PALABAS na ng opisina niya si Grey nang mag-text sa kaniya ang Mommy niya. Hindi niya 'yun binasa sa isiping baka isa na naman 'yun sa mga sermon ng Mommy niya.
Dumiretso na lang siya sa parking lot kung saan naroon ang kotse niya. Umuwi siya agad sa bahay niya at katulad ng naka-ugalian niya, binisita muna niya ang silid ng mga anak para ilagay ang bagong laruan na nabili niya sa online.
Pagkatapos niyang mailagay lahat ng'yun nagtungo na siya sa kaniyang silid para maligo. Pagod na pagod siya dahil sa tambag na trabaho.
Nakapikit na dinama niya ang malamig na tubig na tumatama sa katawan niya. Napabuntong-hininga siya nang maalala si Faye at mga anak niya.
Kaunti na lang at masasagad na ang paghihintay niya. Gustong-gusto na niyang mayakap ang kambal. Gusto na niyang ipakilala ang sarili sa mga ito ngunit natatakot na kamuhian siya ng mga anak niya. Bukod do'n natatakot pa rin siyang harapin si Faye kahit na matagal na niyang pinaghahandaan ang muli nilang pagkikita.
Hanggang sa matapos siyang maligo iyon pa rin ang nasa isip niya. Napabuntong-hininga na lang siya at nagbihis. Habang nagbibihis nakatanggap siya ng e-mail mula sa investigator niya.
Napangisi siya sa nabasa. Great. That's a good news. After being sad and lonely here he was smiling like an idiot.
Pababa na siya nang makita niya si Manang na hindi maintindihan ang itsura. Parang natutuwa na maiiyak ito habang nakatingin sa cellphone nito. Mukhang may ka-video call si Manang.
"Hindi talaga ako makapaniwala." Naitakip nito sa mukha ang isang kamay na parang maiiyak na. "Mabuti naman at nakauwi na kayo. Natutuwa naman ako na nakakausap kita ngayon."
Sino bang kausap ni Manang Linda at tuwang-tuwa ito.
"Manang?" tawag niya rito.
"Ay kabayo ka!" Gulat na gulat ito dahilan para mangunot ang noo ni Grey.
"Sino kausap niyo Manang?" tanong niya ngunit nagtaka siya nang bigla nitong itago ang cellphone sa bulsa nito.
"Ah wala kumare ko lang na galing abroad," mabilis na paliwanag nito.
Tumango-tango siya. "Ah sige ho alis muna ako," paalam niya.
"Saan ka pupunta?"
"Kina Khenzo ho, bakit Manang?" tanong niya nang mapansin na parang may gusto pa itong sabihin sa kaniya.
Umiling ito. "Wala naman. Sige, ingat ka sa pagmamaneho." Sabay alis nito sa harap niya.
"Anong nangyayari kay Manang?" Hindi na lang niya ito pinansin. Sumakay na lang siya sa kotse niya at pinausad iyon papunta sa bahay no Khenzo.
Nang makarating siya sa bahay nito nakita niyang nakabukas ang pinto kaya pumasok na siya ngunit agad na nagulat nang makita niya itong may kasamang babae. Hindi lang 'yun, naka-kandong ang babae sa mga hita nito habang naghahalikan ang dalawa.
"Ahem!" Ayaw man niyang istorbohin ang dalawa pero kailangan niyang makausap si Khenzo.
"Fuck!" Mura ni Khenzo saka dahan-dahang inilayo ang babaeng kahalikan nito. "Ang galing ng timing mo ah," sarkastikong sabi nito sa kaniya. "Babe, sorry pero mukhang kailangan mo munang umuwi. May distorbo kasi." Baling nito sa babae.
"Okay." Tumayo ang babae mula sa kandungan ni Khenzo saka nakangiting nagpaalam.
Siya naman ay naupo sa kaharap na upuan ni Khenzo. "What was that? Girlfriend mo?"
"Tsked. No." Bumuntong-hininga ito saka inis na inayos ang nagusot na damit nito. "Naparito ka?"
"Gusto lang kita makausap," sagot niya pero hindi niya makalimutan ang babae kanina. "Pero sino 'yung babae kanina?"
BINABASA MO ANG
FAYE THE UNLOVED WIFE (Completed)
RomansBeing in love is nice, but it hurts when the person you love, loves someone else. *** Sabrina Faye Ferrer, is a kind of woman with a golden heart. She's pure and innocent in all aspects. But even though she was a good daughter, her parents still mar...