CHAPTER 10

23 2 1
                                    

[Chapter 10: Unexpected person]

Dream high,
pursue a
degree.
But being in a
miserable choice
is not.


Third Person POV's

Hapong-hapo sila ayesha at alvin ng makaabot sila sa guard house sa eskwelahan napahinto ang isang manong guard ng nakita niya ang dalawang estudyante.

"E-Excuse ho m-manong guard, may klase po ba kami?" tanong ni ayesha sa guard. Napatingin naman ang guard sa dalawa.

"Anong sekyon kayo?" tanong ng guard pabalik. "Eve" "Ascuff" sabay ng magkapatid para magtinginan sila sa isa't-isa.

"Napakamalas pa naman talaga oh, sayang wala kayong klase" saad ng guard para mapagtanto ng dalawa na wala silang klase. Mas lalong sumilay ang malaking ngisi ng magkakapatid ng batid nilang wala silang pasok.

"Isang linggo kayong walang pasok" saad pa ng guard para gulat siyang mapa-atras at mapatingin sa babaeng napatalon-talon bigla.

BEEP---BEEP isang malakas na busina ng sasakyan ang yumanig ng tatlong tao sa loob para tumigil ang pagtatalon ni ayesha at pumagilid muna.

"Kala ko kung sino, yung sundo niyo pala" saad ng guard para mapatango nalang sila ayesha at alvin.

"sa computer shop, manong!" daritsong sigaw ni alvin habang hindi pa nito sinasarado ang pinto ng sasakyan habang si ayesha ay nasa frontseat. palagi.

"Iiwan mo nalang ba ako, okay lang naman. Nasa akin parin yung pera" saad ni ayesha para mapatawa ng marahan si alvin. "Yeah...yeah you're always invited" saad nito para lumapad ang ngisi ng babae.

"Manong pakibaba nalang ho" saad ni alvin kay manong jeff para ihinto ni manong jeff ang sasakyan sa tapat ng computer shop.

"Tara" dali-daling saad ni ayesha na kakalabas lang ng sasakyan. "Alright, ate" saad ng kapatid ni ayesha na siyang kakalabas lang sa sasakyan.

Hindi nagtagal ay nakapasok na sila sa computer shop na mukhang mamahalin ito dahil naka-aircon at yung mga pc ay sobrang ganda dahil umiilaw ito.

"Magkano ho?" tanong pa ni alvin, napatingin naman ang babaeng nakaupo sa counter. May kinuha siyang listahan para mapatingin ulit ang babae kay alvin

"100, 4 hours" saad ng babae habang ngumunguya ng bubble-gum.

"Kung gusto niyo magpa-extend ng time. 25 pesos, kada oras" saad ng babae para mapatango nalang si alvin pati narin si ayesha.

"Open time ba?" simulang tanong ng babae.
hindi naman tumango si alvin. "Hindi ho, manang. 100 nalang ho saamin" saad ni alvin. Pinipigilan naman ni ayesha ang kanyang tawa dahil sa labis na pagtawag ni alvin sa babaeng naka-upo na manang.

"Dalawa" tanong ulit ng babae habang naka-taas ang kilay.

Tumango si alvin bilang sagot.

"pc 12 and pc 11, kayo" saad ng babae para mapatango nalang ulit si alvin at agad ibinigay ang bayad na 200 pesos.

Halos mag-aala-singko na ng hapon ng biglaan tumawag si manong jeff kay ayesha.

napatigil sa paglalaro si alvin at kaagad na tumingin sa kanyang kapatid na busy sa telepono.

"Akin na" saad ni alvin kay ayesha at kaagad na hinablot ang telepono. "Hello?"  "Oh...mom" saad ni alvin para mapangisi kaagad si ayesha.

"Ah, okay" saad ni alvin para mapatayo si ayesha at agad na lumabas sa computer shop. Napatayo malang si alvin at sumunod nalang sakanyang ate.

Malakas na busina ang bumulaga sa dalawang magkakapatid ng napagtanto nilang mommy nila iyon. "Tayo na!" sigaw ng mommy nila at iniroll ang salamin ng sasakyan.

"Mom" agad na saad ni ayesha at pumasok sa sasakyan habang si alvin naman ay nasa likod parin ng sasakyan. Alam niyo naman nasaan si ayesha, edi nasa frontseat.

Napayuko nalang si alvin ng naalala niya parin ang ginawa ng kanyang mommy.

7 year's ago...

Napayuko si alvin ng nakita niya ang kanyang ina. Nagiimpake ito ng mga gamit habang busy naman ang kanyang lola sa pagluluto.

Mag-dadalawang taon na si alvin ng nakita niya ang mga pangyayari na para bang bago ito sakanya pero hindi...hindi na bago sakanya na iiwanan siya ulit, Kahit na maliit ang kanyang edad ay hindi parin maikukumpara ang kanyang mature na isip.

"Vinnie, hali ka rito!" sigaw ulit ni lola habang akay-akay ang babae niyang kapatid. "Kain kana dito, ihahatid pa natin  yung mommy mo" saad nito pero hindi gumalaw si alvin.

"Vin" saad ni Arlyn ang ina ni alvin. "Magt-trabaho muna si mommy ha, magingat ka dito. Wag kang maging pasaway kay mommy lola mo, okay" saad nito sa bata para mapatango nalang si alvin. wala siyang magagawa dahil bata pa siya.

"M-mom..." hikbi ng kaunti ni alvin para mapangiti si arlyn. "Awh, look at that. My vinnie is crying" ngiti ni arlyn. "Ma, tingnan mo si vinnie umiiyak!" sigaw ni arlyn para dali-daling pumunta ang lola at tumingin kay  alvin na ngayon ay pinipigilan ang luha.

17 years ago...

"Wala ka talagang hiya!" halos mapaos ang boses ni aling rosita ng nalaman niyang buntis ang anak niyang si arlyn.

"Hindi mo ba alam yung pagod ko sayo ha!, halos ibenta ko na ang katawan ko para lang may maipakain ko lang kayo pero ngayon. Itong putanginang lobo diyan nasa loob pinairal mo talaga!" hindi na mapigilan ni aling rosita ang kanyang bibig dahil napasigaw na ito.

"H-hindi k-ko naman alam m-ma, l-lasing ako n-n——" PAK

Isang malakas na sampal ang bumungad sa pisngi ni arlyn para mapalaki ang mata nito hindi niya akalain na sasampalin siya ng kanyang ina.

"Anong lasing?!. Diba nagsabi ako sayo na trabaho kalang muna!" Sigaw ni aling rosita.

"Habang ako nagpakahirap mag-alaga ng isang anak mo pero ikaw?! Nagpakasarap sa trinatrabuhan mong putanginang napaka-laswa"

"Akala mo hindi ko malalaman ang mga gagong ginagawa mo sa isang club!"

"M-ma pasensya na p-po" halos lumuhod si arlyn sa harapan ng kanyang ina.

"N-naka-graduate ka naman, masteral of physical education? yun na yun e-eh" nginig na saad ni aling rosita. Hindi matanggap ng ale ang kinahinatnan ng kanyang anak.

"Putanginang yan! sayang lang yun mga pinaghirapan ko!" sigaw ulit ng ale.

"H-hindi naman y-yan ang g-gusto k-ko eh" mahinang saad ni arlyn.

"Ano?!" sigaw ulit ng ale.

"Hindi naman yan ayung gusto kong kurso sa buhay ma eh!" si arlyn

"Gusto ko namang lumaya, sumaya sa pinili kong buhay. Pero ano ma? pinilit mo lang naman ako!" sigaw ni arlyn, hindi na napigilan ni arlyn ang pagtagaktak ng luha sa kanyang pisngi.

"ito ba?!" sigaw ng ale

"itong putanginang project?!" sigaw ulit ng ale at kinuha ang isang tape na nanggaling pa sa ilalim na kabinet.

"Itong putanginang project na halos maubos-ubos na ang pera ko!" sigaw ulit ng ale at kaagad na hinulog ang tape at hinayaan itong bumagsak...wasak mismo ang tape.

"ito ba lyn?, ito ba tung pinaghirap mo. Plinano? eh pera ko lang din 'to diba?!" halos hindi na mapigilan ang galit ng ale upang mas lalo niya itong winasak gamit ang kanyang mga paa at pinapadyak-padyak niya ang project ng kanyang anak.

"M-ma isa lang naman yung hiling ko eh, payagan mo ako kung ano ba talaga ang gusto ko. Gusto ko lang naman...magdirector"

(To be continued.)

An Adopted GirlWhere stories live. Discover now