CHAPTER 3

2.7K 36 24
                                    

MAAGANG nagising si Grey nang umagang iyon. Ang totoo ay hindi siya nakatulog. Tiningnan niya si Faye na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Hindi siya makapaniwalang nagawa niya iyon kay Faye. Ngunit wala siyang pagsisisi. Ginusto niya ang nangyari. Lasing man siya o hindi. Alam niyang ginusto niya 'yun.

Pagkatapos niyang malaman na birhen pa ito hindi na siya nagdalawang isip na itigil ang ginagawa niya kahit huli na ang lahat dahil may nangyari na sa kanila.

Iyak ng iyak si Faye habang paulit-ulit itong nagmakaawa na tumigil siya hanggang sa ito ay makatulog sa kakaiyak.

Hinaplos niya ang pisngi ng asawa at ayun na naman ang pakiramdam na pilit niyang inaalis sa sistema niya. Pakiramdam niya ay may kung anong nabubuhay sa katawan niya sa tuwing maglalapat ang mga balat nila. Ramdam niya ang kuryenteng dumaloy sa katawan niya na nagbibigay sa kaniya ng kakaibang pakiramdam.

Agad niya itong binitawan ng maramdaman ang pag-iinit ng kaniyang katawan. Ano bang meron sa babaeng ito at gano'n na lang ang reaksyon ng katawan niya?

Pinilig niya ang ulo at winaksi sa isip ang mga iniisip niya. Kailangan na niyang umalis. Baka kapag nagtagal pa siya dito, baka kung ano pa ang magawa niya.

Maingat siyang bumangon at nag-ayos ng sarili. Pero bago siya lumabas. Dinamitan niya muna si Faye.

Pababa na siya nang makasalubong niya si Manang Linda na paakyat ng hagdanan. Nakakunot ang noo at tila may hinahanap.

"Grey, nasaan si Faye? Saan siya natulog kagabi? Wala siya sa kuwarto niya?" sunod-sunod na tanong nito sa kaniya.

Napa-iwas siya ng tingin. "Nasa kuwarto ko siya Manang at kung magising siya, pakidalahan na lang ng pagkain."

"Ano? Bakit siya nandoon? Ano na namang ginawa mo sa kaniya?" Bakas ang pag-aalala at galit sa mukha nito. Mas lalo siyang na-guilty.

"Sige na Manang, huwag na maraming tanong, aalis na ako." Pagkasabi niyon ay mabilis na siyang umalis at iniwan ang ginang na naguguluhan sa inasta niya.

Mabigat ang loob na pinuntahan na lang niya si Khenzo sa bahay nito.

"Bro, aga natin ah! May problema ba?" he asked while mixing the drink he was holding.

"Malaki pare," naiiling na sagot niya sa kaibigan sabay inom ng beer na inabot nito.

"What is it?"

Tiningnan niya ito. Nag-aalangan kung sasabihin ba niya. "It's about my wife, Faye."

"Tsked. Anong meron sa kaniya? Gusto mo na ba siya? Uy aminim mo, gusto mo na ang asawa mo 'no?" Tudyo nito sa kaniya.

"Tumigil ka nga," uminom ulit siya bago magsalita. "May nagawa ako sa kaniya na siguradong hindi mo gugustuhing marinig."

"What?" His eyes widened in shock. "What did you do? Sinaktan mo na naman ba siya? Ikaw Grey ha sinabi ng huwag mo ng gagawin 'yun!"

He signed. "But I did and this time sumubra ako. I didn't mean to do it. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko."

"What?" nanlalaki ang mga matang tanong nito. "Anong ginawa mo? Sabihin mo?!"

"May nangyari sa amin," diretso niyang sabi, walang paligoy-ligoy.

Natahimik si Khenzo na parang pino-proseso pa nito sa utak ang narinig. "R-Really? But wait- how did that happened? You didn't force her, right?"

Kumuyom ang kamao ni Grey, guilty. "I did. I force her, Khenzo. I fucking force her to do it."

"Putek!" Natampal ni Khenzo ang noo saka inis na tiningnan siya. "Pare, ano ka ba naman. Hindi ka pa nakuntento sa pananakit mo sa kaniya tapos ngayon pinilit mo pa siya sa isang bagay na ayaw niya."

FAYE THE UNLOVED WIFE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon