CHAPTER 1

3.8K 46 17
                                    

"FAYE!" Isang malakas na sigaw ang pumukaw kay Faye ng umagang iyon. Nagmadali siyang mag-ayos ng sarili dahil sigurado siyang nagwawala na naman sa galit ang magaling niyang asawa dahil tinanghali siya ng gising. Paano namang hindi, eh halos magdamag siya nitong sinaktan. Hindi siya agad nakatulog dahil sa mga pasa na natamo niya. Magdamag niyang ininda 'yun dahilan para siya ay mapuyat.

Madalas wala ito sa bahay nila dahil kay Celine ito umuuwi. Pero kagabi, umuwi itong lasing na lasing. Marahil ay nag-away na naman ang dalawa.

Nang makababa, nakita na niya itong nakaupo sa hapag-kainan. Bakas sa madilim nitong mukha ang galit at inis sa kaniya.

"Bakit tinanghali ka na naman ng gising? Nasaan na ang almusal ko?" pasigaw nitong tanong. Sa sobrang gulat ay hindi agad siya nakasagot. Mga ilang minuto pa bago niya nagawang salubungin ang tingin nito.

"P-Pasensiya na... hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi," mahinang paliwanag niya. Hanggang ngayon ay sariwa pa sa kaniyang alaala ang mga pananakit nito. Natatakot siya na baka saktan na naman siya nito. Masyado na siyang takot sa asawa niya. Sa loob ng ilang buwan nilang pagsasama. Wala araw na hindi siya nito sinaktan.

"Tsked. 'Di bale sa labas na lang ako kakain, ayoko ng makita 'yang pagmumukha mo, nakakasuka ka makita." Tumayo ito at tiningnan siya ng masama. "Kapag tinanghali ka pa ulit bukas, makakatikim ka na naman sa akin, kaya umayos ka." Dinuro pa siya nito bago tulyang umalis ng bahay.

It was harsh and painful, but Faye had to endure all the pain. Her life is still going on even though her husband hates her.

She signed. Siguradong pupunta ito ngayon sa kasintahan nito.

Faye looked at her body especially in her arms. Puno iyon ng pasa dahil sa mahigpit na paghawak sa kaniya ni Grey. Maging ang pisngi niya ay masakit dahil sa sampal na natamo niya kagabi. She feel ashamed for herself. Hinahayaan niya kasing tratuhin siya ni Grey na parang ibang tao. When the truth is, she should be respected. How can a husband like him, treat her like a trash. Like a slut woman.

Palagi siyang sinasaktan ni Grey tuwing mag-aaway sila ni Celine. Wala siyang kamalay-malay sa pinag-aawayan ng dalawa pero nadadamay siya. Is it her fault? What did she do? She always been faithful to Grey. She didn't cheat or date anyone. Hindi rin siya nakikialam sa relasyon ng dalawa. Kung tutuusin siya dapat ang magalit.

Nanghihinang napaupo siya sa silyang malapit sa gawi niya at saka wala sa sariling napahawak siya sa mga pasa na nasa braso.

Faye wiped her tears. "It's okay, Faye." Faye grabbed her chest and squeezed it as if she's having difficulty in breathing.

Naalala niya ang nangyari kagabi. Hindi na niya mabilang kung ilang sampal at pambubugbog ang natamo niya mula rito. Minsan pa siya nitong kinulong sa basement at hindi pinakain. Hindi niya alam kung alam ba ito ni Manang. Magaling magtago ng sekreto ang asawa niya kaya hindi na siya magtataka kung walang alam si Manang.

Nagagawa lang naman siya nitong saktan kapag lasing ito. Pero dahil halos araw-araw itong lasing araw-araw din siya nitong sinasaktan. Kagaya kagabi. Naglasing ito dahil nag-away daw sila ni Celine. Sa kaniya nito binubunton ang lahat ng galit at inis nito. Dahil siya daw ang dahilan kung bakit sila nag-aaway na dalawa.

Sanay na rin siya sa ganitong set-up nila. Normal na sa kaniya na makatanggap mula rito ng masasakit na salita maging ang pananakit nito. Maging ang puso niya ay tila namamanhid na sa sakit. Walang gabi na hindi siya umiyak. Pakiramdam niya ay nag-iisa siya at walang karamay. Mag-isa niyang nilalabanan ang sakit na nararamdaman. Walang alam ang pamilya niya dahil hindi naman siya nagsasabi. Ayaw niyang mag-alala ang mga ito sa kaniya kaya kapag alam niyang dadalaw ang mga ito. Tinatakpan niya ng make-up ang mga pasa niya para hindi nila makita.

FAYE THE UNLOVED WIFE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon