KINAGABIHAN dumating si Grey sa bahay para sunduin siya ngunit hindi niya ito pinansin. Dumiretso siya sa kaniyang sasakyan at akmang papasok na nang hilahin siya nito.
"Ano ba?" malakas na sigaw niya. "Hindi ka ba makaintindi na ayaw kong sumabay sa 'yo."
"Faye please..." pakiusap nito. Aba tingnan mo nga naman. Marunong pala itong makiusap. "Baka mapahamak ka. Hindi ka pa magaling."
"Concern citizen ka na ngayon? Anong nangyari? Nabagok ba ang ulo mo? Sa pagkakatanda ko kasi ako 'yung nahulog sa hagdan," sarkastikong aniya. "Pasalamatan ka at hindi ko inireklamo ang kabit mo pagkatapos ng ginawa niya sa akin."
"Faye, makinig ka naman sa akin," aniya na nakikiusap.
"Pwede ba tigilan mo 'yan dahil hindi bagay sa 'yo." Pero hindi ito nakinig sa kaniya at nagpumilit pa rin na i-sabay siya.
"No. Sa akin ka sasabay," seryosong sabi nito. Pwersahan siya nitong pinasakay sa kotse.
"So, pipilitin mo na naman ako sa isang bagay na hindi ko gusto, gano'n ba?" Umiiling na tumingin siya sa harapan ng sasakyan. Naalala niya ang ginawa nitong pag-angkin sa kaniya. Dahil doon nabuhay ang galit niya para dito.
"Faye, hindi tayo pwedeng humarap sa parents mo ng ganito tayo."
Nilingon niya ito ng may hindi makapaniwalang tingin. "Wala akong pakialam. Hindi ko na ulit pipilitin ang sarili kong magpanggap na okay tayo. Ayoko ng magpanggap na masaya ako dahil hindi naman talaga ako masaya. Ayoko ng maging sunod-sunuran sa 'yo," malamig na sabi niya.
"Faye..." malamlam ang mga matang sabi nito pero hindi siya madadala sa paawa nito. Ang kapal ng mukha.
"Let's go para matapos na 'to." Pagod na siyang makipag-usap dito. Sawang-sawa na siya. Nakakapagod.
Nang makarating sila sa bahay ng parents niya agad siyang sinalubong ng ina niya na may ngiti sa labi.
"I miss you my daughter." Niyakap siya ng kaniyang ina pero wala siyang maramdamang kahit na katiting na tuwa. Kung dati nagagawa niyang tumawa at ngumiti sa harap ng mga ito, ngayon ay hindi na niya magawa. Kagaya ng sinabi niya kay Grey hindi siya ngumiti o tumawa dahil hindi naman iyon ang tunay na nararamdaman niya.
"Anak, are you okay?" nag-aalalang tanong ng kaniyang ina. Mukhang napansin nito ang pananahimik niya.
"Yeah, I'm okay. I'm very okay," sagot niya. "Please excuse me I need to go to the bathroom."
Mabilis siyang nagtungo sa banyo. Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Hindi niya kaya. Akala niya, kaya niyang tagalan ang presensiya ni Grey pero kahit anong gawin niya ay apektado pa rin siya. Wala sa sariling kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Gab.
"Please, pick me up. I'm here at my parents house."
"Okay," tanging sagot nito.
Huminga siya ng malalim bago bumalik sa dining. "Sorry Mom, Dad, but I need to go. Masama po talaga ang pakiramdam ko," palusot niya. Tiningnan niya si Grey na seryosong nakatitig sa kaniya. Nagtatanong ang mga mata dahil sa biglaan niyang paalam. Even her parents is asking why?
"Kung gano'n sasabay na ako," sabat ni Grey ngunit agad siyang tumanggi.
"No need. I can handle myself just fine." After that she went out and waited for Gab to arrived.
"Faye," habol nito. "Ako ang kasama mong pumunta dito tapos iiwan mo ako. Saan ka sasakay? Gabi na." Hindi siya sumagot.
After a few minutes dumating si Gab. "Let's go, Gab," malamig na aniya saka sumakay sa kotse nito.
BINABASA MO ANG
FAYE THE UNLOVED WIFE (Completed)
RomanceBeing in love is nice, but it hurts when the person you love, loves someone else. *** Sabrina Faye Ferrer, is a kind of woman with a golden heart. She's pure and innocent in all aspects. But even though she was a good daughter, her parents still mar...