Walang rehearsal ngayon, halos na polish na rin kasi lahat kahapon kaya baka isang pasada na lang kami bukas before our performance...
I dont doubt,maganda din ang tandem namin ni Ethan pag nagdu-duet, but still syempre, si Bryce ang gusto ko. (WAIT! Ano? Gusto? Joke, erase.erase)
Halos wala na ring awkwardness,siguro kasi na let go ko na yung galit kahit papano, closure na lang ang kulang, well, someday... But one thing is for sure, no matter what his reason is, I wont take him back.. I will forgive, but I wont ever forget.
Alas kwatro na, naligo na rin ako at nag ayos, 5:00 pm kasi kami magkikita ni Bryce sa 7/11 , walking distance lang naman so mga 4:45 na lang rin ako aalis ng bahay.
Nagsuot lang ako ng simpleng pants & shirt at tinali ko yung buhok ko,medyo mainit rin kasi.
Naglakad na ko papuntang 7/11 ,well nakakapagtaka na wala pa si Bryce eh early bird ang isang yun.
5 minutes passed.. Di ako sanay na pinag iintay ako, pero I think I owe him this, so sige. I'll wait...
10 minutes. timpi lang.
15 .. 20 minutes ... waiting is not my thing...
25... 30 ... 35 minutes .. WOW. I'm leaving any moment. Kahit sino, never akong pinag intay ng ganito katagal...
Tatayo na sana ako, dapat tumayo na ko.. Pero ako mismo, paa ko mismo, ayaw kumilos, ayaw tumayo, ayaw umalis sa kinalalagyan ko..
Sabi ng isip ko,umalis na ko dahil di pinag hihintay ang isang Cyan Cardovan.. Pero letseng puso to, umaasa na dadating siya, na baka may emergency lang, na on the way na siya...
I grabbed my phone, oo tama, ite-text ko siya...
"Bryce. san ka na? Nandito na ko"
BURA..BURA..BURA!! Para akong girlfriend sa tono ko
"Bryce, kanina pa ko dito, Ano? Pasko pa dating mo?"
AYSH.. BURA ulit, parang masyado akong nagde-demand na makita siya.
"Freak, ang kupad mo naman, Kanina pa ko dito. sa pagkaka alam ko, 5:00 pm ang call time, paimportante much?"
Aysh, bura ulit, napaka rude ko dito.. SAGLIT, kelan pa ko nagka paki kung maging rude man ako sakanya? Eh lagi naman kaming nag aaway diba?
"Kung ite-text mo, i-text mo, almost one hour ka nang nag iintay dyan, If I'm not mistaken, 5:00 ang calltime niyo diba?"
"At sinong may sabi na hinihingi ko ang opinyon mo?"
Di ko ineexpect na nandito siya, ni di ko nga alam na pumasok pala siya dito or baka bago pa man ako pumasok eh nandito na siya,di ko lang napansin. It's Ethan.
"I know you, ayaw mong nag iintay, waiting for 5 minutes pisses you off. Why all of a sudden, nagbago ka ata?"
Nakita kong may hawak siyang chuckie, hinablot ko na lang sa sobrang inis ko sakanya. Favorite ko kaya yun.
"UYY! SAKIN YAN!.. "
Di ako sumagot and I continued to sip the chuckie. As if I care...
tumikhim siya~
"Well, SAYO NAMAN AKO, so siguro considered na rin lahat ng akin, na IYO"
*ehem* bwisit, halos maibuga ko yung chuckie .SHET. Ano daw? Nabingi ba ko? O epekto to ng pag iintay? hanep.
"Kadiri, oh iyo na yang chuckie mo!" sabi ko sabay lapag ng chuckie sa table
"Iyo na,may laway mo na,kadiri"
YOU ARE READING
Maybe... Maybe After All, It's Meant to Be... Maybe it's Really Destiny...
Teen FictionSa mundong puno ng "Maybe" , "What if" , "Options" , at unexpected happenings, comebacks, heartaches and hindrances ... How can two hearts, or should I say three hearts, be able to surpass it ? In a world where lyrics speak louder than heartbeat...