CHAPTER 25

2.1K 33 2
                                    

ILANG ARAW at linggong nag-isip si Faye sa kung anong gagawin niya ngunit walang pumapasok sa utak niya. Isa lang kasi ang naiisip niyang paraan para matigil na siya sa pag-iisip ng kung ano-ano at 'yun ay patawarin si Grey. Pero hindi ibig sabihin no'n ay tatanggapin na niya ito ulit sa buhay niya at hahayaang saktan na naman siya kung sakali. Gagawin niya lang kung anong tama para sa mga anak niya.

Tinanaw niya ang tatlo na naglalaro na naman sa labas. Makikita ang saya sa mukha ng mga anak niya kaya mas lalong tumitindi ang kagustuhan niyang patawarin si Grey kahit para sa mga anak lang niya.

Hanggang sa mga oras na 'yun, iniisip pa rin niya ang maaaring mangyari sakaling magkaayos sila ni Grey. Maaaring makabuti 'yun at maaari din namang hindi.

Huminga muna siya ng malalim bago lapitan ang mga ito at kausapin si Grey.

Habang lumalapit siya sa mga ito pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya. Ilang araw na rin mula ng iwasan niyang madikit kay Grey. Sa tuwing kakausapin siya nito palagi siyang umaalis dahil hindi pa siya handa. Natatakot siyang baka madulas ang bibig niya at masabi dito ang isang bagay na matagal na niyang tinatago.

Pero sabi nga nila. 'If you really love that person then you should fight and take the risk.'

But for them it's totally different. Really different.

Muli siyang huminga nang malalim at pabuntong-hiningang pinuntahan ang mag-a-amang naglalaro sa may garden.

Tinawag niya ang dating asawa. "Grey, pwede ba tayong mag-usap?" seryosong tanong niya kaya naman mabilis na lumapit sa kaniya si Grey.

Natigilan si Grey pero agad ding nakabawi. "Yeah sure. Why not."

Napalingon si Faye sa anak na lumapit sa kanila.

"Mommy, want to join us?" sabi ni Samatha.

"Uhm no." Tinitigan niya si Grey sa mga mata. "I just want to talk to your, Dad," aniya habang titig na titig pa rin kay Grey.

Nagulat si Grey dahil masyadong seryoso ngayon si Faye. Nitong mga nakaraan lang ay panay ang iwas nito sa kaniya kaya't naninibago siya. "You want to talk to me? Why? May problema ba?"

"No. Kailangan lang talaga kitang makausap," seryosong sabi ni Faye "Pwede naman 'di ba?"

"Of course, yes." Binalingan ni Grey ang kambal. "Kids, mag-uusap lang kami ni Mommy, okay lang ba?"

"Yes po." Magkasabay na tugon ng dalawang bata pagkatapos ay tumakbo ang mga ito papasok sa loob ng bahay.

"Anong gusto mong pag-usapan?" kinakabahang tanong ni Grey nang mawala sa paningin nila ang kambal.

"About us," sagot niya. "I was thinking about our family and I think you're right."

"And?" Tila hindi na ito makapaghintay sa susunod niyang sasabihin.

"Grey, alam mo kung gaano akong nasaktan, pero tiniis ko lahat ng 'yun dahil..." Napaiwas siya ng tingin ng hindi niya madugtungan ang sinasabi.

"Dahil?"

Nakagat ni Faye ang sariling labi saka nakapikit na dinugtungan ang sinasabi kanina. "Dahil mahal kita."

Natigilan si Grey sa narinig niya. Nabigla siya sa ipinagtapat nito. Hindi niya inaasahang sasabihin nito 'yun. Hindi siya nakapaghanda.

"Uhm... really?" Hindi alam ni Grey kung tama ba ang sinabi niya mukha kasing hindi 'yun nagustuhan ni Faye kaya binawi niya. "I mean I'm happy to hear that because I love you too."

"You do?" emosyonal na tanong ni Faye. Gusto niyang malaman ang buong katotohanan. "Mahal mo ba talaga ako? Hindi ka ba napipilitan lang dahil ako ang ina ng mga anak mo? I mean ayaw mo sa akin 'di ba? Si Celine ang mahal mo. Bumabalik ka ba sa akin dahil wala na kayo."

FAYE THE UNLOVED WIFE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon