CHAPTER 10

2.9K 35 10
                                    

KINABUKASAN inaasahan na ni Faye na darating si Grey. Malamang na tungkol sa annulment ang pag-uusapan nila. Napansin niya rin ang hawak nito. Mukhang nahuhuluan na niya ang maaaring laman niyon.

"Why are you here?" malamig na tanong niya. Kung kinailangan niyang mag mukhang matapang sa harap nito, gagawin niya. Ayaw niyang magmukhang talunan. Ayaw niyang isipin nito na mahina siya. Simula sa araw na 'to, pinapangako niya sa sarili na hindi na siya magpapa-apekto dito.

"I'm here to give you this." napatingin siya sa inabot nitong envelope. Kinuha niya iyon at binasa. Tama nga siya. Isa iyong annulment paper ngunit bakit wala pa iyong pirma ni Grey.

"Hand me your pen," aniya habang binabasa pa rin ang mga nakasulat doon.

"What?" nagugulat nitong tanong.

Nang hindi nito inabot sa kaniya ang hawak nitong ballpen siya na mismo ang kumuha niyon at mabilis na pinirmahan ang annulment paper. "There, I signed it," sabi niya sabay abot niyon kay Grey. "Siguro naman ay magiging masaya ka na."

"Iyon na 'yun?" mukhang nagulat pa ito.

Tumaas ang isang kilay niya. "Bakit? May iba pa ba akong dapat gawin?" nagtatakang tanong niya.

"Wala ka man lang bang sasabihin tungkol sa pinagbubuntis mo. Hindi mo man lang ba ipaglalaban ang karapatan niya bilang anak ko?"

Natawa siya. "Bakit pa 'di ba? Ikaw na rin mismo ang nagsabi na hindi ikaw ang ama nito, kaya bakit ko pa ipipilit. Kung ayaw mo sa anak ko, hindi na kita pipilitin. Ngayong pinirmahan ko na 'yan pwede ka ng umalis. Ayoko na rin makita ka pa, kahit na kailan, goodbye."

Tinalikuran na niya ito at iniwang tulala. Kahit na masakit at mahirap talikuran ang lalaking mahal na mahal na niya, pinilit niya ang sarili na iwan ito, kahit na gustong-gusto niya itong yakapin at sabihing siya na lang ang piliin.

Sa ilang buwang pagsasama nila, hindi pa niya naranasang mayakap ito. Kung ano bang pakiramdam habang niyayakap nito. Hindi niya alam kasi hindi sila gano'n. Mag-asawa lang kasi sila sa papel.

Pabuntong-hiningang bumalik siya sa sariling silid at doon binuhos ang lahat ng sakit. Sana bukas okay na siya. Sana wala na ang sakit. Nakakapagod ding umiyak nang umiyak at magkulong sa loob ng kuwarto.

You'll be okay, Sabrina Faye. You'll be okay. Kaya mo 'to. You can do this.

Ang mahalaga malaya na siya. Hindi na siya masasaktan ulit ni Grey. She can do everything she wants now and that is to be happy again, with her baby this time.

Napangiti siya ng maisip na magiging Mommy na siya pero sa totoo lang natatakot din siya. Hindi niya alam kung magiging mabuting ina ba siya pero kahit ano pa 'yan gagawin niya para sa anak niya. Kahit mahirap, kakayanin niya.

ILANG araw na ang lumipas mula ng mag-usap sila ni Faye. Hindi pa rin siya makapaniwalang pinirmahan nito agad ang annulment nila. Kung totoo ang sinabi sa kaniya ng Daddy nito na mahal siya ni Faye bakit hindi nito ipaglaban ang karapatan nito? Bakit ang bilis nitong sumuko? Pero kung sabagay kahit naman siya mapapagod. Ang tanga-tanga niya kasi eh.

Napabuntong-hininga siya.

Gusto niyang marinig mula sa bibig nito ang buong katotohanan. Gusto niyang malaman kung talagang mahal siya ni Faye. Gusto niyang masagot ang mga tanong sa isip niya. Gusto niyang puntahan si Faye at magtanong ngunit nauunahan siya ng takot. At para saan pa ba kung itatanong niya 'yun? What's the use? Pinagtabuyan na niya ito.

Siguradong galit na galit na ito sa kaniya. Sa dami ba naman ng kasalanan niya. At sa kabila na mga sinabi at pambubugbog sa kaniya ng ama ni Faye, nagawa pa rin niyang papirmahin ito sa annulment paper na hanggang ngayon ay hindi pa niya napipirmahan. Naguguluhan pa rin kasi siya kung tama pa bang ituloy 'yun.

FAYE THE UNLOVED WIFE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon