KAKAGISING lang ni Faye nang tumawag si Grey. Ilang linggo na rin itong panay ang tawag sa kaniya kahit hindi naman kailangan.
"Hello?" nakapikit na sagot niya sa tawag. "Ang aga-aga ah!"
Napangiti si Grey na nasa kabilang linya. "Nagising ba kita? Pasensiya ka na ah. Na-miss lang kasi kita."
Napairap si Faye sa narinig. "Pwede ba, Grey. Huwag mo nga akong pinagloloko. Kahapon lang ay magkasama na tayo."
"Eh sa nami-miss na nga kita. Anong magagawa ko kung 'yun ang nararamdaman ko?"
"OA." Bulong ni Faye na mukha narinig naman ni Grey sa kanila linya.
Mapapansin talaga ang pagiging sweet ni Grey sa kaniya na hindi niya akalain na sweet pala ito. Ang alam niya kasi ay magaling lang ito sa pananakit ng babae.
"Totoo naman ah," nakasimangot ng sabi ni Grey ngunit agad ding nagseryoso. "Faye, pwede ba tayong magkita ngayon?"
Napabangon si Faye sa tanong nito. "Hindi pwede."
"Bakit naman hindi? Naniniwala ka ba talaga sa mga pamahiin ng matatanda?"
Bukas na kasi ang kanilang kasal kaya pinagbawalan na silang magkita.
"Oo," mabilis na sagot ni Faye. "Ngayon lang naman eh. Bukas magkikita na ulit tayo."
Napabuntong-hininga si Grey saka napipilitang tumango kahit hindi naman siya nakikita ni Faye. "Okay. Basta bukas sisipot ka ah."
"Pwede ba Grey, sumipot man ako o hindi kasal pa rin ako sa 'yo."
Napanguso si Grey. "Para mo na ring sinabi na hindi ka pupunta."
"Ano ba! Syempre sisiputin kita."
"Okay. I love you."
"Yeah."
"'Yun lang?" medyo iritadong tanong ni Grey. "Walang 'I love you too'?"
Umiling si Faye na parang nakikita siya ni Grey. "Wala. Bukas na lang tinatamad na akong makipag-usap sa 'yo. Inabala mo ang tulog ko."
"Oh. Sorry. My bad. See you tomorrow."
"Yeah whatever." Inis na binaba ni Faye ang tawag saka bumalik sa pagkakahiga at natulog. Inaantok pa siya dahil marami siyang ginawa kahapon. Marami silang inasikaso tungkol sa kasal nila ni Grey kaya kulang talaga siya sa tulog.
Samantala nagtataka namang tiningnan ni Grey ang kaniyang cellphone nang babaan siya ng telepono ni Faye.
Napailing na lang si Grey dahil sa naging takbo ng usapan nila.
"Oh ba't ganyan ang mukha mo?" tanong ni Khenzo na kasama ngayon ni Grey sa bahay niya.
"Binabaan ako eh."
Natawa si Khenzo. "Oh ano naman ngayon?"
"Paano kung hindi niya ako siputin bukas? Paano kung umatras siya? Paano kung hindi pala niya ako mahal?" sunod-sunod na sabi ni Grey dahilan para mangunot ang noo ni Khenzo.
"What are you saying?" Kunot noong napailing si Khenzo kay Grey. "You're just paranoid. Kung ano-ano kasi ang iniisip mo. Halika, mag-celebrate na lang tayo. Halika!"
Hinila ni Khenzo si Grey paupo sa sofa nito sa sala saka binigyan ng beer na kinuha pa ni Khenzo sa fridge.
"Ayokong uminom!" Awat ni Grey sa kaibigan. "Baka malasing ako eh."
"Hindi ka malalasing, pangako."
May dudang tiningnan ni Grey si Khenzo. "Sigurado ka ah. Pag ako nalasing at hindi naka-attend bukas, kasalanan mo."
BINABASA MO ANG
FAYE THE UNLOVED WIFE (Completed)
RomantizmBeing in love is nice, but it hurts when the person you love, loves someone else. *** Sabrina Faye Ferrer, is a kind of woman with a golden heart. She's pure and innocent in all aspects. But even though she was a good daughter, her parents still mar...