaga ako. Tulungan mo naman ako,sino yung babaeng yun?

Tristan : Pre,kilala mo na sarili mo, at uulitin ko, si Amethyst yun

Me: Pero tol kilala ko boses ni Ate Ame

Tristan : Nagtanong ka pa diba ? Ge na,marami pa kong trabaho dito

Tapos nag offline na rin siya. Ngayon lang nag sungit ng ganito si Tristan

Dumaan ang ilan pang mga araw,busy kaming Azure sa dami ng events na kaylangan naming puntahan,album signing, press conference, meet and greet ... Nakakapagod pero sanay na rin kami, mag ta-tatlong taon na kami sa ganitong gawain.

Kasalukuyan kaming nasa isang Press Con

Press : So, may bagong album daw kayo na ir-release Azure ?

"Yeah, probably this 3rd week of December" sagot ng pinaka leader namin, si Ethan

Press : Pwede bang mabigyan kami ng sneak peak sa mga kanta? Or sa title ng album?

"Lahat ng kanta, about bringing back memories, old days and such . The album is entitled Cymiss" sagot muli ni Ethan

Di ko rin alam kung san nanggaling yung name ng album, sila sila kasi yung nag usap tungkol dun.

Press: Eh napansin namin, ang Azure puro na lang trabaho, walang rumored lovelifes and such, meron ba na di namin alam? Pwede niyo bang i-share?

Ngayon,lahat na kami dapat sumagot

"None. I'm single and ready to minggle" malanding sagot ni Marco sabay kindat

May ilan sa Press ang di napigilan ang pagtili

"We're both busy, so I dont think nasa isip pa niya ang relationship, but I'm willing to wait" sagot ni Tyler, sana nanonood si Avery, it's obviously for her

"Meron akong mahal, 5 years na, pero joker kasi ako eh, kaya akala niya jino-joke ko lang siya...T-tsaka , may boyfriend na yun" sagot naman ni Lyle

Napa "aww" yung Press , hays, si Ate Ame yun for sure

"Ako... ewan... ramdam kong may mahal ako,pero di maalala nito" sabay turo ko sa puso ko "Pero,di ako mapapagod alalahanin siya. Balang araw,maaalala ko siya"

Ethan's POV

"Ako... ewan... ramdam kong may mahal ako,pero di maalala nito" sabay turo niya sa puso niya "Pero,di ako mapapagod alalahanin siya. Balang araw,maaalala ko siya"

Wag na Bryce . Itigil mo na. Ayokong dalawa pa tayong masaktan, tama nang ako na lang.

Press : Eh pano naman kaya ang leader nila? Ethan?

"Wala tayong laban sa tadhana. Pag sinabing di na pwede, di na talaga pwede.... 6 years,pero siya pa rin at alam kong siya lang... Pero wala tayong laban eh, wala akong powers para bumuhay ng tao"

Maybe... Maybe After All, It's Meant to Be... Maybe it's Really Destiny...Where stories live. Discover now