"SERIOUSLY ano pang ginagawa mo dito?" Binigyan niya ito ng masamang tingin. Ngayong nakita niya ulit ang dating kasintahan, parang gusto na naman niyang umiyak at magmukmok pero hindi nasasaktan pa rin siya kundi dahil nagagalit siya. Pero pinilit niya ang sariling patigasin ang mukha para naman maisip nito na wala na siyang pakialam.
Umupo siya sa tapat nito kung saan magkaharap silang dalawa. Parehong seryoso at walang mababasang emosyon ngunit si Celine din ang unang sumuko. Mabilis na nangilid ang luha nito saka unti-unting tumayo at lumuhod sa harapan niya.
"I'm sorry..." humihikbing sabi nito. "Hindi ko sinasadya, maniwala ka sa akin."
"Sorry? Ano naman magagawa niyang sorry mo? Mawawala ba niyan ang sakit na binigay mo sa akin. Dahil sa pagpili ko sa 'yo, nawala sa akin si Faye pati anak ko. Dahil sa 'yo iniwan niya ako. Mabuti pa umuwi ka na, wala kang mapapala dito." Tatayo na sana siya nang pigilan siya nito sa braso.
Hindi nito binitawan ang braso niya. Nakaluhod ito habang hawak-hawak ang isang braso niya gamit ang isang kamay nito habang ang isa naman ay sa laylayan ng t-shirt niya.
"P-Please makinig ka muna sa akin. Hindi ko sinasadya." Umiiyak ito at hindi niya 'yun kayang makita. Kahit papaano ay minahal niya ito at pinahalagahan pero 'yung sakit na nararamdaman niya, hindi niya 'yun kayang kalimutan na lang basta.
"Bitawan mo ako," matigas na sabi niya. "Umalis ka na."
Pero hindi nakinig si Celine. "Hindi mo ba gustong marinig ang dahilan kung bakit ko nagawa 'yun." Natigilan siya. Oo, gusto niyang marinig pero natatakot siyang malaman ang totoo, na niloko lang talaga siya nito.
Huminga siya ng malalim bago muling harapin ang dalaga. "Then explain why? Bakit mo ako niloko?"
"Thank you," ani Celine.
"I don't need your thank you," naiinis na sabi niya. "Just tell me why you lied to me?"
"Okay," huminga ito ng malalim. Siya naman ay naupo sa dati niyang upuan at gano'n din ang ginawa si Celine. "Una, gusto ko munang mag-sorry—"
Pinutol niya ang sinasabi nito. "Pwede bang itigil mo na ang kaka-sorry. Narinig ko na 'yan. Just get straight to the point."
"O-Okay," nauutal na sabi nito. Tinaasan niya ito nang kilay ng makita niyang nag-aalangan pa itong magsalita.
"Magsasalita ka ba o hindi, kasi sinasayang mo lang ang oras ko." Naiinis na talaga siya sa babaeng ito.
"G-Grey kasi nagawa ko lang iyon dahil sa mga magulang ko." Tuluyan na itong umiyak at tila nahihirapan pang magsalita. "Gusto nilang magkatuluyan tayo dahil mayaman ang pamilya niyo. Nagawa ko 'yun dahil sa pera pero hindi ko 'yun ginusto. Sinusunod ko lang lahat ng utos nila sa akin. I'm sorry, I'm so sorry, Grey. I'm sorry."
"Dahil sa pera? What the...?" The hell! Because of money?
"I'm sorry! Kailangan ko lang gawin 'yun para sa parents ko. Maniwala ka, hindi ko gustong saktan ka," umiiyak na paliwanag nito.
Nakagat niya ang sariling labi sa pagpipigil na masigawan si Celine. Hindi siya makapaniwala. Wala siyang ginawa kundi mahalin ito pero pera lang pala ang habol nito sa kaniya.
"Grey, I'm sorry..."
"Tangina naman Celine, dahil lang sa pera? Alam mo bang sobra kitang minahal? Tapos sasabihin mo sa akin, nakipag-relasyon ka lang sa akin dahil sa lintek na pera na 'yan." Hindi na niya napigilan ang magmura sa sobrang galit at inis na nararamdaman niya. "Sabihin mo nga sa akin, minahal mo ba talaga ako?"
Nakita niyang magulat si Celine sa tanong niya. "Grey..."
Mapakla siyang tumawa. "Fine. Don't answer it. Mukhang alam ko na ang sagot."
BINABASA MO ANG
FAYE THE UNLOVED WIFE (Completed)
RomanceBeing in love is nice, but it hurts when the person you love, loves someone else. *** Sabrina Faye Ferrer, is a kind of woman with a golden heart. She's pure and innocent in all aspects. But even though she was a good daughter, her parents still mar...