CHAPTER 5

2.8K 36 11
                                    

HUMAHANGOS na pumasok si Grey ng ospital kung saan naroon ngayon ang asawa niya. Nagtanong siya sa nurse station kung anong room number ni Faye. At halos takbuhin niya ang kuwarto nito sa sobrang pag-aalala. Nang makapasok sa loob, agad niyang nakita si Manang na nakabantay sa natutulog na si Faye.

Naantig ang konsensiya niya sa nakitang kalagayan ng asawa. Naka-benta ang ulo nito at may ilang galos sa braso. Wala sa sariling nilapitan niya ito at doon pa lang siya nakita ni Manang.

"Grey, pasensiya ka na kung ikaw ang tinawagan ko. Wala pa ang mga magulang niya dito sa pilipinas kaya sa 'yo ako tumawag. Wala naman akong contact sa magulang mo at sa sobrang taranta hindi ko na malaman ang gagawin," lumuluhang sabi nito dahilan para maisip niya na gano'n ba siya kawalang kwenta pagdating kay Faye. Na wala siyang pakialam sa asawa niya para hindi nito maisip na tawagan siya.

Mukhang malalim na ang sugat na iniwan niya sa mga ito, na akala niya ay maliit na bagay lang. Kung sabagay, hindi naman talaga katanggap-tanggap ang mga ginawa niya kay Faye.

"Okay lang Manang, paano niyo pala siya nadala dito?" Pag-iiba niya sa usapan. Wala silang driver kaya mahirap para kay Manang na dalahin sa ospital ang asawa niya.

"Si Gab, mabuti na nga lang at bumalik ang batang 'yun sa bahay," simula nito saka muling tiningnan ang natutulog na si Faye.

"What do you mean Manang?" Ang lalaking iyon na naman. Magkasama ba sila?

"Magkasamang umuwi ang dalawa sa bahay. Hinatid niya si Faye. Kakaalis lang ni Gab sa bahay nang dumating si Celine. Nag-away ang dalawa at hindi sinasadyang naitulak nito si Faye. Sakto namang bumalik si Gab dahil may nakalimutan daw ito," she explained. "Kaagad naming dinala sa ospital si Faye nang makita naming wala siyang malay."

Naikuyom niya ang mga kamao sa galit. Sinasabi na nga ba, pero ang mas nagpa-inis sa kaniya ay ang kaalamang ang lalaking iyon ang nagdala sa asawa niya sa ospital. Bakit sila magkasama? Bakit nasa labas ng bahay si Faye?

"Aalis po muna ako Manang," paalam niya. Hindi niya alam kung para saan ba ang galit na iyon. Bakit sobra-sobra ang concern niya kay Faye na palagi naman niyang sinasaktan. Kung tutuusin ay mas sobra ang ginawa niyang pananakit dito.

"Celine let's talk!" sigaw niya nang nasa labas na siya ng unit ni Celine habang panay ang katok. "Mag-usap tayo!"

"Hey babe you miss me? Isang linggo kang hindi nagpakita sa akin," sabi nito nang pagbuksan siya ng pinto. Hindi niya ito sinagot.

Mabilis niya itong hinawakan sa mga braso. "What did you do? Huh?" He shouted at her in so much anger.

Nangunot ang noo nito. "Are you mad?"

"Obviously, yes!" matigas na tugon niya. Nanggigigil siya kaya hindi niya napansin ang mahigpit na hawak niya sa braso nito.

"Why? Aren't you happy? Malapit ng matupad ang hiling mo na magkahiwalay kayo."

"What?" Nagulat siya.

"You seemed shocked?" nakangiting aniya. "Hindi ba iyon naman ang plano mo, ang pahirapan siya. Iyon nga lang masyado akong nainip kaya ako na ang gumawa ng paraan. Masyado ka kasing mabagal."

"Anong sinabi mo sa kaniya?"

"Nothing important, sinabi ko lang naman na hiwalayan ka na niya dahil hindi mo siya mahal at ako ang mahal mo." Lumayo ito sa harap niya bago muling nagsalita at humarap sa kaniya. "At alam mo ba ang naging reaksyon niya? She looks hurt. I can see the pain in her eyes. Pero kahit gano'n nagawa pa rin niyang lumaban. Sabi niya 'I am just your mistress' kaya nainis ako and I accidentally push her kaya nahulog siya sa hagdan."

FAYE THE UNLOVED WIFE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon