[Chapter 24: People came back]
People came back
for reason,
but they never
want a suffering.Ayesha POV's
Naalingpungatan ako dahil sa ingay sa ibaba ng bahay namin. Ingat akong bumaba sa hagdan ng aking higaan at ka-agad na lumabas sa kwarto namin ni Alvin, nakita ko si Alvin nakaupo sa hagdan habang tulalang nakatutok kay mommy na sumisigaw na.
Ramdam ko ang panglalamig ng aking katawan at pagbagal ng oras nakita ko si mommy umiiyak habang yakap yakap ang isang bangkay na nakalagay na sa itim na lagayan ng patay. Agad akong napahinto ng namalayan ko na marami na palang tao dito sa loob ng bahay.
Napansin ko ang mga gamit ni mommy na nakakalat lang sa loob at malaking bag na nasa gilid lang at hindi pa ito nakasara at ang dalawang malita na naiwan pa sa labas.
"Hindi!" Muling sigaw ni mommy para mag-ingayan ang mga tao. Bababa na sana ako ng bigla akong hinawakan ni Alvin. "Aray" Giit ko pa at kaagad na hinila ang aking braso na halos mamula nasa pagkapit. Sasamaan ko sana ng tingin si Alvin pero bigla akong naawa sakanya. Maputla ang kanyang mukha at lumalim narin ang kanyang mata di na katulad ng dati na kahit kaunti lang gawin ni Alvin ay umaaliwalas ng bigla ang kanyang mukha.
Kaagad akong bumaba sa hagdan namin, huminto ako saglit. Mas lalo kong pinagmasdan ang paligid, marami ng tao dito sa loob ng bahay pa'ti pulis abala sa pag-iimbestiga sa mga pangyayari kung napano nakapasok ang bangkay sa loob ng bahay namin.
"Ano pong nangyari?" Tanong ko sa isang ale at lumingon naman siya sa akin bago sumagot.
"Sa nadidinig kung mga usapan ay may tatlong nakatakip ang kanilang mga mukha ang pumasok dito, mukhang dala nila iyan lahat" saad niya at agad na itiburo ang bagahe na nasa labas at nasa loob na nakakalat.
"At iyang bangkay na yan, nasa loob lang iyan ng sako eh mas lalo akong napatakbo ng nadinig kong may sumigaw" saad niya.
"Diko alam kung bakit ako naiintriga ngayon, kaya ayon dito ako napadpad nakikichismis" patuloy na saad ng ale na may halong tawa saad ulit ng ale na may halong tawa at bumalik sa kanyang mareng nakatakip paring ng ilong dala nadin baho ng mga tao na nakapasok sa bahay.
Kaagad akong tumakbo papunta kay mommy, bawat hakbang ramdam ko ang panginginig ng aking mga paa gusto kong lumuhod ng walang dahilan sa bawat tingin ko kay mommy sobrang gulo ng kanyang buhok at di maikubli ang kanyang mukha. Ang lalim at putla ng kanyang mukha.
"Mommy?" Saad ko sakanya para mapatingin siya sa akin. "A-anak..." Utal niyang sambit para mapaluhod ako bigla. "Anong anangyari mommy?" Tanong ko para mapahagulgul siya at niyakap niya ako. "A-anak w-wala na..." Saad niya sa akin habang nakayakap parin sa akin.
"W-wala na si d-daddy mo..." Saad niya sa akin para mapatulala nalang ako at bigla nalang tumulo yung luha ko. "M-mommy n-naman eh" Saad ko para mapatingin siya sa akin at bigla siya lumingon sa likod na naroon ang bangkay na kanina pa iniiyakan niya.
"D-daddy..." Utal kong sambit at tumingin ako kay mommy na umiiyak parin hanggang ngayon hindi ako sana'y na makitang nasasaktan si mommy mas lalo akong nasasaktan na ang dating nagpapasaya at nagpapalakas ng loob kay mommy ay wala na, my mom saw my dad lying in the floor lifeless...
"Pwede po ba kayong lumayo muna sa bangkay, Maam?" Sambit ng pulis at kaagad niya kaming nilayo sa bangkay na siya ang daddy ko. Gustohin ko mang pumunta at tumakbo papalapit sa bangkay ng aking ama,
maputla na ang labi ng aking ama at mapula din ang parte ng kanyang leeg.Agad kaming tumayo at pumunta sa gilid ng pader namin. "M-mommy..." Utal kong saad kay mommy para mapatingin at mapalingon siya sa akin. "A-alam k-ko anak..." maikli niyang saad at kaagad ibinaling ng tingin kay daddy na ngayon ay iniimbestighan pa.
Ibinaling ko nalang ang aking tingin sa mga taong nasa loob, kaunti nalang ang mga tao dito at karamihan ay pulis. "Vin.." Saad ng aking sarili para bahagyang tumingin siya sa akin at ngumiti ng matipid at kaagad siyang tumayo nakita ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamay na para ba'ng may dinadamdam siyang hindi pa' niya nasasabi sa amin.
Bakit? Sa lahat ng tao sa mundo bakit kami pa? Alam kong may pagkukulang kami bilang pamikya pero sana hindi umabot sa ganito na sa puntong ang ina ko pa ang nakadiskubre sa bangkay ng kanyang minamahal at sana hindi nangyari sa loob at sa araw na ito, the day that they commit to each other supposed to say they're wedding anniversary.
LUMIPAS ang mga araw, gabi ngayon pero kita kong balisangbalisa parin kami sa nangyari kay daddy. Si mommy ay nakaupo lang siya habang hinahawakan ang kabaong ni daddy. "Maybe this is your last mahal..." Narinig kong hikbi ni mommy para mapatingin ako. "Vin can you continue what I working here" Saad ko sa kanya at kaagad ibinigay ang pagkain na nakalagay sa Isang tupperware na malaki.
"Mommy..." Sambit ko habang papalapit kay mommy na nakaupo parin. "Okay kalang po ba?" Tanong ko habang kinukuha ang upuan at tumabi kay mommy. Marahan siyang tumango sa akin at Ibinalik ang kanyang tingin kay daddy. "Iiwan muna kita dito, Mommy" Saad ko at napatango si Mommy sa akin.
Naglalakad ako papalapit kay alvin para sabihin sa kanya na ako naman dyan sa ginagawa niya. "He-" Putol ko sa sarili ko ng bigla kong nakita si jane sa labas. Agad akong tumakbo papalabas wala na akong pakealam kong tinitignan na ako ng mga tao. "Jane!" Sigaw ko habang tumatakbo. "Jane naman, Bakit?!" Patuloy ko pa'ng sigaw para mapalingon siya sa akin. at kaagad niyang ibinaling ang kanyang mata sa daan at kaagad na tumakbo.
"Hindi, Jane plea-" Putol kong saad ng biglang may kumalabit na maliit na kutsilyo sa aking leeg. "S-sino ka?!" Saad ko at kaagad na tumingin sa ibaba. "K-kung may b-balak ka man s-sakin, w-wag muna ngayon.." mahina kong saad para mapahagugol ako. Kahit hindi ngayon kasi may nanay pa akong aalagaan at kapatid na aalagaan.
"Kung sa tingin mo, pumili ka ng Isa" Saad niya para mapatango ako. "A or B" Saad niya para mapaisip ako at mapahinga ng malalim bago sumagot. "A-a" Sambit ko para idiin pa niya ang kutsilyo na nasa leeg ko at mapa-aray ako.
"Ayesha..." Saad ng lalaki at kaagad niyang ibinaba ang kutsilyo at bigla siyang napalundag sa sahig. "Sino ka!?" Sigaw ko para mapatigin siya sa akin. Sasampalin ko na sana siya ng bigla niyang hugutin ang salikot na nasa mukha niya. Hindi ako makapaniwala. "K-kiel....Hindi!" Sigaw ko habang namumuo na ang aking luha. "Mamatay tao ka!" Sigaw ko pa at hindi ko na mapagilan ang aking mga luha na kumakawala na ngayon.
"I t-trusted you...but you never p-promised to come back to m-me" nauutal kong saad sa kanya, napapagod na ako, he left me without saying a word. But now his here now...middle in the night kneeling infront of me. "Patawad A... Ako ang nagpatay sa d-daddy mo" Biglaan akong nagulat at kaagad ko siyang hinablot ng paitayo para mapatayo siya. "H-how dare you to kill my father!" Sigaw ko para mapangisi siya. "I trusted you but you betrayed me" Sigaw ko at kasabay nun ang biglaan kong sampal sa kanya. "You never learned A..." Saad niya para mapahinto ako.
Ano ba talaga gagawin ko, maayos ko ba lahat?
Nalilito na'ko sino ba kasi ang kakampi ko dito?
(To be continued)
YOU ARE READING
An Adopted Girl
Mystery / Thriller"Being a friend with a stranger...Isn't strange?". A coldly woman with a very high standard towards with her's circle of people but when a random girl approach her with a mysterious one-wish...A wish that could incounter a lot of trouble, where she...