NAGISING si Faye dahil sa ingay na naririnig sa baba. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at saka bumangon. Malaki na rin kasi ang tiyan niya kaya kailangan niya ng matinding pag-iingat.
Kabuwanan na niya at anytime maaaari siyang manganak. Excited na siyang makita ang kambal pero natatakot din siya. Nang malaman niyang hindi lang isa ang dinadala niya, nagkaroon siya ng matinding takot. Marami kasing nagsasabing masakit ang manganak, lalo kung first time mo.
Napabuntong-hininga siya sa naisip. Winaksi niya iyon sa isip at naligo lang saka nag-ayos ng sarili. Pagkatapos niyang maglinis ng sarili, bumaba siya upang tingnan kung ano ang pinagka-kagulahan sa baba.
"Anak, dahan-dahan lang." Saway ng kaniyang ina nang makita siya nitong nagmamadali sa pagbaba. Abala ito sa pagde-dekorasyon ng bahay.
Luminga siya sa paligid at nang tumigil ang paningin niya sa sala, nakita niya ang nakangiti at napakaguwapong nilalang na nakaupo sa isa sa mga sofa. Si Gab. Mabilis ang kilos na nilapitan niya ang binata. Ni hindi niya naisip na buntis siya. Excited kasi siyang makita ito. Tatlong araw lang ito nawala pero miss na miss na niya ito.
"Hi Faye!" nakangiting bungad sa kaniya ni Gab. "Huwag kang tumakbo, baka madapa ka."
Niyakap niya ito nang sobrang higpit. "Na-miss kita," aniya.
Ngumiti ito, iyong ngiti na kita ang mapuputi nitong mga ngipin. "Tatlong araw lang ako nawala, Faye." Tila natatawa ito sa sinabi niya.
"Wala kang pake," nakangusong sabi niya. Tiningnan niya ang mga pagkaing nasa lamesa sa sala. "Sa 'yo ba 'yun?" Turo niya sa mga pagkain.
"Yeah and that was for you."
Natuwa siya sa narinig. "Really?
"Yes," nakangiti na namang sabi nito. "You know what? Na-miss din kita. Payakap nga."
Narinig niyang magbulungan ang mga katulong. Tila mga kinikilig ang mga ito.
"Uy si Ma'am." Natawa na lang siya sa mga ito. Sana pala si Gab na lang ang minahal niya noon pa, eh di sana hindi na siya nasaktan. Naalala na naman niya ito. Sa ilang buwan nilang pananatili sa America, walang araw na hindi niya ito naalala. Inaamin niyang kahit galit siya dito, may mga oras na nami-miss niya ito. Kahit na sinaktan siya ni Grey ito pa rin ang laman ng puso niya.
"Natahimik ka?" ani Gab.
Napakurap-kurap siya. "H-Hindi ah!" tanggi niya. Bwesit. Bakit kailangan pa niyang maalala ang lalaking 'yun. Nakakasira ng araw.
"Kinikilig ka 'no?"
"Uy hindi ha umayos ka nga," kunwari naiinis na sabi niya. Minsan talaga may pagkamakulit si Gab, isa 'yun sa mga dahilan kung bakit magkasundong-magkasundo sila.
Natawa ito. "Kumain ka na ba? Halika kain tayo, marami akong pasalubong sa 'yo."
"Halika na nga, samahan mo akong kumain." Aya niya dito. Nitong mga nakaraang buwan, gustong-gusto niya talagang kasama si Gab. Sabi ng Mommy niya baka daw pinaglilihian niya ang binata. Pwede pala 'yun. Napanguso siya. Kung nandito kaya si Grey, gagawin din kaya nito ang mga ginagawa sa kaniya ni Gab. Ibibigay din kaya nito lahat ng mga hiling niya, lahat ng gusto niyang kainin.
Huwag ka ng umasa Faye. Siguradong masaya na ito sa buhay nito dahil wala na siya.
Pero bakit gano'n? Kahit anong tanggi niya talagang ito pa din ang gusto niyang makasama. Bumuntong-hininga siya. Makakalimutan niya din ito. Hindi man ngayon, siguro bukas o sa susunod pang mga araw.
Habang kumakain sila ni Gab naramdaman niyang kumirot ang tiyan niya. Napahawak siya doon at tiniis ang naramdamang sakit. Inisip niyang baka sumipa lang ang mga anak niya pero ilang segundo pa ang lumipas nang maramdaman na naman niya ang sakit.
BINABASA MO ANG
FAYE THE UNLOVED WIFE (Completed)
RomanceBeing in love is nice, but it hurts when the person you love, loves someone else. *** Sabrina Faye Ferrer, is a kind of woman with a golden heart. She's pure and innocent in all aspects. But even though she was a good daughter, her parents still mar...