ISANG linggo na ang lumipas simula ng may mangyari sa kanila ni Grey. At isang linggo na 'yun, hindi ito umuwi. Hindi na niya alam kung anong iisipin. Siguro hindi ito na-satisfied sa kaniya kaya hindi ito umuuwi. Hindi niya naman ito hinihintay. Naiinis lang siya sa sarili dahil umaasa siyang may meaning ang namagitan sa kanila.
Kailan kaya darating ang araw na siya naman ang mamahalin. Kahit papaano gusto din niyang magkaroon ng masayang pamilya.
"Malungkot ka na naman, bakit hindi ka lumabas ng bahay. Pumunta ka sa park o kaya sa mall para naman malibang ka, ako na ang bahala dito sa bahay."
Si Manang talaga palagi na lang siyang inaalala. Kaya't nagpapasamat siya dito dahil hindi siya nito pinapabayaan. Malaki ang utang na loob niya rito.
"Manang alam niyo naman po na hindi ako pwedeng lumabas. Mayayari na naman ako kapag sinuway ko ang utos ni Grey," nakangiwing tugon niya. Siguradong magagalit na naman ito sa kaniya at kung anu-ano ang sasabihin at kapag hindi pa ito nakuntento, sasaktan siya nito at paulit-ulit na ipapamukha sa kaniya na walang siyang kwenta.
"Akong bahala sa 'yo, sige na at mag-ayos ka na. Isang linggo ng hindi umuuwi ang asawa mo. Bakit hindi mo pagbigyan ang sarili mo na makalabas sa bahay na ito. Ilang buwan ka na ring nakatingga dito sa bahay, hindi ka ba naiinip. Nakalabas ka lang nitong nakaraan dahil kay Gab."
Kung sabagay may punto ito. Hindi naman siguro malalaman ni Grey na lumabas siya.
"Sige po mag-aayos na ako," nagpaalam siya dito at mabilis na nagtungo sa kaniyang silid. Naligo at nagbihis siya pagkatapos ay naglagay ng kaunting make-up para hindi naman siya magmukhang maputla. Gamit ang concealer tinakpan niya ang ilang pasa sa braso. Sana lang talaga hindi siya mahuli ni Grey na lumabas ng bahay.
Pagkatapos niyang mag-ayos ng sarili sa salamin nagtungo siya sa garahe kung saan naroon ang kaniyang sasakyan na matagal na niyang hindi nagagamit.
"My baby, na-miss kita." Tukoy niya sa kaniyang kotse.
Dahil excited na siyang magamit ulit ang sasakyan niya, mabilis siyang sumakay at pinaandar 'yun. Nagpunta siya sa pinakamalapit na mall sa village nila. Para kung sakali na kailangan na niyang umuwi, mabilis lang siyang makakauwi ng bahay. Sinabihan niya din si Manang na i-text siya para ipaalam kung bumalik na ang asawa niya.
Nakakatawa dahil nagagawa pa niyang tawagin itong asawa sa kabila ng mga pananakit nito sa kaniya. Samantalang wala naman itong pakialam sa kaniya. Kahit nga yata maghingalo na siya sa harapan nito ay okay lang.
Kung iisipin mo nakakaawa siya, pero kung iisipin niya ng iisipin ang mga gano'ng bagay mas lalo lang siyang masasaktan.
Nang makarating siya sa mall kaagad siyang pumarada sa parking lot at bumaba. Sinamantala na niya ang pagkakataong makalaya sa asawa niya.
Lahat ng madaanan niyang store ay pinapasok niya ngunit wala naman siyang mabili. Nakalaya nga siya pero hindi niya naman ma-enjoy ang bawat sandali na nakalabas siya.
"Faye, is that you?" Napalingon siya sa taong tumawag sa pangalan niya. Nakita niya si Gab na nakangiti at kumakaway sa harapan niya.
"Gab?" natutuwang aniya ng makita ito. Saglit na nawala sa isipan niya ang ilang mga bagay na gumugulo sa isip niya.
"Nandito ka? Kasama mo ba ang asawa mo?"
She signed. "Do you really think na isasama niya ako dito? I don't think so."
"Oh, sorry malay mo naman."
"That will never happen, kahit nga sa panaginip malabong mangyari 'yun. Dahil ang lalaking iyon nasa kandungan ngayon ng ibang babae." Hindi niya mapigilan ang pait sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
BINABASA MO ANG
FAYE THE UNLOVED WIFE (Completed)
RomanceBeing in love is nice, but it hurts when the person you love, loves someone else. *** Sabrina Faye Ferrer, is a kind of woman with a golden heart. She's pure and innocent in all aspects. But even though she was a good daughter, her parents still mar...