CHAPTER 22

2.1K 30 1
                                    

NAGTATAKANG tiningnan niya ang kambal. Ang buong akala niya ay matutuwa ang mga ito ngunit kabaligtaran ang nangyari. Akala niya kapag sinabi niya ang totoo, magiging masaya na ang mga anak niya.

"Bakit ganyan ang reaksyon niyo? 'Di ba gusto niyo siyang makilala. Ito na oh nandito na siya," pilit ang ngiting sabi niya. Naluluha, nagtataka at nangangamba sa emosyong nakikita niya sa anak. Nasasaktan siya sa nakikita.

"Ikaw ang Daddy namin, ibig sabihin ikaw ang nanakit kay Mommy," sabi ni Samuel kay Grey.

What the... Paano nila nalaman ang bagay na 'yun?

"Ikaw ang dahilan ng pag-iyak niya. Hindi mo kami mahal," sigaw ni Samantha kasabay nang pagpatak ng luha nito.

"Anak," agad niyang itong inalo. "Tahan na, kanino niyo ba narinig 'yan?" Ayaw na ayaw niyang nakikitang umiiyak o nasasaktan ang anak niya. Kahit siya na lang huwag lang ang mga ito.

"I heard you talking to Lola and lola," paliwanag ni Samantha. "He hurt you Mommy," umiiyak na sabi ni Samantha. Maging si Samuel ay umiiyak na. "Excited pa naman kaming makita ka. Sabi ni Lola kaya kami umuwi dito dahil gusto mo kaming makita at makasama," malungkot na sabi ni Samantha. "Gusto ko na lang umuwi, ayoko na dito. Sinaktan mo si Mommy, ayaw niyo sa amin. Hindi mo kami mahal. Akala namin mabait ka, hindi pala. Ayoko na sa 'yo!"

Umiyak ng umiyak si Samantha gano'n din si Samuel. Bakit ba nangyayari ito. Hindi niya akalain na ganito kasakit ang kalalabasan ng pagtatapat niya. Gusto niyang ipaliwanag sa anak na okay lang siya, na tapos na 'yun. Pero hindi niya magawang magsalita. Wala siyang ibang nagawa kundi ang yakapin ang dalawa habang tahimik na umiiyak.

Mahabang katahimikan ang namayani sa kanila nang basagin 'yun ni Grey at magpaliwanag.

"Totoo ang narinig niyo at hindi ko 'yun itatanggi," simula nito. Bakas sa seryoso nitong mukha na handa talaga itong patunayan ang sarili. "Handa akong tanggapin lahat ng galit niyo sa akin dahil alam kong malaki ang kasalanan ko sa inyo, lalo na sa Mommy niyo." Lumuhod ito sa harap ng dalawa. "I'm so sorry mga anak. Sana mapatawad niyo si Daddy. Mahal ko kayo. I'm really sorry for everything that has happened. Pangako, hindi ko na kayo iiwan, magkakasama na tayo palagi. Pasensiya na rin kayo dahil nagsinungaling ako sa inyo. Hindi ko agad sinabi sa inyo na ako ang Daddy niyo. I'm so sorry." Pagkasabi niyon ay niyakap ni Grey ang kambal. Lumuluha at bakas ang sakit sa mga mata.

"Totoo po bang mahal niyo kami. Hindi niyo na po ba talaga kami iiwan? Please Daddy don't leave us again," sabi ni Samantha. Napaka-lambot talaga ng puso nito. Kahit na may galit ito sa Daddy nila, nagawa pa rin nitong tangapin agad si Grey. Sana kaya niya rin 'yun. Ang kaso hindi. Hindi niya pa kayang isugal muli ang puso niya. Natatakot na siyang mahalin ulit si Grey.

"I won't leave you again," sabi ni Grey sa mga bata. "Hinding-hindi na aalis si Daddy, makakasama niyo na ako araw-araw. Pangako."

Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi niya kayang makita ang mag-a-ama sa ganoong sitwasyon. Magkakayakap habang pare-parehong umiiyak. Hindi niya akalain na mangyayari 'to. Dati, pangarap niya lang na makitang buo ang pamilya nila at ngayong nasa harap na niya si Grey, hindi pa rin siya makapaniwala.

Pero sa kabila ng mga nangyari, hindi niya pa rin ito kayang patawarin at tanggapin. Hahayaan niyang magkasama-sama ang tatlo pero hanggang doon lang ang maibibigay niya.

SOBRA-SOBRANG saya ang nararamdaman ni Grey nang araw na 'yun. Hindi niya akalaing makikita, mayayakap at mahahalikan niya ang mga anak. Kay tagal niyang hinintay ang araw na 'to. Hindi na niya sasayangin ang pagkakataon.

Kailangan na niyang simulan ang susunod na plano para mas makasama ang pamilya niya. Hindi pwedeng ganito lang sila palagi. Hindi siya makakapayag.

Okay na sila ng mga bata. Si Faye na lang ang problema niya. Hindi siya nito pinapansin tuwing bumibisita siya sa bahay ng mga ito.

FAYE THE UNLOVED WIFE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon