CHAPTER 17

2.2K 28 1
                                    

"MOMMY!" sigaw ng kambal. Tumatakbo ang mga ito papunta sa kanilang ina. Kasalukuyan naghahanda si Faye ng mga damit na dadalahin nila pauwi ng pilipinas.

Kailangan nilang umuwi sa kadahilanang hindi niya malaman kung ano. Kagustuhan iyon ng kaniyang ama at hindi niya alam kung bakit biglaan. Ang alam niya maayos naman ang naiwang negosyo nito sa pilipinas. Nakapagtataka.

"Mommy, is it true that we're going to the Philippines?" masayang tanong ng kaniyang anak na si Samuel.

"Yes baby," nakangiting sagot niya.

"Really Mommy? Makikita na ba namin si Daddy?" Hindi niya inaasahanng magtatanong ng gano'n ang kaniyang anak. Hindi tuloy niya malaman ang isasagot. "Sabi po kasi ni Lolo at Lola nasa Philippines daw po ang Daddy namin. I want to meet him Mommy."

"W-What?" Pilit ang ngiting aniya sa anak.

"Kasi Mommy bakit 'yung ibang bata may Mommy na, may Daddy pa pero bakit kami wala."

Nasaktan siya nang makita kung gaano kalungkot ang anak niya. Bilang ina, masakit 'yun para sa kaniya. Parang hinahati ang puso niya.

"Gusto rin namin magkaroon ng Daddy. Bakit ba siya wala dito, Mommy. Hindi ba niya kami love?"

Ngayon lang nagtanong ng ganito ang anak niya. Hindi siya handa sa bagay na ito. Hindi niya naman pwedeng sabihin ang totoo. Hangga't maaari ayaw na niyang balikan ang nakaraan.

Ngunit paano nga kung magkita-kita sila sa pilipinas. Anong gagawin niya? Itatago ba niya ang mga anak? Pero ito pa rin ang tatay ng mga bata at may karapatan ito bilang ama. Kahit anong gawin niya, may posibilidad na magkita ang mga ito.

Kung mangyayari man 'yun, pagbibigyan niya ang mga anak na makilala ang ama nila pero hindi niya maipapangako na mapapatawad niya ito. Ayaw niyang kamuhian siya ng mga anak niya kung ilalayo niya ang mga ito sa tunay nilang ama.

"Oh, bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ng Mommy niya nang makababa siya. Nasa sala na silang lahat at handa na sa pag-alis.

Tiningnan niya ang kaniyang ina na may ngiti sa labi. "Mom, bakit niyo naman sinabi sa mga anak ko na nasa pilipinas ng Daddy nila? Umaasa tuloy 'yung dalawa."

"Oh. Anong masama do'n? Nasa pilipinas naman talaga si Grey."

Napabuntong-hininga siya. "Mom..."

"Faye, limang taon na ang lumipas. Hindi mo pa rin ba siya napapatawad? Nagsisimula ng magtanong ang mga anak mo. Anong gusto mong sabihin ko? Faye, may karapatan ang anak mo sa Daddy nila. Kailangan nila ang tatay nila."

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang kaniyang ina. "Bakit, Mom? Napatawad niyo na ba siya? Kasi ako hindi ko kaya."

"Faye..."

"Ayoko na siyang pag-usapan, Mom."

Nauna na siyang lumabas ng bahay. Naiinis siya dahil parang balewala na sa magulang niya ang ginawang pananakit sa kaniya ni Grey.

"Mommy, aalis na po ba tayo?" tanong ni Samuel.

"Yes, baby."

"Makikita na namin si Daddy?" tanong naman ni Samantha.

Napapikit siya ng hindi malaman ang isasagot. "No, baby. Hindi niyo siya makikita."

Agad na bumukas ang lungkot sa mukha ng dalawang bata. Na-konsensiya siya sa sinabi niya pero ayaw niyang paasahin ang mga ito.

"Why, Mommy?" malungkot na tanong ni Samuel.

"Mommy, sabi niyo makikita na namin siya?" inosenteng tanong naman ni Samantha.

FAYE THE UNLOVED WIFE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon