MASAYANG sinalubong ni Rowena- ina ni Grey ang kambal sa gate pa lamang ng bahay nila. Talagang ang saya sa mukha ng ginang ay hindi matatawaran.
"Diyos ko ang mga apo ko!" Agad nitong niyakap ang dalawang bata na hindi alam ang gagawin dahil nito kilala ang ginang na yumakap sa kanila. "Alam niyo ba kung gaano katagal akong naghintay, mayakap lang kayo."
"Hello po!" nakangiting bati ng dalawa.
Ngumiti si ang ina ni Grey na parang maiiyak. "Naku, ang cute-cute niyo naman. Mana kayo sa Mommy at Daddy niyo."
Sa sinabing iyon ni Rowena biglang nagtanong ang isa sa anak ni Grey, si Samuel. "Is Daddy here, Lola?"
Natahimik si Rowena sa tanong ng bata. Agad itong napatingin sa mga kasama nito na parang humihingi ng tulong.
"Samuel, busy ang Daddy kaya wala siya dito," paliwanag ng ina ni Faye na hindi na rin alam ang sasabihin dahil halos araw-araw ay iyon ang tanong ng mga bata.
"He always busy," nakasimangot na tugon nito na parang naiinis. "Kailan ba namin siya makikilala. Mommy always says he's busy too. Kailan siya hindi busy?"
Nagkatinginan ang dalawang ginang saka pabuntong-hiningang kinausap ang apo. "Baby, sa ngayon kami na muna ang makakasama niyo pero promise ni Lola sa susunod kasama na natin si Daddy."
"Really?" nakangiti ng tanong ni Samuel habang tahimik naman ang kakambal nito.
"Pasok na muna tayo sa loob," anang ama ni Grey na kanina pa tahimik ngunit kanina pa rin gustong yakapin ang mga apo.
Nang makapasok sila sa loob, namangha ang kambal sa nakita.
"Wow!"
Napangiti naman ang mga Lolo at Lola ng dalawa saka natatawang nilapitan ang kambal.
"Alam niyo mas maganda ang bahay ng Daddy niyo. Sigurado akong magugustuhan niyo din do'n."
"Kung gano'n po puntahan na lang natin si Daddy," ani Samuel bago nito kausapin ang kakambal. "Tara na, puntahan na natin si Daddy."
"No," ani Samantha na kinatigil ni Samuel. "Baka magalit si Mommy."
Nagkatinginan ang matatanda sa narinig dahil sa seryosong mukha ni Samantha.
"Bakit siya magagalit?" tanong ni Samuel sa kapatid.
"I don't know." Napanguso si Samantha sabay tingin sa kaniyang mga Lola bago muling tiningnan ang kapatid na lalaki. "But I've heard her crying last night because of Dad."
Nang marinig 'yun ng ina ni Faye agad nitong nilapitan si Samantha. "You heard your mother cry?" May pag-aalala sa tono nito.
"Yes po." Tumango pa dito ang bata.
"Then how did you know that it's because of your Dad."
"I heard her saying his name, Grey. That's our father's name, right? I also heard her talking to you the last night with Lolo."
Natameme ang Lola nito sa paliwanag ni Samantha. Mukhang sinundan nito ang ina nang gabing mag-usap sila kasama ng asawa.
"He hurt our Mom that's why she can't come here. She's crying because Daddy hurt Mommy and I hate him for making Mommy cry." Pagkatapos nitong sabihin 'yun ay bigla na lang itong tumakbo palayo sa kanila.
Napatingin silang lahat kay Samuel.
"Is that true?" tanong nito na parang maluluha na. "Sinaktan ba talaga ni Daddy si Mommy? Kaya ba hindi namin siya kasama?"
"Samuel..." Ngunit bago pa sila makapag-paliwanag tumakbo na rin ito palayo.
NAGPAPAHINGA na si Faye sa bahay nang tumawag ang ina niya.
BINABASA MO ANG
FAYE THE UNLOVED WIFE (Completed)
RomanceBeing in love is nice, but it hurts when the person you love, loves someone else. *** Sabrina Faye Ferrer, is a kind of woman with a golden heart. She's pure and innocent in all aspects. But even though she was a good daughter, her parents still mar...