MAY NGITI sa labing naghanda si Faye ng almusal para sa kaniyang asawa at mga anak. Kasama niya si Manang Linda na hanggang ngayon ay tapat na nagsisilbi sa kaniyang pamilya. Palagi itong naka-agapay sa kanila sa tuwing may problema ang pamilya.
Sa loob ng labing-limang taon ito ang naging katulong niya sa pagpapalaki ng mga bata. Pero syempre kasama din ang kanilang mga magulang na palaging nakasuporta sa kanila.
Walang araw na hindi niya naramdamang importante siya.
"Ayan sigurado akong matutuwa ang asawa mo," nakangiti at may halong kilig na sabi ni Manang Linda habang nakatingin sa mga hinanda nila. Isa lang 'yung simpleng almusal pero dahil espesyal ang araw na 'yun para kay Faye naghanda siya na siguradong ikagugulat ni Grey na walang ka-edi-ideya sa surpresa niya para dito.
"I hope so, Manang."
"Sigurado 'yan," pumapalakpak na sabi ni Manang. "Nakakatuwa, halos hindi ko inakala na aabot kayo ng ganito katagal."
Napangiti si Faye. "Oo nga po eh. Akala ko nga hindi na masusuklian itong nararamdaman ko pero mabait talaga ang Diyos dahil binigay pa rin niya sa akin si Grey. Hindi man naging maganda ang naging simula namin pero hindi 'yun naging dahilan para tuluyan kaming maghiwalay."
Napangiti ang dalawa sa isa't isa at saka sabay na natigilan nang makitang pabababa na ang tatlo sa hagdanan.
"Hi, Mommy! What's for breakfast?" magiliw na tanong ni Samantha na ngayon ay dalagang-dalaga na, kasunod nito ang kakambal na si Samuel.
"Wow! Anong meron?" gulat na tanong ni Samuel ng makitang hindi lang simpleng breakfast ang nakahanda sa lamesa. Napatingin ito sa ina saka kay Manang sa nagtatanong na tingin pero walang sumagot sa dalawa at ngumiti lang sa anak si Faye hanggang sa makita nilang lumapit si Grey.
"Oh ang dami niyo namang niluto?" medyo nagtatakang tanong ni Grey dahilan para mawala ang ngiti sa labi ni Faye. Mukhang nakalimutan talaga ng mga ito kung anong araw ngayon.
"Wala. Kumain na nga kayo." Pa-simpleng nag-iwas ng tingin si Faye. "Tawagin ko lang si bunso." Paalam ni Faye sa mag-a-ama upang tawagin ang bunsong anak na si William na ngayon ay katorse anyos na.
Habang paalis hindi maiwasang mainis ni Faye. Matatanggap niya kung nakalimutan 'yun ng mga anak niya pero kay Grey, hindi. Nakakapagtampo talaga. Naghanda pa naman siya tapos kakalimutan lang nitong anniversary nila ngayon. Buwesit talaga.
"Anak, handa na ang pagkain. Baba ka na." Tawag niya sa bunsong anak nang makita niya itong kakalabas lang ng banyo.
"Mom, sunod na lang po ako."
Ngunit hindi nakinig si Faye. Pumasok siya sa loob at tahimik na naupo sa kama ng anak. Pinanood na lang niyang magbihis ang anak na may ngiti sa labi.
"Mom, stop staring at me."
Napangiti si Faye. "Bakit? Nanay mo naman ako ah. At saka hindi ka naman nakahubad para mahiya ka ng ganyan."
"Mommy naman kasi..."
"Huwag ka ng mag-reklamo. Halika na, samahan mo si Mommy kumain." Paglalambing ni Faye sa anak.
"Nasa baba na sina Daddy 'di ba?"
Agad na natahimik si Faye nang mabanggit nito ang ama. "Oo nga pero ayaw ko siyang kasabay kumain."
Nagtatakang tiningnan ni William ang ina. "Nag-away ba kayo ni Daddy?"
Napanguso si Faye. "Hindi."
"Hindi?" may dudang tanong ni William. "Wait parang alam ko na kung bakit," natatawang sabi ni William na siyang pinagtaka ni Faye.
BINABASA MO ANG
FAYE THE UNLOVED WIFE (Completed)
RomansaBeing in love is nice, but it hurts when the person you love, loves someone else. *** Sabrina Faye Ferrer, is a kind of woman with a golden heart. She's pure and innocent in all aspects. But even though she was a good daughter, her parents still mar...