—-BAHAY—-
Cyan's POV
Di ko akalain na makakaya ko, di ko akalain na for the first time after 2 years ay makakaya kong ikwento LAHAT... Masakit pa rin, sobrang sakit na alalahanin yung mga bagay na matagal mo nang pilit ibinabaon sa limot, pero kahit anong pilit mo di talaga kaya...Kasi sobrang mahal mo, kasi sobrang mahalaga sayo, kasi sobrang daming alaala nung iniwan nila sayo, kasi SILA YUNG BHAY MO...
Pero nung nasabi ko lahat kay Troy, kahit papano gumaan yung dala ko, kahit papano nabawasan yung sakit na kinikimkim ko... At super thankful ako, kasi may nakilala akong isang Tyler Reuben Olives Yves Austin na naging Boy Best Friend ko at nagsilbing sandalan ko...
Oo nga pala, may assignment kami ngayon... Yung letter daw about first impression, message at kung ano pang kemerlu ni Mam Natividad... Tatlo daw eh, sino naman kaya yung tatlong susulatan ko? Hmm... Syempre si Avery, tapos si Troy :)..Sino pa kaya yung isa? Ayy! Alam ko na , si Freak na lang :)... Tapos bigla kong naalala si Ethan, tss :3 ano nanamang katangahan yan Cyan? At ano namang sasabihin mo? Na hanggang ngayon Tanga ka pa rin? Na yung puso mo nilalamon pa rin ng sakit at galit? Tss, SO PATHETIC Cyan, bigyan mo naman ng konting kahihiyan yung sarili mo, kahit papano naman magtira ka ng Pride ... Tama na Cyan, sobra mo na kasing sinasaktan yung sarili mo eh... Di ko na siya sinulatan, kasi pag ginawa ko yn, baka kung ano lang ang mailagay ko... Inuna kong sulatan si Avery , syempre sarap pa ng ngiti ko habang iniisip kung paano ko siya lalaitin sa first part ng letter ko! Hahahaha!!!
To: Avery BES <3
Hi Bes :) Ganda ko noh? Haha.. Di bale, mag best friend naman tayo, kaya kahit na di ka maganda, okay lang kasi nadadala ko naman :).. BES! Bakit ang liit mo? Pag magkasama tuloy tayo, mukang may DYOSA na may katabing FENCE :) Saya noh? De.joke lang! Hahaha. Tama na ang lait xD Alam mo ba Bes, Labb kita :) Di halata noh? Ang mga DYOSA kasi hindi expressive sa nararamdaman nila, kasi Bes baka ma-tibo ka sakin, ayoko naman ng ganun kasi ma a-awkward tayo... Basta ipangako mo sakin na kahit gaano ako ka BAIT, ka DYOSA ,ka TALENTED at ka HUMBLE ay hindi ka maiinlab saken! Nako talaga, ayokong mawalan ng Bestfriend , pero kung mahal mo na talaga ako, di mapipigilan ang damdamin, tatanggapin ko na lang ang pagmamahal mo pero di ko maipapangakong maibabalik ko ito. Sorry Bes...Pero STRAIGHT NA BABAE talaga ako... Tsaka Bes , may nahalata pala ako kahapon nung First day :P CRUSH MO SI TROY NOH? Hahaha, kabisado ko na yung mga titigang ganun mo Bes eh... Pero eto seryoso na talaga... Bes, Thank You Ha :) Kasi simula Pre-School eh nasa tabi ka kita, kahit minsan di ko rin naramdaman na inaabuso mo yung pagiging mabait ko... Di ka user, di ka rin plastik.. TOTOONG KAIBIGAN ka, kulang na nga lang eh pa-palitan mo yung apilido mo ng CARDOVAN kasi daig pa natin ang magkapatid, at dahil dun super Thankful ako... Maaga mang nawala si Mommy at Daddy sakin, at iniwan man ako ng G*gong yun na di naman deserve yung luha ko , ay nandyan ka pa rin para sakin. Di mo ko iniwan in good times and bad times... Bes, tayo magpatnay ng POREBER ha ? Walang iwanan, walang talikuran KAHIT ANONG MANGYARI... Ayabyusomats Bes <3 At kung itatanong man sakin ni Lord kung ano yung Best Blessing na binigay niya sakin , KAYO YUN... Sila Mama at Papa, Ate Ame at Kuya Tris at syempre IKAW BES :) Thank you sa lahat... And Forever, I'll cherish the times that we're together.. Tatagan pa natin Bes ha ? Kasi hanggang sa day na uugod-ugod na tayo, magkasama pa rin tayo at PURPLE ANG TUNGKOD NATIN :) Mahal na mahal na mahal na mahal kita Bes <3...
Love, Cyan Bes <3
Pfft xD Natatawa ako, pati sa letter may moodswings ako xD . Pero mahal ko talaga yan si Bes. Sakit sa kamay magsulat xD Sinunod ko na yung kay Troy :)
To: TROY BBF :)
Troy ! Troy ! Troy!!! Wala lang xD Hahaha. Una sa lahat, thank you...Kasi nandyan ka para sakin , nung nagj jogging ako ng madaling araw , nung first day sa classroom at siyempre , nung panahong nag drama ako.. Daming nangyari kahapon noh? AT NALOKA AKO! Gusto ko na mas tumatag pa yung Friendship natin , hahaha... Ang hangin mo pala Troy? Feel na feel mo kasi yung pagiging POGI mo nung introduction kahapon eh... Basta thank you talaga, alam ko kakakilala lang natin and I wish na sana mas tumagal at tumatag pa yung friendship natin :) Salamat talaga for being a shoulder to lean on kahapon... At alam mo ba, after 2 years , ngayon ko na lang ulit kinaya na maikwento iyon sa isang kaibigan, at partida! Wala pa tayong 1 week magkakilala... Sobrang gaan lang talaga ng loob ko sayo... Salamat talaga, wag mo ipagkakalat yung ka dramahan ko sa rooftop kahapon ha ? I trust you Troy... Labyu :* (Walang malisya, usapang mag bespren xD HAHAHA!)..Ayun xD GANDA KO TALAGA :) Gege , Thanks ulit :) One day, makikilala mo rin kung sino yung hayop na nagpaiyak sakin, basta pag nakilala mo siya, promise mo na di ka magagalit sakanya ha? KASI MATALIK MO SIYANG KAIBIGAN :) Byeeee na. Ganda ko talagaaaaaaaa <3 <3 <3
YOU ARE READING
Maybe... Maybe After All, It's Meant to Be... Maybe it's Really Destiny...
Fiksi RemajaSa mundong puno ng "Maybe" , "What if" , "Options" , at unexpected happenings, comebacks, heartaches and hindrances ... How can two hearts, or should I say three hearts, be able to surpass it ? In a world where lyrics speak louder than heartbeat...