CHAPTER 7 Purple Thingys,LYLE Kulet and the Person behind the Window

81 6 0
                                    

Cyan's POV

After ko mag jogging , umuwi na ko. Nadatnan ko si Kuya at Ate na nagkakagulo kung ano bang syrup ang ilalagay sa pancake ko. Hahaha!! Kaya mahal na mahal ko yang dalawang yan eh, lagi man silang di magkasundo eh ako naman lagi yung iniisip nila, Biruin mo, sa napaka babaw na syrup na ilalagay sa pancake eh mukang kanina pa ata sila nagdedebate. Pumasok na ko, at sabay silang napatingin sakin, tapos nagbalik ng tingin sa isa't-isa. Okay, weird . Hahaha!

"Cy , diba chocolate syrup gusto mo? / Misty diba strawberry syrup gusto mo?"

Ok, nagulat ako dun, kaylangan talaga sabay ? Hahaha, ang cute nilang dalawa.

"Mas masarap ang Chocolate Syrup Marie!"-Kuya

"Mas healthy ang Strawberry Syrup Eiram!"-Ate

At isa pang bagay na cute , yung 2nd name ni Kuya na Eiram , is yung third name ni Ate pag binaligtad mo yung letters which is Marie. Actually pati rin naman yung Amire ko, jumbled lang. Galing kasi yun kay Mommy na Marie , so Marie si Ate, Eiram si Kuya at Amire ako. Nakakatuwa :P

"Pagsamahin niyo yung dalawang syrup para masarap at healthy, kaloka. Sige bihis lang ako"-Ako

Kaya lang, ang iniisip ko, ano naman kayang lasa nun ? Ayy nako, hayaan na,  tumigil lang yung dalawang yun, ang ingay nila eh. Ahahaha.

Pagkababa ko ay kumai n na kami ng matiwasay, kaya lang nakakapagtaka, yung syrup ni Kuya ay Strawberry at Chocolate kay Ate, Hahahaha! Ang gulo talaga ng utak ng dalawang to. Pagkatapos namin kumain ay pumunta na ko kila Avery at syempre dala ko yung Twin Guitar namin, nagpahatid  ako kay Mang Neo kasi sa kabilang Village pa siya nakatira , tsaka bukod sa gitara, dala ko din yung purple sling bag,  purple shoes , purple dress , purple accessory kit at kung an-ano pang purple na siyempre pareho kaming meron. Hahaha, kambal nga lahat eh, kulang na lang pati Panty ay purple at pareho, HAHAHA!!! May dala rin akong chocolates para kay Tita at Tito.

Pagpasok ko ay isang napakahigpit na yakap ang sumalubong sakin, hahaha. Napaka swerte ko sa bestfriend kong to, priceless! Kaya ayun, inilabas ko na lahat ng gamit sa kotse at ipinasok sa loob. Tuwang tuwa siya, kasi lahat ng binibigay ko sakanya, eh meron din ako at SUOT KO NA. Kaya muka akong talong nng pumunta dito , but in a fashionista way. Nag jamming kami saglit gamit sina AveSty twins. Oo, pati gitara may pangalan, at pinagsamang pangalan pa namin ni Avery.

Nagplano kaming mag mall, sinuot niya rin lahat ng bigay ko  kaya muka talaga kaming kambal.

---MALL---

Avery's POV

Sobrang natuwa ako sa mga pasalubong ni Cyan sakin, oy wag niyo i-misunderstood ha, di ako materialistic na kaibigan at user… Kasi mayaman din naman kami noh! Sadyang ugali lang namin ni Cyan na kung anong meron ang isa, meron din dapat ang isa, at dapat PURPLE. Pinagtitinginan kami sa Mall, pero yng titig nila, hindi yung tipong nawe weirduhan samin, actually may paghanga sa mata nila, di naman kasi kami mukang kambal, tanggap kong mas maganda si Cyan sakin. Para kasing sa mata ng mga tao, super ganda ng tandem namin, super perfect bestfriends , yun yung nakikita ko sa mata nila. Kaya super grateful  ako na meron akong kaibigang tulad ni Cyan, kasi alam kong Totoo to, yung walang plastikan. Wala ka naman kasing makikitang mali dyan kay Cyan, bukod lang talaga sa mataray siya. Hahaha.

Maybe... Maybe After All, It's Meant to Be... Maybe it's Really Destiny...Where stories live. Discover now