"SAMANTHA, Samuel where are you?" sigaw ni Faye sa dalawang bata. Kanina pa niya hinahanap ang mga ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito nakikita. Sumasakit na ang ulo niya sa dalawang 'yun. Pinagtataguan na naman ba siya ng mga ito.
Hinanap niya ulit sa buong kabahayan ang kambal ngunit wala pa rin talaga ang mga ito. Kakauwi niya lang galing sa trabaho at inaasahan niyang sasalubungin siya ng mga ito ng isang mahigpit na yakap. Iyon kasi palagi ang ginagawa ng kambal tuwing umuuwi siya. Nakakawala rin kasi ng pagod kapag nakikita niya dalawa na may ngiti sa mga labi.
Kaya nakapagtatakang wala ang mga ito. Kahit ang mga kasambahay nila ay wala din. Ang Mommy at Daddy naman niya ay nasa business trip.
Nasaan ang mga anak niya?
Nag-u-umpisa na siyang kabahan. Hindi siya mapakali. Naiisip pa lang niya na nawawala ang kambal, hindi na agad niya alam ang gagawin. Nasaan na ba kasi sila?
Tinawagan niya ang ina na kaagad namang sumagot. "M-Mom..." naiiyak na agad niyang tawag sa ina. "Kasama niyo po ba ang kambal?" Nagbabakasali lang siya na baka isinama ang mga ito ang kambal.
"Hindi namin sila kasama."
"Mommy naman eh. Bakit wala sila dito sa bahay? Nag-aalala na ako dito."
"Relax anak, huwag ka mataranta. Mabuti pa pumunta ka sa restaurant na ite-text ko sa 'yo." Feeling niya nakangiti ito habang siya ay alalang-alala na.
"Mommy wala na akong oras para pumunta ng restaurant. Nawawala ang mga anak ko."
"Naku Sabrina Faye, sige na at pumunta ka na sa restaurant na sinasabi ko, your son and daughter will be waiting for you. Bye, anak." Binaba na nito ang tawag.
What? What was that? What the hell is happening?
Marahas na bumuntong-hininga siya saka inayos ang sarili. She has no choice but to go there.
Nang makarating siya doon, nakita niya agad ang ina. Nakangiti ito sa kaniya na ginantihan niya nang mas matamis na ngiti.
"Mom, why are you here? I thought you and Dad had a business trip conference?" nakakunot ang noong tanong niya sabay linga sa paligid. "And where's my son and daughter?"
Ngunit makahulugang ngumiti lang ang ina niya. "You'll see." Iniwan na siya nito pagkasabi no'n.
"M-Mom..." Ngunit agad siyang natigilan nang makita ang kambal na may dalang mga bulaklak. Pareho itong may dalang bulaklak at halos hindi na niya makita ang mukha ng dalawa dahil sa laki nang dala ng mga ito. Gusto niyang matawa sa itsura ng mga anak. Ang cute.
Noon niya lang napansin ang nakalagay na banner sa gitna. 'Happy Birthday Sabrina Faye'
"Happy birthday, Mommy." Sabay na inabot ng kambal ang mga dalang bulaklak. Nang yakapin niya ang mga ito doon lang siya nakaramdam nang kapayapaan. Pareho niya itong hinalikan sa noo saka muling niyakap.
"Thank you babies. Birthday ko pala ngayon," natatawang sabi niya. Hindi niya naalala na ngayon pala iyon.
"Have you forgotten your birthday Mommy?" inosenteng tanong ni Samantha.
"Yeah, matanda na kasi si Mommy," natatawang sagot niya sa anak na babae.
"But you're too pretty to be old," sabi naman ng anak niyang lalaki, si Samuel. Ito ang mas matanda sa dalawa. Mas nauna niya kasi itong nailabas.
"Kayo talaga," ginulo niya ang buhok ng dalawa saka nagtanong, "so sino ang may pakana nito?" tanong niya sa dalawa.
"Si Tito Ninong Gab po," magkasabay na tugon ng kambal. Iyon kasi ang tawag nila kay Gab.
BINABASA MO ANG
FAYE THE UNLOVED WIFE (Completed)
RomanceBeing in love is nice, but it hurts when the person you love, loves someone else. *** Sabrina Faye Ferrer, is a kind of woman with a golden heart. She's pure and innocent in all aspects. But even though she was a good daughter, her parents still mar...