CHAPTER 13

2.6K 37 4
                                    

"SANDALI!" Sabay na napalingon si Grey at ang guard na kasama niya. Nakita niya ang kumakaway niyang kaibigan, si Khenzo. Nabuhayan siya ng loob nang makita ito. Lumapit ito sa kanila at inakbayan siya. "Sir! Kaibigan ko 'to at kakilala ko ang may-ari ng airport na ito. Pumayag na siyang papasukin si Mr. Dela Vega."

Napanganga siya sa sinabi ni Khenzo. Kailan pa ito nagkaroon ng kaibigan na may-ari ng isang airport. May hindi ba siya alam?

Napatingin sa kaniya ang guard. "Gano'n ba. Sige pumasok ka na pero bilisan niyo lang ah," naiilang na sabi nito.

"Okay thank you," ani Khenzo. Tinapik pa nito ang balikat ng guard. "Oh halika na," baling nito sa kaniya. "Tsked. Mabuti na lang at nasundan kita. Ikaw talaga, kumikilos ka ng walang plano. Paano kung hindi ako dumating? Eh di hindi mo naabutan si Faye at siguradong umiiyak ka na. Pasalamat ka may kaibigan kang guwapo na, matalino pa, ano? Saan ka pa?" nang-aasar na sabi nito. Puro kalokohan, kaya hindi sini-seryoso ng mga babae.

Hinila siya nito papasok pero mas isang bagay ang gumugulo ngayon sa isip niya, hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi nito kanina lang.

"Oh tulala ka?" nakakunot ang noong tanong nito. "Anong iniisip mo?"

"Totoo ba 'yung sinabi mo?"

Tiningnan siya nito ng masama. "Malamang hindi, ikaw lang naman ang kaibigan ko 'di ba? Ikaw baka may hindi ka sinasabi sa akin?"

"What? No!"

Ngumisi ito. "Ang sweet! Ako lang talaga?"

"Tigilan mo nga 'yan, nakakainis 'to."

Natawa ito. "Biro lang para namang hindi ka pa sanay sa akin." Napailing na lang siya sa sinabi nito. "Bilisan mo na, baka makahalata 'yung guard," pabulong na dugtong nito.

"Thanks," emosyonal niyang sabi. "Salamat kasi kahit alam mong marami akong pagkakamali sa buhay, nandito ka pa rin at handang tumulong. Hindi ko akalaing sa kabila ng mga nagawa ko, kaibigan pa rin ang turing mo sa akin. Maraming salamat, Khenzo. Ipina-pangako kong pagkatapos nito ay babawi ako sa 'yo."

Huminga ito ng malalim. "Grey, kaibigan kita. Anumang pagkakamali ang nagawa mo, iintindihin kita. Alam mo 'yan. Higit pa sa kaibigan ang turing ko sa 'yo. Pero sana hindi ka nagda-drama 'no, alam mo namang sensitive ako sa mga ganyang bagay. You know, I hate drama."

Maging siya ay natawa. "Fine."

"Tsked. Tara na nga, let's find your wife," anito.

Naglakad sila nang naglakad para hanapin ang asawa niya at ilang minuto din ang lumipas bago nila nakita ito na nakaupo waiting area. Nakaupo ito katabi ang mga magulang nito.

Pinakatitigan niya ang mukha ng asawa. Ngayon niya lang napagtanto kung gaano kaganda ang asawa niya. Sa isiping 'yun, hindi na naman niya maiwasang magsisi. Talaga ngang nasa huli lagi ang pagsisisi. Ang laki ng sinayang niya.

Ngunit sa kabila ng mga pagsisising nararamdaman niya, hindi niya pa rin magawang lapitan ang asawa. Natatakot siya dahil nasisiguro na niyang hindi ito makikinig sa anumang paliwanag niya.

Tumikhim si Khenzo. "Oh ano pang hinihintay mo? Pasko? Lapitan mo na kaya."

Parang hindi niya kayang lumapit. "Parang hindi ko kaya."

"What? Nandito na tayo ngayon ka pa a-atras. Masyado kang naduduwag, Bro. Patunayan mo na nagbago ka na. Na kaya mo na siyang panindigan," sermon nito. "Bro, kung ayaw mo siyang tuluyang mawala sa 'yo, gumawa ka ng paraan. Sabi nga nila, kapag gusto, maraming paraan at kung ayaw naman maraming dahilan. Ngayon kung hindi mo siya kayang lapitan, anong dahilan? Ayaw mo ba siyang makasama? Akala ko ba kaya tayo nandito ay para suyuin siya?"

FAYE THE UNLOVED WIFE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon