Greenfield Gig & Marco

53 3 0
                                    

"Sooo, 2 oras ang byahe natin, talaga bang walang papansin sakin dito?" sabi nung papansin na si Lyle, kanina pa yan eh, baka nabo-bored na rin...

"Tutulugan niyo lang talaga ako?" sabi niya nanaman nang walang pumansin sakanya

So ganito ang arrangement namin sa van.

Sa Driver's seat si Kuya , katabi niya si Troy sa front seat.

Sa second row ng van , si Ako nasa bintana, katabi ko si Ethan - Bryce - Alexa

Sa third row naman eh mag isa si Lyle kasama yung mga instruments, nakakabagot nga naman yun... Si Ellein, Lavander, Brynessa at Avery ay susunod na lang, gabi pa naman kasi yung gig, eh mag a-alas tres pa lang naman.

Naka earphones ako (ma-lessen man lang yung landiang naririnig ko sa tabi namin) .. Matutulog na rin sana ako, kaya lang mmaalog yung van kaya paulit-ulit lang akong nauuntog at nagigising

"Cyan, palit na lang kaya tayo ng upuan? Kanina ka pa nauuntog dyan" offer ni Ethan

Umiling lang ako, at congrats, nauntog nanaman ulit ako nung nagtangka akong matulog ulit

"Princess, sige na, sumunod ka na kay Ethan" gatong pa ni Kuya, oh edi GO!

Nagpaalit na kami, so ang bagong arrangement Ethan - Ako - Bryce - Alexa

Susme, pano ako makakatulog nito? Di na nga ako nauuntog, naaalibadbaran naman ako sa naghaharutan dito sa tabi ko, bwisit!

Napabulong tuloy ako ng "kelalandi" di naman siguro ako narinig ng mga katabi ko

"Hoy! Nakakalimot ka! I heard that, 30 seconds?" sabi ni Ethan..

"Inaantok ako" sagot ko habang nakapikit pa rin

"A deal is a deal"

"OKAY FINE!" napasigaw ata ako kaya lahat sila nakatingin sakin, pati si Kuya na nagda-drive, tinitingnan ako sa salamin...

And darn, I did that 30 seconds shit while all of them are looking, Lyle even took pictures, loko!

"What was that for?" intriga nanaman ni Kuya, di talaga to naniniwala na magkaibigan lang kami ni Ethan eh

"A deal" Ethan answered plainly

"So sweet naman! Diba babe? Mag ganon din kaya tayo? pleaseeeee" malanding tanong ni Alexa sa shota niyang may sabak din.

Di siya pinansin ni Bryce at sumandal na lang para matulog, pinatong niya rin yung bag niya sa lap niya, kaya nakapatong rin yun sakin, magrereklamo pa sana ako ,pero leche, inaantok na talaga ako.

"Sumandal ka na nga sakin, tss" sabib ni Ethan sabay kuha sa ulo ko (oo, tinanggal niya XD joke) so yun nga, sinandal niya na sakanya

"Peram isa" sabay kuha naman ng earphones ko, aba loko, pumayag na ba ko?

Ayoko na nga,inaantok talaga ako, bahala ka na sa buhay mo...

Inaantok na talaga ako, kinakanta pa ni Ethan yung tumutugtog sa phone ko, double dead na.

"Can we go back to the days our love was strong ? Can you tell me how our perfect love goes wrong?" kanta niya sa chorus

"Pinagpalit mo kasi ako kay Jhanella" napatingin siya sakin, ramdam ko rin yung paglingon nila "JOKE LANG!" dugtong ko, haha, wrong timing ka naman mag joke Cyan, ang tanga mo, you know XD

"Jh-Jhanella?" sabi ni Bryce

Di ko siya pinansin, so kilala niya si Jhanella? Well, kilala ni Alexa si Jhanella, so malaki rin yung possibility na magkakilala si Jhanella at Bryce

Maybe... Maybe After All, It's Meant to Be... Maybe it's Really Destiny...Where stories live. Discover now