UMALIS nang bahay si Grey na wala sa sarili. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Basta na lang siyang nagmaneho nang walang eksaktong direksyon. Dumaan din siya sa isang convenient store na nadaanan niya. Bumili siya ng alak at tinungga iyon habang nasa sasakyan at patuloy na nagmamaneho.
Nang itigil niya ang sasakyan, hindi niya namalayang dinala siya nito sa tapat nang condo ng kasintahan. Naisipan niyang tawagan ito bago niya ito puntahan. Ngunit nakakailang ring na wala pa ring sumasagot. Napatingin siya sa cellphone niya. This is new. Lagi naman nitong nasasagot ang tawag niya kahit busy ito.
Sinubukan niya ulit tawagan ang numero nito ngunit gano'n pa rin. Dahil hindi na siya nakatiis, bumaba na siya at pinuntahan ang dalaga.
Hindi na niya kailangang kumatok dahil may susi naman siya sa unit nito. Nang makapasok, kaagad niyang hinanap ang kasintahan. Nakabukas ang lahat ng ilaw sa buong unit kaya alam niyang naroon lang si Celine. Huli niyang pinuntahan ang kuwarto ng dalaga. Nakaawang ang pinto nito kaya dahan-dahan niya iyong binuksan.
Ngunit agad din niyang pinagsisihan na pumunta pa siya dito. Tumulo ang luha niya at hindi malaman ang gagawin. Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan. Kung isang panaginip lang 'to, gusto na niyang magising. Hindi niya kayang tanggapin ang nakikita. Ni hindi niya naisip na magagawa ito sa kaniya ni Celine. Nagtiwala siya. Binigay niya lahat. Maging ang sariling pamilya ay tinalikuran niya para kay Celine. Ano pa bang kulang?
"What is the meaning of this?" madilim ang mukhang sigaw niya.
Mabilis na umayos ng tayo ang dalawa. Napakasakit makita na ang babaeng mahal na mahal mo ay kasama ng ibang lalaki. Nakikipaghalikan na halos hubad na.
"G-Grey..." nauutal na sabi ni Celine. Bumitaw ito sa lalaking kayakap saka mabilis lumapit sa kaniya. "Let me explain." Hinawakan siya nito sa kamay ngunit tinabig niya iyon.
"Explain? What for huh? Nakita ko na lahat, ano pang sasabihin mo!" sigaw niya rito. Ang sakit sakit. Ito ang unang beses na nasigawan niya si Celine pero wala na siyang pakialam, ang nararamdamang galit niya para dito ay sagad sa buto.
"Grey, I'm so sorry..."
Natawa siya. "So, totoong may relasyon kayo ng lalaking 'yan?" Tinuro pa niya ang lalaking kasama nito.
"Maniwala ka sa akin, hindi ko ginustong saktan ka."
"Talaga lang ha?"
"Grey..."
"Celine," singit ng lalaking kahalikan nito kanina. "Huwag ka ng mapanggap, sabihin mo na ang totoo. Pagod na rin akong magtago sa dilim. Ayoko na ng ganito. Kung mahal mo ako, sasabihin mo sa kaniya ang totoo. O kung ayaw mong umamin ako ang magsasabi."
Hinarap ni Celine ang lalaki. "Stop it, Jake."
Nang hindi sumagot ang lalaki siya ang nagtanong. "Kailan niyo pa ako niloloko?"
"Matagal na," nakangising sagot ng lalaking tinawag ni Celine na Jake.
"Jake ano ba," sigaw ni Celine. "Stop. Just stop!"
Umiiyak na si Celine pero wala na siyang pakialam dito kahit lumuha pa ito ng dugo. Galit na galit siya dito. Nagbabaga ang apoy sa dibdib niya sa sobrang galit. He felt betrayed.
"No, sawa na akong magtago, ayoko ng itago mo ako," sabi nito bago siya harapin. "Totoong may relasyon kami. Almost one year na kaming magkarelasyon habang kayo pa."
"Please, tama na ano ba!" sigaw na naman ni Celine na pumagitna sa kanila. Ngunit walang pumansin dito.
"Mga hayop kayo!" gigil na sigaw niya.
"Bakit? Masakit bang magago? 'Di ba ginawa mo din 'yan sa asawa mo? You cheated on her too. Mas malala ka nga eh! Alam mo ng buntis iniwan mo pa. Bakit? Dahil mahal mo si Celine. Sana siniguro mo muna kung talaga bang mahal ka niya," makahulugang sabi nito.
BINABASA MO ANG
FAYE THE UNLOVED WIFE (Completed)
Lãng mạnBeing in love is nice, but it hurts when the person you love, loves someone else. *** Sabrina Faye Ferrer, is a kind of woman with a golden heart. She's pure and innocent in all aspects. But even though she was a good daughter, her parents still mar...